"Tiffanyyyy!" Agad akong siniil ng yakap ni Chette pagka-tungo ko sa cafeteria. Kanina pa pala siya naghihintay. Pambihira, hindi man lang ako tinext.


Umupo kami sa gilid. "Ano! Excited kana ba?!" Aligaga niya. Halos matawa na ako sa naging reaksyon niya. Gaga talaga.

Tumango ako. "Oo naman, pero nakakakaba parin, e. Pero keri na." Ani ko tsaka nagorder ng makakain namin. Libre ko ulit tsaka sinerve ang pagkain sa harapan namin.


Napahinto ako sa pagkain nang may nakalimutan ako. "Ohmygad, nakalimutan kong sabihin kay Lux na imbitado ka!" Gulat ko siyang tiningnan.



Ngumiwi lang siya. "Don't worry, tapos nako magpa-alam sa kaniya. Ayoko namang mapahiya do'n sa mansion nila ano at hindi pala ako imbitado!" Humalakhak ako. Oo nga naman.


Madami kaming napag-usapan hanggang sa mapunta kami sa suot na susuotin namin mamaya.


"Mayroon akong dress na red sa bahay! Pwede 'yon sayo!" Aniya.


"Is that the same dress na sinuot ko sa birthday ng kapatid ni aldren, huh?" Pinanliitan ko siya ng mata. Baliw. Nakakahiya naman.



Tumawa siya. "Uhm, parang gano'n na nga?" Hindi siguradong sagot niya. Hindi naman ako mapili sa mga gamit at suot ko, ngunit nakakahiya naman na suotin ulit kung gayong nakita ako ni Lux na suot-suot 'yon. It's damn embarrassing for my side!



"I'll find another one sa bahay nalang! Baka mayroon pa'ko." Bawi niya. Tumango-tango nalang ako. Siguro uuwi ako sa bahay at maghahanap ng susuotin.








Natapos kami sa pagkain at bumalik ulit siya para sa next subject niya. I have one remaining subject kaya tumungo rin ako. Nag-usap kami ni Chette na sa bahay nila kami magbibihis ng susuotin namin. So the tendency, sa bahay ako uuwi mamaya para maghanap ng suot. Ayoko namang umasa kay Chette palagi.















Oral recitation pala ngayon sa Values, at heto ako, hindi nag-abalang mag-aral. Nakalimutan ko, ohmygad!

Halos lahat nang tinawag ni sir Cholo ay nakasagot ng maayos. Mabibilang ang hindi gaano. At I think I'm one of them, too.



"Oh Ms Suarzon." Nagulat ako nang ako na ang tinawag ni sir. Tumayo ako agad. Lumingon ako sa mga kaklase kong panay ang aral sa kanilang mga libro. At nang napadako ang tingin ko sa grupo nila Lester, I saw him grinned. Tila nanunukso at alam na hindi ako makakasagot. What the heck?!



Tumikhim si sir tsaka nagsalita. "Differentiate the human act, and act of human. Can give some examples?" Halos mabilaukan ako sa tanong ni sir. Medyo napag-aralan ko ito last year pero hindi ko alam na lalabas pala ulit. Hindi niya ito diniscuss, I am aware of that. Maaaring hinalo niya ang topic noon at ngayon.



Ilang segundong nanatili ang bibig ko na naka-awang. Wala akong masagot pero sige, I'll try.



"Acts of man refers the normal actions of man on his environment. Like breathing, eating, drinking water that are their natural doings. Human act refers the good or bad results of the given action. Like respecting old people, doing good things that results good outcomes. Even if they are different, still they need each other to maintain the presence of acts of man, and human acts. That's all sir." Sa wakas, kahit alam kong hindi ako sigurado sa sagot ko, atleast sumagot, diba?



"Good job, Ms Suarzon." Para akong nahimagmagan sa sinabi ni sir. Pagkaupong pagka-upo ko ay binalingan ko si Lester at gano'n nalang ang gulat ko nang matalim niya akong tiningnan tsaka binalik ang tingin sa harap. What the heck was that for?




Nag-dismiss ang klase at parang gumaan masyado ang pakiramdam ko. Nagtungo agad ako sa room nila Chette at nandoon pa siya, nagaayos ng sarili. Kinawayan ko siya kaya nakita niya ako. Mas binilisan niya ang pag-aayos tsaka nagtungo sakin.



"Nasa'n ba si Lux? Absent yata siya ah?" Doon ko palang naalala si Lux nang matanong 'yon ni Chette.


"Myghad, I forgot to text him!" Agad kong binunlot ang phone ko tsaka tumambad ang nakahilerang texts niya sakin.



Lux:

Goodmorninggggggg, baby! Have your breakfast na!

Lux:

I miss you so bad :(((

Lux:

Baby

Lux:

Ba't ayaw magreply? -__-

Lux:

Absent ako ngayon baby kasi may importante akong pupuntahan. Mamayang 4:30, susunduin kita sa labas. Kasama mo si Chette diba? Kita kits mamaya! I love you! :)))))





Madami pa siyang text ngunit hindi kona binasa pa. Tinanaw ko ang oras, it's 4:35. Ibigsabihin naroon na si Lux.

Chette was looking at me confusedly. "Tara na. Naghihintay si Lux sa labas. Absent sya kasi may inasikaso." Ani ko tsaka tumango-tango siya.






Nang makalabas ay nakita ko agad si Lux sa gilid ng tindahan at nakaupo. Nasa kabilang daan ang kotse niya. Nang matanaw niya kami ay agad siyang ngumiti. Nakasuot siya ng sweater at cargo pants tsaka sport shoes. Sa dating niyang iyan ay lalo siyang gumwapo sa paningin ko.



"Bakit hindi mo nirereplayan ang texts ko, huh?" Naka-awang ang labi niya habang sinasabi 'yon.


Tumawa ako. A defensive laugh. "I forgot po sir. I apologise." Ani ko. Bumuntong-hininga lang siya tsaka hinawakan ang kamay ko.


"Ehem, nandito pa po ako." Napatingin agad ako kay Chette na nakapamaywang pa. Tumawa nalang amo tsaka nagtungo na kami sa kotse ni Lux.



Sinipat ako ni Chette nang makapasok kami. Itinuturo niya ang karangyaan ng kotse ni Lux. Well, hindi ko naman siya masisisi. Kahit ako nung una kong pasok dito, it's so expensive in the eyes.


Nagseat belt muna kami bago nagpa-andar si Lux sa kotse. Chette was busy complimenting the entire car and saying crazy stuffs. Masasanay ka rin, Chette.


"May napili naba kayong susuotin ninyo, baby?" Agad kong binalingan ng tingin si Lux na ngayo'y nakatitig sakin.

Nagkatinginan kami ni Chette bago kami sabay nagsalita. "Oo-" Natigil ako.


"Wala pa, e." Lakas loob na sabi ni Chette. Sinipat ko siya dahil doon. Damn!


Tumawa lang si Lux tsaka tumingin sa kalsada. "Don't worry, nakabili na ako ng susuotin niyo. Sa bahay na kayo magbihis." Aniya. Nagulat ako sa sinabi niya. What?


Kita ko na todo palakpak si Chette at tila nasisiyahan sa sinabi ni Lux. "Eh, pa'no yung magulang mo? Diba nando'n na sila sa mansion nyo?" Tanong ko.


"Nope, may inasikaso rin sila. Actually, hindi pa sila nakakarating sa bahay. Sabi ni mama, mga 6 or 7, naroon na sila. So, we have time to prepare ourselves." Tumikhim ako pagkatapos. Wala akong masabi. Hinanda na pala niya lahat ng iyon kaya siya um-absent kanina.




Nagpatuloy ang pagmamaneho. Suminghap ako ng hangin. Nakakakaba talaga knowing na magkikita kami ng mga magulang niya ngunit at the same time, nakakagalak. He will introduce me to his parents. And I am more excited to that!











Just His String ✓Where stories live. Discover now