Chapter 20 (Part 2)

5 1 0
                                    

------

It's already 7 pm in the evening. Sabi niya sakin ay pupunta siya rito pero hindi man lang siya tumawag o nag text man lang. Baka naging abala siya sa mga bisita. Lalo na at maraming nakakakilala sa pamilya nila kaya siguro marami din ang mga imbitado.

Sinubukan ko rin siyang tawagan, pero nakapatay ang cellphone niya. Abala talaga siguro don. Hindi naman ako yung tipo ng girlfriend na kapag hindi sumagot, e magagalit agad. Hindi naman kasi tama 'yong ganoon. Kailangan alamin muna ang rason bago magtampo o magalit. Ganoon talaga 'yon.

Magkaiba naman kasi ang girlfriend sa mother e. Kaya wag masyadong mahigpit hihi. Ayokong maging mahigpit sa kaniya, kasi napakabait niya para gawin ko 'yon. At saka, alam ko namang hindi 'yon magtatago ng kung ano sa akin. 'ni isang beses, hindi niya akp nagawang lokohin. Nagbibiro siya sakin minsan pero hindi naman umaabot na masasabi kong niloloko na niya ako. Napakaswerte ko sa lalaking 'yon. Namiss ko tuloy agad.

"Oh Bles, anong tinutunganga mo jan sa labas?" napatingin naman ako sa pinsan kong si Lili. Siya na muna ang nag entertain ng mga bisita. Nakakapagod, ang dami nila.

"hinihintay si Klein" sagot ko naman at tumingin sa langit. Ang ganda ng buwan ngayon tapos ang dami pa ng mga bituin na kumikinang. Starry night. Ang ganda lang talagang pagmasdan kahit nakakastiffneck hahaha.

"Malamig dito sa labas, at saka tatawag naman 'yon kapag ka nakarating na siya rito" wika pa ni Lili at nakisabay sa akin. Pinagmasdan niya rin ang kalangitan.

"Ang sakit sa leeg ah? Pero worth it, maganda ang kalangitan ngayon. Bakit parang may iba akong nararamdaman?" saad niya pa kaya napatingin ako sa kaniya.

"ano naman 'yon?" tanong ko pa. Kahit ako, may nararamdaman ding kung ano. Hindi ko lang maipaliwanag kung ano talaga 'yon.

"Pakiramdam ko, tatangkad ka na" tinampal ko siya sa kaniyang braso nang sabihin niya 'yon. Aba't ang lakas pa niyang tumawa ha.

"Antok lang yan Lili, matulog ka na." saad ko pa.

"Ayaw mo lang talagang asarin kaya pinapatulog mo na ako. Marami pang bisita at saka, hindi pa naman ako inaantok." sagot naman niya.

"buti naman at alam mo, siya sige ako na ang unang papasok. Pupunta lang ako sa kwarto" saad ko naman at naglakad na pabalik sa bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko, sumalampak sa kama. Nagplay ako ng music sa phone ko. Hinayaan ko na 'yon at ipinikit ang mga mata. Siguro ay matutulog muna ako sandali habang hinihintay ko siya. Gigisingin naman din ako ni Lili kapag narito na siya e.

Everything seems okay right now

Bottom of the sky hasn't fallen out

But I know when it comes

It's gonna get ugly, get ugly

You don't know you as well as I do

So baby don't wait a week or two

Go and pull the Band-Aid off

We'll both be better off if you just

Ang drama naman yata ng kantang ito. Akala ko ay sa antok ko makakatulog na ako, pero hindi e. Ewan ko ba kung bakit. Kaya nagdecide na lang ako na sabayan ang kanta. Hindi ganoon kaganda ang boses ko kaya mahina lang. Nakakahiya baka marinig pa ng nasa labas. Itinatago ko itong boses ko para kay Klein.

Syempre gustong gusto kong tumanda kasama siya kaya naiisip kong itago ang boses ko para sa kaniya. Sana nga ay kami na talaga. Ayaw ko nang maghanap pa ng iba. Kasi siya pa lang, sapat na sapat na. Gustong gusto ko ang bawat parte ng pagkatao niya, ganyan ko siya kagusto. I mean, kamahal.

The Matchmaker Where stories live. Discover now