Chapter 18

14 1 0
                                    

------

Alas siete na nang ihatid ako ni Kerth sa apartment. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako pumasok sa kalooban nang apartment nang mahagip ko ang pamilyar na motor hindi kalayuan sa kintatayuan ko ngayon.

"Kay Klein 'yon ah" mahina kong sambit.

Ipinalibot ko ang tingin ko pero wala akong makitang Klein na nakatayo o nakaupo man 'di kalayuan. Baka sa kapitbahay lang siguro yan. Kapareho lang ata ng motor niya. Sa dinami dami ba namang motor.

Nagpasya na akong pumasok sa apartment. Kawawa naman si Lili at nag iisa siya ngayon kaya naisipan kong dalhan siya nang pasalubong. Kumatok ako sa pintuan, malakas 'yon para damang dama ng pinsan ko. Masakit sa kamay, pero wala e, makulit ako pagdating kay Lili.

Malapad ang ngiti ko nang marinig ang pagbukas niyon at nang tuluyan nabukas ang pintuan ay sabay kong itinaas ang hawak kong paper bag dahilan para tumama sa matigas na dibdib ni...

"K-Klein?"

"Masyado ka yatang nag enjoy sa date niyo ni Kerth" malamig na saad nito at diretsong nakatingin sa mata ko.

"B-Bakit ka nandito?" bakit ba ako nauutal?

Hindi niya ako sinagot, tinitigan niya lang ako kaya diretso na akong pumasok at hinanap si Lili.

"Lili!" tawag ko.

"Ay! Nandito ka na pala Bles, ah eh pinapasok ko si Klein dahil kanina pa siya sa labas. Ahm hinihintay ka" pagpapaliwanag niya agad nang makita ang matalim kong tingin.

"Tsk bakit naman niya ako hihintayin? Wala naman siyang kailangan sa akin e at mas lalong wala rin naman akong kailangan sa kaniya" inis kong saad at akmang papasok sa kwarto ko nang magsalita mula sa likuran ko si Klein.

"Pero ikaw, kailangan kita" nakita ko rin ang pagkagulat ni Lili sa kaniyang narinig kapagkuwan ay nangingiti na ito.

"A-Anong sabi mo?" tanong ko kahit narinig ko naman 'yon. Malay ko bang guni-guni ko lang o malay ko bang nagbibiro lang siya. Baka pinagtitripan lang ako.

"You heard it right" saad niya pa.

"Bakit ka ba nandito? Gabi na oh" inis kong saad.

"Bakit ngayon ka lang dumating? Gabi na oh" ginaya niya pa ang pagkakasabi ko non. Kaso malamig na bersyon ang pagkakasabi niya non.

"E namasyal kami ni Kerth kaya ngayon lang nakarating tsaka... Pakialam mo ba?" saad ko na medyo pinagsisihan ko dahil nag iba bigla ang kaniyang emosyon.

"Ganoon kahaba ang oras ng pamamasyal niyo?" inis na saad niya. Bakit? Ano ba ako sa kaniya? Bakit ganito siya makaasta?

"Ano mo ba ako para ganiyan ka na lang kung makapagtanong?" tanong ko naman at tiningala siya. Tila ba'y natigilan siya nang sabihin ko 'yon. Kapagkuwan ay nagsalita siya.

"Oh, I forgot. I don't have the rights to ask and complain 'cause we're just pretending that we're lovers." may nakita akong kakaibang kislap sa kaniyang mata kaso bigla siyang umiwas ng tingin.

"Oh yun naman pala. We're just pretending. Pero diba? Tinapos mo na 'yon? Ayokong umaasta ka ng ganiyan. Umaasta ka na parang totoo tayong mag jowa kahit hindi naman. Paano kung aasa ako bigla sayo? Paano kung masasaktan lang ako kapag naniwala ako sa pag aalala mo?" inis na saad ko.

"Gusto ko na ngang tapusin 'yon. But that doesn't mean that I'll leave you behind. Tinapos ko 'yon because I want us to start all over again." saad niya na ikinatigil ko.

"Start again? You mean gusto mo ulit magpanggap sa kanila?" ewan ko ba, pero parang may bahid na sakit ang pagkakasabi ko non.

"I don't want to pretend anymore, I want us to be real." natigilan ako sa sinabi niya at maging si Lili na nakikita ko sa peripheral vision ko ay natigilan rin.

A-Ano kamo ang sinabi niya?

"A-Ano?"

"I'm tired of loving you secretly. I'm tired of being jealous everytime I see you smiling at the other guys. So I want it to make it real. Let's make it real, Blessica" nang pakawalan niya ang mga katagang 'yon ay parang lumipad ang puso ko sa langit.

Sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Parang na-epilepsy lang. Ganoon! Bakit ganito? Kulang na lang ay hawakan ko ang dibdib ko para damhin ang lakas ng tibok ng puso ko. Nakatingala lang ako sa kaniya habang siya naman ay nakatingin ng diretso sa aking mata.

Teka lang...

Ito ba ang feeling na may nangyayaring confession? Ganito pala 'yon? Yung pakiramdam na hindi ko na kailangan sabihin na magkagusto siya sa akin dahil gusto ko na rin siya kasi siya na mismo ang pumunta rito para sabihin 'yon. Gustong tumalon ng puso ko yung mataas na mataas.

Speechless...

Yan ako ngayon. Hindi ko kayang makapagsalita. Yung antok ko kanina, parang biglang umatras. Hindi ko alam kung anong ire-react ko sa mga sinabi niya. Bakit ba kasi biglaan na lang? Ni hindi man lang ako ininform na may ganitong pasabog siya.

Tapos nung tingnan ko ang mga labi niya habang sinasabi 'yon, parang nag slow motion ang buong mundo ko. Lahat lahat naging slow motion pati yung langgam na naglalakad sa kusina, baka nag slow motion din.

Seryoso ba talaga siya sa sinabi niyang 'yon? Nang tingnan ko ang mata niya ay nakita ko naman ang pagkaseryoso niya. So ano 'tong sinasabi niyang pagod na siyang magmahal ng patago? Alam ko ang ibig sabihin non pero parang nire-refuse siya ng utak ko.

Ano ba ang nangyayari sa akin? Nakakabaliw 'tong ganito ah? Jusko maaga yata akong mababaliw. Baka bukas kaharap ko na ang psychiatrist dahil sa pangyayaring ito. Naku, wag naman. Hindi pa nga nakapag confess ng nararamdaman ko e.

Masyado kasing gwapo ang nasa harap ko kaya pati ang mga sasabihin ko tinangay ng hangin dahil sa kagwapuhang taglay niya. Parang kahapon lang e ayaw kong pini-praise ang isang 'to. Pero bakit parang nag iba bigla ang ikot ng mundo? In love na ba ako o ano? Baka crush crush lang 'to diba?

Bakit ang dami kong nasasabi sa isip ko na hindi ko naman kayang bigkasin sa harap niya? Parang nawalan na ako ng boses. Paos? Hindi naman. Nag iinarteng boses lang yata. Baka mairita na siya dahil hindi man lang ako nag sasalita dito.

Maging si Lili ay parang naghihintay rin ng isasagot ko pero wala akong balak magsalita. I mean, walang balak na lumabas ang boses ko. Masyadong mahiyain, charot. Ang OA yata ng reaksyon ko no? Pero hindi ko talaga maiwasan. Hindi ito pilit.

"I guess you're sleepy, I'll let you decide for now." saad niya sabay gulo ng buhok ko. Napanguso naman ako nang gawin niya 'yon.

"Susunduin kita bukas, okay? Goodnight then. Lili, mauna na ako" baling niya kay Lili at ngumiti bago nagsimulang maglakad papalabas.

Nakatingin lang ako sa pintong nilabasan niya. Kapagkuwan ay naramdaman ko na ang malakas na pagyugyog ni Lili sa akin. Muntik pa nga akong sampalin buti naman at nakailag ako. Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Bakit natuod ka lang diyan? Hindi mo man lang sinagot si Klein. Ang tagal mong nakatayo diyan tapos nakatitig ka lang kay Klein." saad naman niya sa akin.

"hindi ko kasi alam kung anong sasabihin. At saka... Tila nawalan ako ng boses kanina. Ni walang lumabas na salita sa bibig ko. Kita mo naman 'yon diba?" saad ko pa.

"Baka masyado ka lang nahulog sa mga tingin niya sayo kanina kaya ka ganiyan." saad niya pa at tumawa tawang bumalik sa kusina.

------

A/N: kilig muna ngayon.

The Matchmaker Where stories live. Discover now