Panic.

699 32 7
                                    

Panic.

"Ang unfair mo! You're unfair Elmo!"

Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ko ang isang napaka pamilyar na boses. Bibili lang naman ako ng pagkain kasi nagkakaubusan na. Actually, nasa grocery store ako ngayon at infairness wala pang tao kasi maaga pa.

Sumilip ako at hindi ako nagkamali sa nakita ko. My inspiration. My dahilan of pagiging tanga.

JuliElmo.

"Julie? Ako pa ang unfair? Why me? Bakit ako?"

"Never mong ginawa sakin yung ginawa mo sakanya kagabi! You're unfair kasi ang tagal natin pero hindi ka man lang nag effort para gawin din sakin yon! You never did, Elmo! You never did!" sigaw ni girl.

"BECAUSE YOU WON'T LET ME!"

Nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Ja. Yung kaninang galit, ngayon naging malumanay. Hindi galit si Elmo. Umiiyak na din siya.

"You won't let me, Julie Anne. Ayaw mo. Ilang beses kong gustong ipagsigawan sa mundo na akin ka. Gusto ko sabihin na tayo pero palagi mong sinasabi na wag muna, hindi pa pwede, hindi pa natin kaya umamin, magkakagulo lang, hindi pa maayos ang lahat. Julie, yun ang palaging sinasabi mo sakin. Kaya hindi ako naging unfair sayo. Hindi ko sinasabi na wala akong naging kasalanan sa naging relasyon natin pero sinasabi ko lang na hindi naman ako nagkulang."

Napaupo si Julie sa sahig at tinabihan naman siya ni Elmo.

"I'm sorry, Julie. Gusto ko rin naman ipagmalaki ko yung taong mahal ko."

"Mahal mo din ako."

Tumango si Elmo. "Mahal kita. Alam mo yan Julie. Walang nagbago sa nararamdaman ko para sayo."

"Alam kong mahal mo ko pero bakit ang sakit na mahal mo din siya?"

"Julie Anne.."

Yumuko si Julie. Nakita ko na umiiyak na talaga siya.

"Kung sabagay, sino ba ko para mag reklamo kung ginagawa ko din naman yung ginagawa mo. May hinahayaan tayong pumasok sa buhay natin. Sasabihin natin na gusto natin sila, ipapakilala sa madla pero behind the social media and camera, ikaw at ako pa din ang nagmamahalan."

Pinatingin ni Elmo si Julie sakanya. Pinunasan niya ang luha nito. Parang nanunuod lang ako ng iyakan nila nung together forever last episode.

"Tayo ang unfair sakanila."

Sumang ayon naman si Julie sa sinabi ni Elmo.

"Bakit ba kasi hindi nalang tayong dalawa? Bakit may takot? Bakit hindi pwede?"

"Julie, hindi ko alam. Hindi ko alam kung bakit tayo sinusubok pero ang alam ko lang? Julie, hindi tayo pwede ngayon pero pipilitin natin maging pwede. Julie, pipilitin natin kasi walang ibang babae na karapat dapat para sakin kundi ikaw lang. You are my only diba?"

"You are the one." humihikbing sabi ni Julie.

Baby you are.

Napayakap ako sa dala dala kong ice cream. Lamig jusko po!

"Julie, tatandaan mo ah? Mahal kita. Mahal na mahal."

"I love you too, Elmo. Kahit sino pang dumating at makasama natin, pilitin pa din natin yung tayo. Yung ikaw at ako."

Hinalikan ni Elmo si Julie sa labi. Shemay! Mapapasigaw na ata ako sa kilig eh! Nakita ko silang mag kiss! Live na live po mga kaibigan! Mag FB live kaya ako? Kaso makakasira ako ng moment. Wag nalang.

"Babalik din tayo, Julie. I promise babalik din tayo kasi wala naman na kong gustong ibang balikan kundi ikaw lang."

"Maghihintay ako, Elmo."

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now