Walo.

985 36 16
                                    

Isa.

Dalawa.

Tatlo.

Apat.

Lima.

Anim.

Pito.

Walo. Ika-walong taon na natin. Happy Anniversary nga pala sating dalawa. Nagkaroon ba ko noon ng pagkakataon na batiin ka? Oo, noong ika dalawa. Kumanta pa nga tayong dalawa, diba? Noong ika dalawa, may iba na. May iba na akong nararamdaman. Hindi na katulad ng ika isa. Hindi ka nalang pang love team lang. Pero mali eh. Maling may maramdaman ako sayo nung ika dalawa. May girlfriend pa kasi ako, hindi pa pwedeng maging ikaw at ako.

"Elmo."

Tawag mo sakin noong ika dalawa natin. Bumilis pa nga ang tibok ng puso ko ng mga oras na yun. Dati naman walang ganito pero ikaw kasi! Nadadala ako sa ngiti mo. Nadadala ako ng maganda mong boses at sa kagandahang loob na taglay mo. Kailangan mong itigil kung anong nararamdaman mo para sakanya, Elmo. Hindi pwede.

"Moe.."

Wag mo kong tawagin. Wag mo kong tingnan. Hindi ko kayang aminin sayo na meron na. Meron na kong nararamdaman sayo. Hindi muna ngayon baka kaya ko pang pigilan. Pero..

"Julie, gusto kita."

Nasabi ko ang mga salitang nilalaman ng isip ko. Nagulat ka. Akala ko nga magagalit ka sakin pero yinukuan mo lang ako. Nagtataka pa nga ako at naghihintay ng isasagot mo. Gusto ko malaman kung masaya ka ba? Umamin na ko. Susugal ako sa ika dalawa. Sabihin mo ding gusto mo ko?

"Hindi pwede, Elmo. Maling magkagusto ka sakin."

Pero sumugal na ko. Dahil ba may girlfriend ako kaya hindi kami pwede sa ika dalawa? Paano kung itama ko ang mali? May pag asa na ba ako?

"Maghintay muna tayo."

Maghintay muna daw ako. Nagkaroon ng pag asa sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko na papakawalan ang pag asang ibinigay mo sakin sa ika dalawa. Itatama ko ang mali. Makikipaghiwalay ako sa girlfriend ko dahil ikaw na ang gusto ko. Nahulog na ko sayo. Hindi ko alam kung nung ika una o nung wala pa pero sure na ko ngayong ika dalawa na si Elmo ay may gusto na kay Julie Anne.

Sa ika dalawa ipinakita ko sayo kung gaano kita kagusto. Ang dating mga ginagawa ko noong ika una at nung wala pa ay nabago na. Ang dating paakbay ko sayo ngayon may yakap ng kasama, ang dating pabeso ko lang sayo ngayon may tunog na. Ang dating text lang ngayon tawag na. Gusto kong naririnig ang boses mo, kinakamusta ka at inaalam ang ginagawa mo. Naaayon sa plano ko kung anong gusto kong mangyari sa ikaw dalawa sana bago matapos ang taon masabi ko ng mahal kita, Oo, dahil nahigitan na ang gusto lang kita.

"Tama na muna, Elmo. Masyadong mabilis ang pangyayari eh. At isa pa marami pang mali. Hindi ko pa kayang paniwalaan ang lahat ng ito. Oo, aaminin ko gusto din kita pero baka hindi pa ito ang pagkakataon para sa ating dalawa. Maghintay muna tayo..."

Akala ko sa pagtatapos ng taon akin ka na, nagkamali ako. Hindi pa din pala sapat lahat ng ipinakita ko sayo. Nakukulangan ka pa ba? Masaya ako at inamin mo ng may gusto ka sakin pero ng marinig ko na hindi mo pa kayang maniwala, doon ako nagtaka. May narinig ka nanaman bang balita tungkol sakin? Dahil nanaman ba sakanya? Pero wala lang yun. Nag usap lang kaming dalawa.

"Elmo, wala na munang JuliElmo. Nakiusap si Julie, may problema ba kayong dalawa? Ayusin niyo yan dahil panigurado hahanapin kayo ng fans niyo at magtatanong sila kung nasaan kayo."

Tumango lang ako dahil wala naman sakin ang sagot sa mga tanong ni Direk. Bakit gusto mong malayo sakin? Kung dahil ito sa balitang nakarating sayo sana kinausap mo ko, handa naman akong magkwento sayo. Sana hindi ka agad nag desisyon.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now