Chapter 8 - Love Her, Hate Her

Comenzar desde el principio
                                    

“Kung ikekwento ko sa’yo, maniniwala ka ba?”

“Sabi mo kakampi kita, pero kalaban mo ‘ko. Medyo Malabo, pero sige. Bakit ka marunong magtagalog?” ibinato kong muli ang bola sa kanya at pabalik balik na ‘yon samin, patalbog talbog sa lapag upang makagawa kami ng kaunting ingay kung may nakikinig man samin sa labas.

“Grade 3 na ko sa Pilipinas, ng kunin ako ng tunay kong Tatay. Myembro siya ng isang sikretong gang at ito yung tatak namin.” Ipinakita niya sakin yung letrang X. Di siya isang tattoo, kung hindi parang isang minarkang peklat mula sa sugat. “Kung sa malayuan, mukhang tattoo. Back to the story, pinagkatiwala ako lagi ng Tatay ko kay Raven. Medyo mas matanda lang siya sakin no’n, at akala niya nililibot libot lang ako ni Raven sa Korea. Pero dinala niya ko sa isa pang gang.”

“Etong Kings of Money?”

Natawa siya.

“No.”

“What?!”

“It was originated here in Japan, tinatawag itong, venom, Venom nga ba? Hindi ko na matandaan.”

“You mean, snake?! They’re Yakuza Gang, sina Rain.” Natandaan ko pa ang tattoo nila, lalong lalo na ang kay Rain. “Hindi ko alam kung nasaan na ang ang dalawa pang tagapamuno ng Snake Gang, sina Jiane at Rain. Nakakulong naman ang magulang nila, kasama ang magulang ko sa Pilipinas.”

“Really? Bakit alam mo?”

“Because they caused trouble to us six years ago.”

“That’s why.” Nagpatango-tango siya. “That’s why we can’t contact them. Ang alam ko lang balak naming sirain ang Skull at Dragon. Pero, nawalang bigla sila. Kaya nagtago rin kami dito dahil inakala naming may nangyaring masama doon at maituro kami.”

“I’m one of Dragon.”

“Alam ko.”

“Kaya minanmanan niyo ko?!”

“Well, just following the missions, and I still don’t know you then, wala ring alam ang Tatay ko sa pagkampi ko kay Raven. Wala na naman na akong magagawa kung hindi ang sumunod, kung ayaw kong mamatay.” Napangiti kaming dalawa. Napatigil ako, parang pareho kami ng ngiti at tawa! Parang biglang gumaan ang loob ko sa kanya.

“O bakit hindi mo na ko patayin?”

“Hindi naman talaga kita balak patayin.” Kung makapagusap kami ng tungkol sa patayan, parang casual lang. “Sabi ko nga kakampi mo ko. Pero kalaban kita. Ilalayo sana kita dito, pero dumating siya. I just put out an act to my co-members, I told them that we need to get you alive and takutin ka para umalis ka na ng bansa, pero natakot ka nga, kasama mo naman siyang umalis.”

“Sino? Yung ex mo?! Are you jealous because you still love her?”

“I hate her. Well, you love her?”

“Yes.” Sagot kong bigla ng magpop-out sa utak ko si Rei! “No, I mean, I don’t love her. We’re cousin, we’re not real cousin’s by the way. Bakit mo nga pala ako nilalayo dito?” ang ititira niyang bola papunta sakin ay naibagsak niya.

“What’s the real name of your father?” pinulot kong muli ang bola.

“Lee Han Jae and Lee Tai Ji. Bakit? Akala ko nga patay na yung Tatay ko, wala man lang sinabi si Mama. Sabagay, maaga rin naman siyang namatay.”

Ngumiti siya at tumayo pero bakas sa mata niya ang pagkalungkot. Binuksan niya ang pinto at tumumba doon sina Reina at Hanna. “We’re real brother’s, that’s why I can’t kill you. I just wanted you to get out of this sh*t life. I’m older than you, so don’t ask why.”

 “W-what, w-wait.” Naguluhan ako.

“Is he crying?!” gulat na tanong ni Hanna. “You and Him? Brothers?!” bulong na tanong niya.

“That’s why yung aurang gano’n, naramdaman ko ‘yon six years ago. Go after your Ex.” Utos ni Reina kay Hanna at umalis naman kaagad ito. Isinarado ni Reina ang pinto at naiwan akong nakatulala.

 

[Reina’s Point of View]

Nagulat ako ng tanungin siya ni Woo Bin ng ‘Do you love Her?’ at sinagot niya ang Oo. Inaasahan kong ibang tao ang tinutukoy niya, pero ng banggitin niya yung cousin. Nakumpirma kong ako ‘yon. At ang isa pang nakakagulat, ay sinabi n’yang di kami tunay na magpinsan.

Maraming pasikot sikot sa pamilya namin, hindi ko man inaasahan pero kailangan kong tanggapin.

Nakatulala si Lee habang dakot dakot ang bola ng basketball na kanina pa niya nilalaro.

I want to ask him about his feelings, na may gusto pa rin pala siya sakin. Pero hindi na lang siguro, dahil isa lang naman ang mahalaga sakin ngayon. ‘Yon ay mahanap ang Doctor na gagamot kay Jae.

Nagclear throat muna ako bago lumuhod sa harap niya, sa harap niya dahil baka di niya ko mapansin.

“Lee, yung X—“ tumingin siyang bigla sakin.

“Did you hear all?” tinitigan niya ang mata ko, at sa unang pagkakataon ay nanghina ako sa harap niya.

“O-oo—pero.”

“Forget about it. I want to start now, letting go of this feeling, na gusto pa rin kita. All this time nagpaubaya ako, dahil mahal kita, minahal kita bilang isang kamag-anak ko. Pero di pala, gusto kitang protektahan lagi. Nagiging komportable lang ako sa t’wing alam kong kasama mo si Jae, kasi alam ko, higit sakin, kaya ka rin niyang protektahan.”

“Lee—Hindi.”

“I know. I know na kahit isang beses, di ka lumingon sa iba, lalong lalo na sakin.”

“Hindi totoo ‘yan, I almost—“ I slipped my tounge. Napatigil ako at walang ingay kaming narinig sa loob ng sampung Segundo kung hindi ang paglunok ko at pagbilis ng tibok ng dibdib ko. “Okay, I’m going to be honest. Six years ago, before my mom told us that we’re cousins, etong puso ko, nasasaktan kapag nakikita kong nasasaktan ka din. Kapag lumalayo ka at nagpaparaya gusto kitang habulin, pero noon—“

“Stop it.”

Tumayo kaming parehas ng paalis na siya at wala sa sariling niyakap ko siya mula sa likod.

“Just once, this heartbeat. Hear it. For the last time Lee, ikakasal na ‘ko.”

Tinanggal niya ang mga kamay ko at nagpatuloy na lumabas ng kwarto at pabagsak na isinarado ang pinto.

Alam kong nagulat siya na meron siyang kapatid, but this is, too much.

“I need to save Jae, pero kung kasama kita, I can’t save myself. Sorry Lee, I thought, I’d completely let go of this feeling.” Humawak ako sa dibdib ko at naramdamang may tubig na ang mga pisngi ko.

Love Her, Hate Her (LMTW Book Two) (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora