Wine.

688 42 2
                                    

Wine.

Tahimik akong nakatingin sa labas ng bahay namin habang pinapanuod ang pagpatak ng ulan. May hawak akong baso ng wine. Ewan ko din bakit ko biglang naisip uminom.

Bigla akong nakaramdam ng hangin sa may leeg ko. Kung kanina may mga bagay bagay na tumatakbo sa isip ko ngayon parang biglang nawala ito.

"What happened?"

Tanong niya sabay halik sa leeg ko. Napangiti naman ako.

"Nothing."

Niyakap niya ko patalikod. "Tell me. Nakita ko na may nilike kang tweet ng isang random person na konektado kay ben."

Sumandal ako sa dibdib niya.

"Alam mo naman pala eh. Bakit kailangan mo pang tanungin?"

Malumanay kong pagkakasabi sakanya. Hindi ito sarcastic baka akalain niyong sinusungitan ko siya. Narinig ko na bahagya siyang napatawa.

"Aww. Ganon ba sinakop nanaman ni Ben ang isip mo kaya nagsusungit ka sakin. I'm hurt."

Nagpapaawa niyang sabi. Mas humigpit ang yakap niya sakin.

"Sira ka talaga! Hindi no. Sino ba siya para isipin ko diba? Naka move on na ko sakanya kaya kahit ano pang sabihin niya? Wala nalang sakin yun."

"Hmm. Baby, hindi ka dapat mag move on sakanya."

Napakunot noo ako.

"Kasi sa umpisa palang wala ka naman talagang nararamdaman para sakanya. Pinagseselos mo lang kasi ako kaya ganon."

"Sus."

"Totoo naman diba?"

Ngumiti nalang ako at hindi siya sinagot. Ayoko na kasi sagutin ang mga tanong niyang obvious naman ang sagot like alam naman kasi niya yon.

Nanatili kaming tahimik. Umiinom pa din ako, samantalang siya tahimik lang. Parang hindi ako sanay na tahimik siya kaya naisipan kong magtanong sakanya baka mamaya isipin niya na iniisip ko si Ben baka nasasaktan ko siya ng hindi ko alam.

"What's on your mind, Moe?"

"Mmm? You."

Tiningnan ko siya. "Seriously."

Ngumiti siya sakin. "Ikaw nga."

"Moe naman eh."

"But I'm telling the truth, ikaw ang nasa isip ko right now. Like, iniisip ko na baka apektado ka sakanya."

Umayos ako ng upo at humarap sakanya.

"I told you, wala lang yun sakin."

Tiningnan niya ko ng maiigi sabay ngiti. Kinuha niya ang baso sa kamay ko at nilagyan yon. Uminom siya.

"Okay baby."

Tumayo siya at nagpunta sa kusina. Nagtataka ako kung bakit. Is he mad? Nagseselos ba siya? Or nakita niya nanaman sa mata ko na hindi ako nagsasabi ng totoo?

Tumayo ako at pinuntahan siya. Nakita ko siyang nag seset up ng niluto niyang chicken. Siya kasi ang nagluto ng dinner namin ngayon.

"Moe, baby..."

Tumingin siya sakin. "Hmm?"

Huminga ako ng malalim. "Okay. Aaminin ko, na trigger nanaman ako sa ginawa niya. Naiinis ako sakanya. Galit ako. Ang kapal kasi ng mukha niya."

Tiningnan ko kung anong reaksyon niya. Tumango tango siya.

"I know baby. Pero hindi mo naman kailangan pang itago sakin yun kasi nakikita ko yung sagot sa mga mata mo. Nararamdaman ko yung nararamdaman mo."

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now