Chapter 31

3 1 0
                                    

------

Klein was already waiting for me outside. Kakaalis lang noong designer. Nakapili na rin ako nang susuotin ko sa araw ng kasal namin. At ngayon naman, may pupuntahan daw kami ni Klein. May ipapakita daw siya sa akin. Ano kaya 'yon?

Sinuklay ko ang buhok ko bago kinuha ang sling bag na nakapatong sa mesa. Nang makalabas ako ay nakita kong nakasandal sa kotse si Klein. Naiinip na yata ang isang 'to. Nang magtama ang mata namin ay nginisihan ko lang siya. Naiinis siya sa napili kong dress e. But he still managed to open the door for me. Inayos niya naman agad ang seat belt ko.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko naman sa kaniya.

"Secret" tipid na sagot niya sakin. Ayos ah, wala talagang balak na sabihin sa akin.

Tahimik lang kami habang nakikinig sa kanta. Parang papunta kami sa shop ko. Dito kasi ako nadaan kapag pumupunta sa shop kaya baka don nga ang punta namin.

"How do I say goodbye to what we had?

The good times that made us laugh

Outweigh the bad

Hmm. I don't know this song and base sa pagkakanta parang cover lang ito. But all I can say... Ang lungkot ng kantang ito though the sound is good.

I thought we'd get to see forever

But forever's gone away

It's so hard to say goodbye to yester-"

"Bakit mo pinatay?" takang tanong ko kay Klein. Nakikinig kaya ako tapos papatayin niya lang? Nako naman.

"Masyadong malungkot ang kanta, I don't like it." komento niya.

"Okay lang naman 'yon." saad ko naman kahit pa sumasang ayon ako sa sinabi niya. Ano naman ngayon kung malungkot yung kanta?

"I don't like it" inulit niya ang sinabi niya. Napakaseryosong tao.

"Sa shop ba ang punta natin?" tanong ko kahit obvious naman na doon pupunta. "Bakit naman do- wait hindi sa shop ang punta natin?"

Iniliko niya ang kotse sa Cherish Village. Malapit lang naman ito sa shop ko. Hindi pa ako nakakapasok sa village na ito. Tanging mga residente dito lang naman ang nakakapasok e. Nagtaka nga ako kung bakit napapasok lang kami nung guard nang makita niya si Klein para bang kilala na niya ito.

Baka may pinsan siya o ibang kamag anak dito kaya kilala siya. Baka minsan ay dumadalaw siya dito since malapit naman din ang shop ko. Natigil ako sa pag iisip  nang inihinto ni Klein ang kotse. Tumigil ito sa tapat ng ika anim na bahay? I think ika anim nga. Lumabas siya sa kotse para pag buksan ako. Well, he's always gentleman.

"Klein? Kaninong bahay 'to?" tanong ko naman at tiningnan ang kabuuan ng bahay. Base sa nakikita ko sa labas ay modern ang design nito. Ewan ko na lang kung ganoon din sa loob. Sa tantya ko, may tatlo o apat na kwarto dito.

Nanatiling tahimik si Klein. Hindi man lang sinagot ang tanong ko. Bastos na bata tss. Binuksan niya ang gate. Wait, he has the key of this house. Does it mean...

"This will be our home." hindi makapaniwalang tumingin ako sa kaniya.

"Kailan mo pa ito nabili?" tanong ko. He's always been busy. Hindi niya nabanggit sa akin na may nabili siyang bahay.

"basta. Naisip ko lang na dito tayo tumira para malapit lang sa shop mo. Ayokong mahirapan ka pa kaya hindi na ako naghanap pa ng ibang village na titirhan natin" nakapasok na kami sa loob.

Complete na ang nasa loob. Furnitures, appliances, curtains and also the kitchenwares. Hindi masakit sa mata ang kulay na nakikita ko sa loob. Beige curtains and grey furnitures. We went upstairs.

"Our room, my queen" so this is the Master's bedroom.

Malaki ang kama sa loob. May sliding door papunta sa balcony. May wardrobe din. Kung ano yung kulay sa baba, ganoon din ang nakikita ko rito. Klein likes these colors kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganito ang kulay ng nasa loob ng bahay. I like these colors too. Comforting.

Nang matapos kaming libutin ang bahay ay napagdesisyunan namin na maupo sa sala. Binuksan niya ang TV at naghanap ng mapapanood don. Nahiga naman ako sa legs niya. Huminto na siya sa paghahanap ng channel. Magmo-movie marathon pala kami e.

He's starting to comb my hair with his fingers. Ang pinakagusto kong ginagawa niya sa akin. Habang nanood kami ay patuloy siya sa ginagawa niyang pagsuklay sa buhok ko.

--

Nagising na lang ako nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi sa mukha ko. Pinupupog na pala ako ng halik nitong si Klein e. Nakangiting mukha niya ang bumungad sa akin. Nasa kama na ako wala na sa sofa

"almost two hours ka nang natutulog. Antukin mo talaga kahit kailan. I already cooked for lunch. Let's eat" pag aaya niya naman sa akin kaya sumunod na ako sa kaniya.

Pagkarating namin sa hapagkainan ay nakikita ko pang umuusok ang pagkain sa lamesa. Kakalagay niya lang ng mga ito.

"Sana ginising mo ako para may kasama kang magprepare ng lunch" saad ko naman. Ang tagal ko pa lang natulog.

"It's fine. As long as kaya ko naman gawin ang isang bagay para sayo, gagawin at gagawin ko 'yon. I want you to feel like you're a queen. I'm your king, that's why I'm treating you like this" so sweet. Kikiligin na lang ba ako lagi sa kaniya?

"Kahit na, kung queen ako dapat may gawin din ako para sayo." saad ko pa.

"Pleasure me then" sagot naman niya. Nang tingnan ko ang mukha niya ay hindi siya nakangisi.

"A-Anong sabi mo?" pleasure daw hala.

Ilang segundo pa akong nakatingin sa kaniya nang bigla siyang tumawa kaya kinurot ko siya sa tagiliran. Lagi na lang niya akong binibiro e. Nakakainis talaga 'to kahit kailan. Sarap kagatin at kurutin.

As a king, pinaghila niya pa ako ng upuan. As usual, susubuan niya na naman ako pero pinigilan ko siya. Tulad ng ginawa ko sa shop last time, kinuha ko ang kutsara. Naglagay ako ng pagkain sa plato. Iisang plato lang naman para tipid. Biro lang, ganito ang gusto namin share kami sa lahat.

Sinubuan ko siya pati na rin ang sarili ko. Siya naman ay isang subo ko sa kaniya isang halik naman ang natatanggap ko. Lalagkit ang mukha ko nito, kumakain pa kami e.

"Hugasan mo mukha ko mamaya. Nanlalagkit na 'yan e" wika ko pa pero hindi niya tinitigilan ang mukha ko.

"Sure" nakangiti niyang sagot.

"I'm full" sagot niya nang subuan ko na siya. Kinain niya lang 'yon at uminom na ng tubig.

"Ako rin. Kahit kailan talaga, ang sarap mong magluto" saad ko naman. Baka liparin 'to ng hangin sa pagpuri ko sa kaniya.

"so what can you say?" tanong niya. Alam ko naman na itong bahay ang tinutukoy niya.

"I like it. Napakapeaceful pala dito. Mula sa gate hanggang sa atip ay nagustuhan ko" sagot ko naman.

"I'm glad you liked it" nakangiti niyang saad. Ang gwapo gwapo talaga nako.

Niligpit ko ang pinagkainan namin at hinugasan na ang mga ito. Nang matapos ay bumalik kami sa sala. Tapos na rin akong maghilamos kaya napagdesisyunan naming manood ulit. Hindi ko na siya tutulugan hahaha. Nagkapalit ang pwesto namin. Siya na ngayon ang nakahiga sa mga hita ko. Sinusuklay ko naman ang buhok niya gamit ang mga daliri ko katulad ng ginagawa niya lagi sa akin.

I hope we can build a happy family.

------

The Matchmaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon