Chapter 12

12 2 0
                                    

-------

"Bles!" tawag sakin ni Lili habang bumubungisngis.

"Anong binubungisngis mo diyan ha?!" tanong ko naman. Nakakacurious na kasi itong mukha niya. Oo yung mukha niya yung nakakacurious hindi 'yong pagbubungisngis niya.

"e kasi may nakita akong picture. Kinilig ako pero medyo confused din" saad naman niya at kinuha ang phone niya.

"Anong picture ba ang tinutukoy mo?" tanong ko naman kakainis 'to e pabitin pa.

"Ito oh!" wika niya at iniharap niya ang phone niya sakin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang makita kong nasa picture ako. I mean, kaming tatlo nina Kerth at Klein. Yung kanina ito e.

"Confused kasi ako Bles. Kita mo yan? Nakahawak sa palapulsuhan mo si Klein habang nasa kabilang side mo naman si Kerth na matalim na nakatingin kay Klein. Sino ba sa kanila ang gusto mo?" natigilan naman ako sa tanong niya kapagkuwan ay natauhan din.

"S-sinong kumuha niyan?" tanong ko habang pinakatitigan ang picture. Grabe yung pagkakakuha ah parang paparazzi. Nangyayari din pala ito sa totoong buhay. Akala ko kasi sa mga libro lang at pelikula.

"Kaklase natin lang naman. Buti naman at naabutan ko kaya hindi niya naipost. Tinakot ko siya e tapos dinilete ko don sa phone niya pero bago yon, pinasa ko muna sa akin hahaha" ang lakas ng tawa niya parang mabibingi na ako. Ayaw na ayaw ko pa naman kapag ganito na ang tawa niya.

"Ano siya? Paparazzi? Hindi naman kami celebrities para kunan niya ng litrato no. Sana kasi sinabi niya nang makapaghanda kami at makapagpose naman ako hindi yung palihim niya kaming kukunan." natawa naman si Lili nang sabihin ko yon.

"Hayaan mo na at least cute ka pa rin dito" natatawa parin siya habang sinasabi niya yan. Nakakainis ang tawa niya ah!

"Tumigil ka na nga! Nakakainis na yung tawa mo e" saad ko pa kaya tumahimik siya bago nagsalita.

"So ano, kung papipiliin kita, sino ang pipiliin mo sa kanila?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang itanong niya yon sa akin.

"Bakit mo ba tinatanong yan?" tanong ko pa. E bakit naman kasi niya ako pinapapili? E ano ko ba yung dalawang yun? I mean, si Kerth ay kaibigan ko lang tapos yung kapreng Klein na yon... Hindi ko alam. Strangers? Pero magkakilala naman kami kaya hindi strangers tawag don. Ah basta magkakilala lang, wala nang iba.

"Gusto lang kasi kitang papiliin. Confused ako e. Bagay kayo ni Kerth pero mas bagay kayo ni Klein. Gusto ko yung friendship niyo ni Kerth, pero di ko maintindihan kung anong meron sa inyo ni Klein. Nung nasa batangas tayo, nakita ko naman na naging okay kayo pagkatapos niyo lang mautusan na mamalengke. Tapos ngayon, kung umasta kayo ay parang never kayong nagkausap e. Tapos dito naman sa picture, mas lalo akong nahibang kakaisip kung ano ang meron sa inyong tatlo. Jusko ha!" saad niya na napatampal sa kaniyang noo.

"Bakit mo ba iniistress ang sarili mo sa walang kwentang bagay, Lili? Nako ha! Wala naman talagang meron samin e. Magkaibigan lang kami ni Kerth at kami ni Klein ay..." hindi ko alam kung anong itatawag ko saming dalawa e.

"Ano? Bakit di mo masabi kung ano kayo ni Klein? Siguro kayo na no? Tapos itinatago niyo lang sa lahat. Tapos may feelings sayo si Kerth na hindi mo kayang suklian. Waaaah! Ang ganda ng ganoong plot."  wika niya at nagpapadyak padyak. Sarap niyang kaladkarin papuntang mental hospital e.

"Kung ako sayo, matulog ka na lang. Malalim na rin naman ang gabi kaya siguro nang dahil na rin sa antok mo yang mga sinasabi mo." saad ko naman kaya inirapan niya ako.

"Oo nga at inaantok na ako, pero gusto ko lang malaman. Tsaka gusto ko isampal don sa Faira na yon na hindi tama na awayin ka dahil may something kayo ni Klein. Can't wait na nga e. Baka kasi mamatay siya sa inggit." Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Anong sinabi mo? Ulitin mo nga? Tsk nako Lili ah, hindi maganda yang iniisip mo. Baka guluhin na naman ako no'n kapag ginawa mo yan sige ka, ako mismo aaway sayo kapag may kalokohan kang ginawa o sinabi sa Faira na yon" saad ko naman at humalukipkip.

"Hays sige na nga. Di ko naman talaga sasabihin yon e. Binibiro lang kita. Sige matulog ka na at matutulog na rin naman ako." sagot niya at lumabas mula sa kwarto ko. Halata ko na rin naman yung antok sa mukha niya.

------

"GOOD MORNING!" Napabalikwas naman ako nang marinig ko ang malakas na sigaw na yon na nagmula sa pintuan ng kwarto ko.

Doon ko naman nakita ang ngiting ngiti na si Lili. Ang walang hiya, siya pala ang sumigaw na yon. Ano ba ang nakain nito at ang aga yatang nagising? At bakit ba pangiti ngiti pa ito? Kinusot kusot ko pa ang mga mata ko. Malay natin na tulog pa ako.

"Nagising ba kita?" tanong naman niya nang makita niyang nakatingin na ako sa kaniya nang matalim. At talagang yon pa talaga ang itinanong niya e no?

"Ay hindi, hindi mo ako ginising kaya nga mahimbing pa akong natutulog diba? kita mo naman kung gaano kahimbing ang tulog ko. Sa sobrang himbing ng tulog ko nagawa ko pang makipag usap sayo diba?" inis kong saad at natigilan ako nang tumawa siya.

"Imbyernang imbyerna ka ah? Gusto lang naman kitang gisingin nang maaga, gusto ko kasing mamasyal. Tsaka may sorpresa ako hihi" saad niya at tumawa pa.

"Anong sorpresa?" tanong ko naman sa kaniya.

"Tingnan mo na lang sa labas. Bilis!" mukhang siya pa ang excited sa sorpresa niya ah.

Napilitan naman akong tumayo at naglakad pa labas habang siya naman ay nakasunod lang sakin. E bakit may sorpresa siya? Hindi ko naman birthday ah? Nang marating namin ang sala ay nakita ko ang pagkalaki laking teddy bear. Ang laki naman nito.

"Ito ba yun?" tanong ko naman kay Lili na ngiting ngiti na ngayon. Napangiti din ako. Naisip ko kasi na yakapin ang teddy bear na ito. Para kasing ang lambot lambot niya.

"Oo" sagot niya kaya agad akong tumakbo papunta sa teddy bear at niyakap yon nang mahigpit.

Natigilan ako sa pagyakap sa teddy bear nang maramdaman kong nakayakap din ito sa akin. Agad akong napatili at lumayo sa teddy bear na yon. Jusko ano yon?

Tawang tawa naman ngayon si Lili habang nakatingin sa akin. Nanlalaki pa rin ang mga mata kong nakatingin sa teddy bear. May tao sa loob niyon. Nilapitan ko ito at pinagsisipa kaya nadapa ito. Ayan! Sino ba kasi itong walang hiya na niyakap pa ako pabalik?

"Tama na Bles!" sigaw naman ni Lili. Pinagsisipa ko pa rin kasi yung teddy bear. Hinanap ko yung zipper niya pero pinigilan na ako ni Lili. Dahan dahan naman na umupo yung teddy bear kaya inantay kong lumabas na siya mula don.

"K-KERTH?!" gulat na gulat kong saad nang makita kong si Kerth pala yung nasa loob no'n.

"Ang sakit ng mga sipa mo ah" wika naman niya kaya medyo nakonsensya ako. Medyo lang naman.

"Ikaw kasi! Bakit mo ba naisipan yang ganyan ha? At ano Lili? Grabe 'tong sorpresa mo ah. Sobrang saya ko grabe. Nakaka touch talaga. Tsk" saad ko pa at padabog na bumalik sa kwarto ko at padabog ko ring sinara ang pintuan.

Nakapanakit pa ako ng tao dahil sa sorpresa na ganoon e. Ayoko pa naman yon. Nakakainis. Hindi naman ako galit sa kanila, naiinis lang. At saka, baka isipin ni Kerth na sadista ako at nagawa ko pa yon sa kaniya. Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Ang aga aga e nagpapaka stress ako.

------

A/N: Tagal ko nang di naupdate to e.

The Matchmaker Where stories live. Discover now