Heal.

346 27 0
                                    

Heal.

Nakatulala lang ako habang pinapanuod ko ang Limitless Heal ni Julie. Bakit parang ang sakit? Bakit parang nakakaramdam ako ng inggit?

Narinig ko na may pumasok sa kwarto ko kaya pinatay ko na ang TV.

"Oh son? Tapos na yung limitless?"

Mahina akong ngumiti kay Mom.

"Uhm opo."

"You okay son?"

Tumabi siya sakin. "Okay lang Mom."

"Weh? Hindi ko maintindihan kasi nung Limitless Breathe nandoon ka naman sa condo mo tapos pumunta ka kala Marivic pero ngayon naman na Limitless Heal nandito ka naman sa bahay at nagkukulong pa sa kwarto. Ano yan Moses hmm?"

Napabuntong hininga ako. Ilang araw na din kasi akong tuliro. May mga nagkalat na issues at nadadawit pa si Julie pero yung GMA at iba pa nakikisawsaw pa.

"Ma bakit ganito yung nararamdaman ko?"

"Mukhang alam ko na. Anak magtiwala ka lang kay Julie. Nasa showbiz kayo at alam mo naman ang mga networks kung paano lumaban diba? Madumi talaga."

Napahiga ako. "May tiwala ako sakanya Ma. Pero sa sarili ko wala. Naiinggit ako at nagseselos."

"Natural lang yang nararamdaman mo pero sino ba ang mahal ni Julie? Diba ikaw? Sino ba mahal mo? Diba si Julie? Yun lang ang mahalaga, Son. Alam mo kaya ka ganyan? Kasi namimiss mo na si Julie Anne."

Tiningnan ko si Mom. Ilang weeks na din kaming hindi nagkikita eh.

"Miss na miss ko na siya Ma."

Tumayo si Mom at kumuha ng damit ki sa closet. Pinagbabato niya sakin yon pati bag ko.

"Mom pinapalayas mo na ba ko?"

"Tanga! Kahit palayasin kita anak may sarili ka ng condo! Kaya kita binabato ng damit kasi umalis ka na at puntahan mo na si Julie Anne!"

Tiningnan ko kung anong oras na.

"Mom? Ngayon talaga?"

"Elmo Moses tigilan mo ko! Kesyo madaling araw tumatakas ka makita lang si Julie! Hala sige umalis ka na at puntahan mo siya. Namimiss mo lang siya kaya ka ganyan."

May point naman si Mom. Napangiti ako. Okay pupuntahan ko na siya!

Nag drive ako papunta sa kung nasaan si Julie. Alam ko nasa taping pa siya ng still. Bahala na sa sasabihin ng iba tutal hindi naman ito ang unang beses na pumunta siya sa balay.

Hinahanap niya kung nasaan sila Julie. Nakita niya na kasama ito ng iba pa at nanunuod sila ng limitless. Siguro nanuod ulit sila.

Nakita ko yung iba na inaasar asar pa si Julie. Napabuntong hininga ako. Heto nanaman ako.

Naglakad lakad nalang ako. Uuwi na ba ko?

"Elmo!"

Nakita ko si Christian na palapit sakin. Biruin mo yon? Siya ang nakahuli sakin dati dito nung dumalaw ako ngayon siya nanaman.

"Hey. Paano mo nalaman?"

Natawa siya. "Nakita ko yung sasakyan mo. Nag Cr kasi ako kanina. Bakit hindi mo lapitan si Julie?"

Pilit akong ngumiti.

"Owww. Halika punta tayo don sa may kubo."

Umupo ako don dahil pinauna niya ko. Binigyan niya ako ng beer.

"So ano?" Tanong niya.

Nagkwento ako sakanya. Hindi naman siya natawa kasi ang babaw ko lang talaga.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now