Babalik.

542 37 2
                                    

Babalik.

"Wow! Bakit may pa ganto?"

Napatawa si Mama sa sagot ni Joanna. Nilapitan namin si Joanna at sabay sabay siyang ikinulong sa mga yakap namin.

"Woah! Family! Anong meron?"

"Aysus. Alam na namin. Dumating yung letter from your school. We're so proud of you, Joanna."

Napangiti si Joanna sa sinabi ni Mama. Niyakap niya itong muli.

"Ma, Pa? Thank you po sa lahat. Jac, Ate, thank you sa suporta."

"Oo naman noh!"

"Ate? Dahil dyan baka magpa milktea ka ah? Okay lang samin. Okay na okay talaga."

Banat ni Jac kaya nagtawanan kami. Nagsimula na kaming kumain. Nagpa deliver nalang kami para kahit papaano mapagdiwang namin ang achievement ni Joanna.

Masaya kaming nagkukwentuhan habang kumakain. Nang dahil sa kabusugan, pinili ko munang lumabas habang may dalang tea para bumaba naman yung mga kinain ko. Naupo ako sa may garden. Malamig ang simoy ng hangin mukhang uulan nanaman.

Wala lang akong ginawa kundi tumingin sa kalangitan habang nagpapatugtog sa cellphone ko. Bigla akong napahinto at napatingin sa phone ko ng marinig ko ang sumunod na kanta.

All this time.

I lie awake thinkin' of the days gone by
Wishing that you're still here with me, baby
I was wrong and now you're gone
Please hear this heart of mine
Hear me calling

Whenever you're around me
I feel diff'rent in your arms
With the way you touch me
I feel the love that last a lifetime
Your love so true
And I never knew
That it's you I need all this time

Hindi ko namalayan na pinupunasan ko na ang mata ko dahil sa mga luhang lumalabas dito. Kinuha ko ang phone ko at pinatay yon. Napapikit ako at kinundisyon ang sarili ko.

Pagmulat ng mata ko laking gulat ko na may cake na sa harapan ko. Wait? Hindi ito ang cake ni Joanna na binili namin kanina..kaninong...

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko ang pamilya ko na nakangiti sakin. Lumapit sakin si Mama at Papa pati si Jac.

"Happy JuliElmo Day, anak."

"Ma..Pa.."

Ngumiti lang sila sakin sabay halik sa noo ko. Niyakap naman ako ni Jac.

"Happy JuliElmo Day, Ate."

Matapos niyang sabihin yun sumama na si Jac kala Mama at Papa pumasok sa loob. Napatingin naman ako kay Joanna na nakangiti sakin ngayon. Lumapit siya at umupo sa tabi ko.

"Happy...."

Napahagikgik siya. "Happy Nine Years sa JuliElmo, Ate. Akala mo nakalimutan namin?"

"Pero.."

"Paano namin makakalimutan? Eh hindi mo pa din naman kinakalimutan."

Napabuntong hininga ako. "Naalala ko lang yung love team namin ni Elmo. Nakita ko kasi yung mga fans namin. Nababasa ko mga tweets nila."

"Weh? Yung love team at fans niyo ba talaga ang naaalala mo o si Kuya Elmo?"

"Joanna."

"Ate, wag kang magsinungaling sa sarili mo. Halata naman na namimiss mo yung dating kayo. Kung anong meron sainyo noon. Kung paano kayo noon. Alam mo ate? Kayo ni Kuya Elmo yung ultimate loveteam na pinagtagpo pero hindi itinadhana. Oh wait! Itinadhana pero sumuko. Itinadhana pero nagbago."

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now