Zipper.

255 24 0
                                    

Zipper.

"Ma?"

"Oh? Ang aga mo naman ata? Mamaya pa tech reh niyo ah?"

Nakabihis na kasi ako ngayon. Inayos ko ang buhok ko at lumapit sakanya.

"Ma, pwede po ba ko mauna muna? Pupuntahan ko po kasi siya."

Nanliit ang mata ni Mama. "Sinong siya?"

"Mama.."

"Julie Anne sinong siya?"

Huminga ako ng malalim. "Muppet."

Bigla siyang ngumiti sakin. "Okay sige. Mag iingat ka ah? Ay teka!"

May kinuha siya sa microwave.

"Ginawan ko siya ng favorite niya. Ibigay mo baka hindi nanaman kumain yung batang yon. Sabihin mo manunuod ako mamaya."

Aba may baon? Kinuha ko na yon.

"Ako Ma? Walang baon mamaya?"

"Malaki ka na anak bili nalang tayo ng starbucks."

Napasimangot ako kaya natawa siya. Hinalikan ko na si Mama at umalis na. Nagpa drive nalang ako kay Papa susunod nalang daw sila Mama kasi siya magbabantay sakin ngayon sa tech reh.

"Nakakatawa talaga yang Mama mo. May pabaon pa."

Napatingin ako sa lunchbox na hawak ko. Napangiti ako kay Papa.

"Anak niyo talaga siya eh."

"Okay na yan anak ikaw naman kasi kapag nagluto nasusunog mo."

"Pa naman eh!"

Natawa siya. Ilang sandali pa nakarating na kami sa destination namin.

"Ihahatid ka nalang ba niya?"

"Yes po."

"Okay sige! Ingat anak!"

Pumasok na ko. Buti may cap akong dala at salamin baka kasi may makakita sakin kung bakit nandito sa bakuran nila.

Sinisilip ko siya sa may studio. Wala namang iba pa dito kung hindi siya diba?

"Julie Anne."

Nagulat ako ng may narinig akong nagsalita.

Hala?

"Kuya Ogie!"

Natawa siya at niyakap ako. Namiss ko din talaga si Kuya Ogie eh.

"Pinuntahan mo ba siya?"

Nahihiya akong tumango. "Uhm. Opo. May ibibigay din po ako sakanya eh and gusto ko lang din ano hehe makita siya."

"Eh wala naman si Elmo diyan. Nandoon siya sa may rehearsal studio halika."

Naglakad kami. "Kamusta ka na pala? Namimiss ka na ni Ate Regine mo."

"Miss ko na din kayo Kuya Ogs. Kayo nila Ate Reg."

"Collab sana kayo soon."

Napangiti ako. "Oo nga po eh."

Nang makarating kami sa sinasabi ni Kuya Ogie nakita ko na siyang nagsasayaw. Napangiti ako.

"Todo effort siya. Oo nga pala dapat naka boxers yan eh di mo daw pinayagan?"

Natatawa niyang sabi. "Eh Kuya Ogs wag na hehe okay na yang pa abs nalang."

"Sus for your eyes only lang ba yan?"

Namula ako. Baka kung anong isipin ni Kuya Ogie eh.

"Julie? Kuya Ogie?"

Napalingon ako. Ay nasa likod ko na siya.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now