Chapter 3

22 3 0
                                    

------

Buti na lang at nakauwi na kami agad ni Lili. Akala ko kasi magchichikahan pa sila ni prof don at matatagalan pa kami sa pag uwi. Kahit pa sabihin ni Lili na amoy anghit ng professor namin, makikipagchikahan parin yan. E paano ba kasi tatawagin siya non para lang kausapin.

Ako? Siyempre walang nakikipag usap sakin. Ewan ko ba kung bakit wala talagang nagbabalak e cute naman ako ah. Si kuya enzo lang nakakatagal na makipag usap sakin pati na rin si Lili.

Wala naman sakin yon hihi kasi masaya ako kahit wala akong kausap. Pwede ko naman kausapin sarili ko. Parang ganito...

Teka haharap muna ako sa salamin para siyempre kaharap ko yung kausap ko. Hihi para damang dama na may kausap. Isipin ko na lang na yung kausap ko, ginagaya ako.

"Ugh hi"

"Hello hihi nakakahiya naman sayo"

"Bakit naman? Cute ba ako masyado?"

"Oo ang cute mo nga. Kaso yung bangs mo parang natabingi ata"

"wait, aayusin ko hihi-" hindi ako natapos sa pakikipag usap sa sarili ko nang may dumating na epal.

"Nababaliw ka na naman ba, bles? Pwede mo naman akong kausapin kung trip mong makipag usap e. Natatakot lang ako na baka mamaya e may pupunta na ritong mga tao na galing sa mental hospital at kukunin ka palayo sakin. Gosh di ko kakayanin na mawala ka huhu" pagdadrama pa ni Lili.

Baliw din pala siya e no?

"Bago nila ako kunin siyempre iuuna ka nila. E mas baliw kang mag isip kesa sakin. May pakinabang pa naman ako kahit konti e. Ikaw, ganda lang talaga at mahaba yang katawan mo" sagot ko naman.

"Grabe ka naman bles ih. Gusto mo ba akong mawala sa tabi mo?" tanong naman niya sakin.

"Syempre hindi." mahal ko kaya yan. Kahit pa pareho kaming baliw hindi ako maghahanap ng matino para lang ipalit sa kaniya. Having her in my life is Priceless. Chareng umienglish ang bulilit.

Hindi na ako nagulat nang maramdaman kong niyakap niya ako. Ganito naman kasi lagi ang scene na nagaganap samin e. Puro lambingan kami ganoon pagkatapos lang naming maglaitan hahaha.

"Oh siya sige bitaw ka muna, sisimulan ko na ang mga plano ko" saad ko naman.

"Kasama ba ako sa plano mong yan?" tanong naman niya sakin.

"Siyempre hindi. Baka kasi malasin at hindi magkadevelop ang dalawang tao na napili ko hihi" sagot ko naman.

"So ako ang malas ganoon?" saad niya na nakabusangot na ngayon. Dali talaga nitong magpalit ng mood sarap kutusan e.

"Joke lang naman yon e. Gusto ko lang kasi na ako na gagawa tas ikaw audience kita ganoon!" sagot ko naman at nginisihan siya.

"Anong ibig mong sabihin? Gagawin mo na naman ba ang kabaliwan mo dati? Bles, no no no. Wag mo nang gawin yon. Masama kayang pag awayin ang dalawang tao. Tsaka baka maisumbong pa kita kay lola ha. Baka nakakalimutan mo, next week na tayo pupunta sa batangas " saad naman niya.

"To naman. Mali yang iniisip mo, hindi ko naman pag aawayin e. Pagiibigin ko lang naman hihi kaya ikaw, magpaka audience ka na lang. Watch and learn" saad ko na ikinabungisngis naman niya. Bilis magbago ng mood diba? Hahaha.

So ito na! Tenten tenen teneeeeen! I'm trying to call them na. Hihi. Sana maganda ang kalabasan nito. Ayoko kasing sa first try, fail agad. Pwede naman sa second try ma fail e. Anlaaa! Nagriring na hihi I'm so excited.

[Hello?] babae yung unang sumagot hihi. Thank me ateng nagbabasa ng book sa hallway kapag nag work ito hihi.

[Hello po?] wait lang ate di pa sumasagot si kuyang pogi. Oo pogi yon hihi.

The Matchmaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon