Original.

362 22 0
                                    

Original.

Nakatulala lang ako sa monitor ng computer ko. Tama ba yung nabasa ko sa sinend ng staff ng AOS? May rap duet kami ni Alden?

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Wala naman akong choice. Sana lang masabayan niya ko kasi hindi naman gaanong nagrarap yon.

Pero teka? Hindi yun ang problema ko eh.

May isa pa!

Lumabas ako sa music room at pumunta sa kwarto ko. Nakita ko na busy siya sa paglalaro ng COD.

Kilala ko yan hindi yan papaistorbo kapag naglalaro. Kinuha ko lang ang cellphone ko at lumabas na din sa kwarto ko. Hayaan ko muna siya don. Tiyempo muna ko paano ko sasabihin yung pinapagawa ng AOS sakin sa linggo.

"Hi Ma!"

"Oh anak? Tapos na yung meeting niyo?"

Tumango naman ako. "Yes Ma. Ahm may rap duet lang kami ni Alden."

Nakita ko na nanlaki ang mata ni Mama.

"Rap duet?"

Tumango lang ako. Napabuntong hininga ako.

"Eh yung isa sa taas alam na ba?" nakangisi na sabi ni Mama sakin.

Mama ko talaga mapang asar!

"Ma naman eh. Hindi ko nga po alam paano ko sasabihin sakanya. Alam niyo naman po na baliw yan kapag nagselos."

Tumabi sakin si Mama at hinawakan ang kamay ko.

"Aalis kami ni Papa kasama si Joanna at Jac. Kayo na muna bahala dito sa bahay ah?" kumindat sakin si Mama.

Nanlaki ang mata ko. "Po? Saan kayo pupunta?"

"Dadalawin namin si Lola mo tapos baka mag overnight kami don. Dito ka nalang. At least makakapag isip ka pa kung paano mo sasabihin sakanya na may pa rap duet sa linggo."

Parang mas mababaliw ako. Hindi naman sa ayoko na solo namin ang bahay eh kaso kailangan ko ngayon ng back up nila Mama pag sinabi ko sakanya yung tungkol sa linggo. Kita mo nga naman iiwan naman nila ko.

Totoo nga at umalis na sila. Inasar asar pa ko bago umalis. Napatingin ako sa hagdanan.

"My ghad! Paano ko sasabihin sakanya!"

Nagpatugtog nalang ako habang nag iisip pa din. Tagal ko din hindi nakinig ng Bruno Mars songs ah?

"Sex by the fire at night.."

Napapakanta na sabi ko habang sumasayaw sayaw pa.

"Baby? Where's everybody?"

Nagulat ako ng marinig ko ang boses niya. Napatay ko kaagad ang music.

"H-Ha?"

Nginitian niya lang ako sabay lapit sakin. Hinalikan niya ang noo ko.

"You okay baby?"

Napangiti ako. Ang sweet talaga niya!

Nilapit ko ang sarili ko kay Elmo at mas niyakap ko siya.

"Umalis sila Mama bukas pa ang uwi nila."

"Hmm. So solo natin ang bahay?"

Mahina akong natawa sabay hampas sa braso niya.

"Alam ko yang ganyanan mo Magalona!"

Napatawa na din si Elmo. "Alam ko na din yang ganyanan mo San Jose-Magalona! Spill!"

Naglakad na siya papunta sa kitchen.

"Anong spill?"

"Spill may sasabihin ka sakin diba?"

Napalunok ako. Saang parte niya nahalata na may sasabihin ako sakanya?!

Sinundan ko siya sa kitchen at nakita kong nag gagawa siya ng hot chocolate.

"Ahm. How did you know?"

"Well halata naman kanina nung pumasok ka sa kwarto. Usually lalapit ka sakin tapos hahalikan mo ko tapos bigla kang bubulong sa tenga ko ng..let's cuddle baby please?" ngumisi si Elmo. "Kaso wala. So may sasabihin ka sakin tama? And hindi mo alam paano mo sasabihin yon."

Kilala nga talaga niya ko.

"What do you think? Anong sasabihin ko sayo? Kasi tama ka eh. You're right. Meron akong sasabihin at hindi ko alam kung paano ko sabihin yon sayo."

Binaba niya ang tasa na iniinuman niya.

"Si Alden yan. So anong kabaliwan nanaman ang naisip ipagawa sayo ng AOS?"

Lumapit ako kay Elmo at niyakap siya. Tangkad talaga nito kaya minsan sumasakit batok ko kakatingala sakanya eh.

"Baby ano eh. Rap duet daw gagawin namin eh for opening lang naman."

Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Ang seloso pa naman nito!

Nakita ko na naging malumanay ang seryoso niyang mukha sabay haplos sa pisngi ko.

"I trust you baby. Wag mo masyadong galingan para masabayan ka niya hahaha!"

Napatawa na din ako. Loko talaga!

"Sira! Rap nga eh. Hmm. Hindi ka galit ah?"

Umiling si Elmo. "Hindi baby ko. Kahit naman ilang rap pa ang gawin niyo. Kahit ilang artist pa ang ipasama sayo sa stage para mag rap walang wala yon kasi ako ang una. Ako ang original."

Pinisil ko ang pisngi ni Elmo sabay halik sa labi niya. Kaya mahal na mahal ko ito eh! Lakas ng confidence at totoo naman!

"Yes Elmo. Ikaw ang original."

"Good. Tapos na ko maglaro and mag meryenda so pagbigyan ko na yung hiling mo?"

Napakunot noo ako. "Anong hiling?"

Bigla niyang hinubad ang pang itaas niyang damit. Shit! Ang hot naman! Ang init guysh. Damn! Ang hot ng Elmo ko!

"Diba sabi mo kanina sex by the fire at night? Sakto mag gagabi na. Wag ka na maghanap ng fire kasi bodies palang natin mainit na so sex nalang gawin natin."

Namula ako sa sinabi ni Elmo. Napaka talaga ng bibig! Pero nakita ko naman ang sarili ko na hinuhubad din ang damit ko.

Kita ko ang pagliliyab ng mata ni Elmo. Parang may apoy akong nakikita don.

"Okay Magalona I'm ready."

"Fuck baby! Yari ka talaga sakin!"

At tska niya ko binuhat. "I love you Elmo Magalona. Ikaw lang ang original ko."

The End.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now