Lie.

252 30 0
                                    

Lie.

"Uy Jules! Seryoso ako duet kaya natin yon?" Sabi ni Rayver.

Napangiti nalang ako at napailing.

"Hmm pwede naman."

"Ayun! Diba may rap yon? Teka search ko nga!"

Nakita kong nilabas niya ang cellphone niya. Binuksan niya ang youtube app niya at nag search bigla siyang napatingin sakin at ngumisi ngisi na parang aso.

"Oh? Anong ngiti yan?"

Tumaas baba ang kilay ni Rayver. "Nakanta mo na pala ito kasama si major crush."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Aba! Wala naman akong sinabi na hindi ko pa nakakanta yan."

Natawa si Rayver. Narinig ko na version namin yung pinapanuod niya.

"Siguro dapat magpaturo ako sakanya."

"Ray! Maganda yung naisip mo kanina! Duet kayo ni Julie."

Sabi naman ni Christian na kakadating lang.

"Mukhang malabo eh."

Napatingin kami kay Rayver.

"Bakit malabo?"

Napangisi si Rayver. "Ang hirap talunin ng original ka duet niya eh. And mukhang kailangan ko pang magpaalam baka sapakin ako eh."

"Sus okay lang Ray ano ka ba! Duet lang naman eh." Sabi ko kay Rayver.

Okay lang naman kasi talaga.

"Talaga? Okay lang?"

"Oo okay lang. Teka mag reretouch lang ako."

Umalis na muna ko at pumunta sa dressing room.

"What did you say?"

Halos malaglag ang puso ko sa takot ng biglang may nagsalita. Napatingin ako sa may pintuan.

Wait what? Anong ginagawa ng mokong na ito dito?

Lumapit siya sakin. Seryosong seryoso siya ang pogi naman! Tapos nakasalamin pa.

"Anong what did you say?"

"Duet ah? Duet? Tapos yung love the way you lie? Kelan pa naging okay yon?"

So nandoon na siya kanina pa?

Ngumisi ako. "Eh ano naman? Kanta lang naman eh..duet lang naman."

"But it's ours."

Lumapit siya sakin at niyakap ako patalikod. Nakatingin kaming dalawa sa reflection namin sa salamin.

"You're lying."

"Mmm? Me lying? Paano mo nasabi?"

"Alam kong hindi mo din gugustuhin na kantahin yon kung hindi ako ang ka duet mo."

Natawa ako. "At paano mo naman nasabi na ayaw ko? Eh sabi ko nga okay lang."

"Sinabi mo lang yon kasi nahihiya ka at ayaw mong maka offend pero ang totoo ayaw mong kantahin yon kung di rin lang ako ang kaduet mo."

Hinarap ko siya. "Ang yabang naman po ng Elmo Magalona ko."

"Hindi ako mayabang baby nagsasabi lang ako ng totoo na iba kapag Elmo Magalona."

Pinisil ko ang pisngi niya. Okay fine nag lie nga ako kanina habang kausap ko sila Rayver. Tama naman si Elmo eh.

Iba talaga kapag si Elmo.

"Oo na po! Ikaw kasi ang OG ko."

Nilapit ni Elmo ang labi niya sa ilong ko.

May narinig kaming palakpakan sa kaya natawa kami ni Elmo. Nandoon kasi si Christian at Rayver.

"My dudes! Walang kupas edi kayo na!"

Ngumisi si Elmo. "Kami lang talaga my dudes!"

Umalis na sila at naiwan kami. Nagkatitigan kami.

"Say sorry. Nag lie ka kanina eh. Ako lang diba? Ako lang dapat? Say sorry baby."

Hinalikan ko ang labi ni Elmo. Ang baby boy pa din talaga ng baby ko.

"I'm sorry my Elmo." Cute na sabi ko.

Natawa siya. "That's all right because I love the way you lie.." kanta niya.

"I love the way you lie."

The End.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now