29: ONSE ELEMENTOS

Start from the beginning
                                    

"Salamat nga pala." Sabi ko.

"Walang anuman... Halika na tulungan na natin ang iba." Sabi niya at tumakbo paalis. Sumunod naman ako.

Medyo nabibilang ko na ang kalaban, pero nanghihina na rin ang mga estudyanteng tumulong sa amin. Hindi ko nakita si Sir Laude, sabi ni Prof ay tutulong sa amin si Sir Laude pero hindi ko siya nakita dito sa labanan. Nagdadasal nalang ako na may darating pang ibang tulong ngayon dahil hindi ko kayang makita ang mga kasama kong nahihirapan, makikita na sa kani-kanilang mga mukha ang pagod. Gusto man silang tulungan kaso pati ako ay napapagod na rin.

"Ilag!" Sigaw sa akin ni Otso dahil may Draugr palapit sa akin.

Pinagtulungan namin ni Otso ang malaking Draugr at naging madali naman ito sa amin.

"Salamat nga pala," pasasalamat ko sa kanya.

"Walang problema!" Sabi nito sabay ngiti.

Maya-maya ay may napansin akong babae palapit sa amin dito sa quadrangle, magandang babae ngunit halatang mataray dahil sa kanyang mata. Dire-diretso ang lakad niya, parang papunta pa siya sa akin. 

Ito yung babaeng nandun sa flyers na kasama ni Justin sa CR ah?

 Nakatutok siya sa... Akin? Bakit? Ano ba ang nagawa ko sa kanya? Ngayon ko nga palang siya nakita ng personal eh!

"Pinatay ng kasama mo ang kakambal kooo!" Sigaw niya sakin.

May kakambal siya? Tsaka sinong kasama ang tinutukoy niya?

"Hindi ako masamang tao pero ang patayin ang kakambal ko ay hindi na pwede iyon!" Sabi niya at galit ang kanyang mga mata. "Ahhhhh" sigaw niya.

Sa isang segundo ay naging banshee siya. Banshee is a female spirit that heralds the death of a loved one with chilling and relentless shrieks. Tumatawa siya ng nakakabingi, nakatakip ako ng tenga. Kaming lahat dito ay nakatakip na, pati mga halimaw ay hindi kinaya ang sakit ng tinig niya. Galit ang mga mata niya pero tumatawa, imagine that?

Nakahiga ako dahil masakit na ang tenga ko, napasigaw na rin ako sa sakit. Maya-maya ay may narinig akong magandang boses, kumakanta at unti-unti nang nawawala ang sakit ng tenga namin. Hinanap ko ang kumanta at nakita ko ang babaeng tumulong sa akin kanina. Malamig ang mga boses niya, nakapikit siya at dinadamdam ang bawat tono ng kanta.

Ikaw ba yan Seven?

Napatigil ng pagtawa ang isang babae at siya naman ang nakatakip ng tenga.

"Heyy, long time no see!" Sabi ng babaeng tumulong sa'kin.

"Who are you?" Nakakunot na tanong ng babae.

"Well, wag masyadong atat Tara!" sabi niya at tinanggal ang damit na nakatakip sa kanya. "It's me, yung babaeng binubully mo araw-araw!" Dagdag niya.

"Bakit mo ako nakilala? Sa mukha kong 'to?" Tanong ni Tara. "Tsaka? Immortal ka rin?" Hindi makapaniwala na tanong nito.

"Kahit maging demonyo pa yang mukha mo, makikilala at makikilala kitang babae ka!" Sigaw ng babae.

"Buhay ka pa pala Frey? Akala ko pinatay kana ni Prof June!" Sigaw ng babaeng Tara ang pangalan.

"Why would he kill me?" Sagot ng babae. "It's nice to see you again Tara but I can't move on with your fucking face and your fucking attitude... So die!" Dagdag niya.

"If you can!" -Tara

"Ang gonggong na katulad mo ay madaling mamatay." Sabi ng babae at nagsimula na silang naglaban.

Sinampal ng babaeng si Frey si Tara kaya bumalik siya sa katawang tao niya. Sinuntok ni Frey sa koto-koto si Tara kaya napakaduko ito. Hinila niya ang isang kamay niya at inikot sa katawan at napasigaw siya sa sakit. Nice move!

Nakabawi naman si Tara, tinirintas niya ang paa ni Frey dahilan para matumba siya. Kinuha agad ni Tara ang pagkakataon para mabalik ang halimaw na katawan nito pero nahuli na siya dahil nasagi ni Frey ang mga kamay nito.

Napabulong ako sa isip ko dahil napahanga niya ako. Familiar ang tindig ni Frey, hindi ko lang nakita ang mukha niya dahil nakatalikod siya sa akin. Matangkad at balingkinitan itong si Frey, magaling sa pakikipaglaban at sanay sa mga galawan.

"One last word Tara!" Sigaw ni Frey.

Hindi na umimik si Tara. Duguan na ang mukha niya at hinihingal pa. Napangiti ako sa galing ni Frey, hindi niya ginamitan ng weapon si Tara dahil alam niyang madali niya lang itong mapapatay. Sinuntok ni Frey sa dibdib si Tara at nabawian na siya ng buhay.

"Taraaaaaaaaaaa!" May narinig kaming sigaw galing sa kung saan.




Please Vote and Comment below👇
Follow niyo na rin ako guys.
READ AND BE A FAN. Labyuuuu all<3

ONSE ELEMENTOSWhere stories live. Discover now