Tiktok.

426 28 0
                                    

Tiktok.

"Kuya!!"

Napabangon ako sa gulat ng bulabugin ni Arkin ang kwarto ko. Kinuha ko agad ang unan sa tabi ko at binato sa mukha niya.

"What the fuck Barq?! Kakatulog ko lang eh! Ayun na eh!"

Lumapit sakin si Arkin habang hawak hawak ang unan na binato ko sakanya.

"Ayan kaka COD mo yan! May papakita ako sayo!"

"Ano nanaman? Wala akong pake sa jowa mo!!"

Ngumisi siya sakin. "May pake ka naman siguro sa asawa mo?"

Napakunot noo ako. Sa ngisi niya alam ko na agad na may kalokohan nanamang ginawa ang magaling kong misis.

Kinuha ko ang cellphone ni Arkin at tiningnan kung ano yon.

WHAT THE FUCK?!

"BAKIT GANITO?!" sigaw ko.

Napag usapan na namin na bawal siya mag post na sa tiktok ang daming lalaki don eh!

Napatulala ako sa ganda niya. Wow. As in wow talaga.

"Kuya? May heartbeat ka pa ba?"

"Shut up Ark!"

Tumayo ako at nagsuot ng white shirt. Hinanap ko ang wallet at susi ng kotse ko.

"Teka! Teka! Saan ka pupunta?"

"Saan pa? Sa asawa ko!"

"Kuya naka quarantine kaya tayo tapos pupunta ka sakanila?"

"Ark nasa rizal pa din tayo at nasa rizal siya ngayon. Same lang ang hangin na nilalanghap naming dalawa kaya pupuntahan ko na!"

Pinakita ko sakanya ang phone niya.

"Kita mo yan? Iniinis ako niyan!"

Natawa si Arkin. Nagtaka naman ako.

"Iba naman naiinis sayo kuya eh."

"Ano?"

Nginuso niya ang gitna ko. Napatakip ako agad kay junjun.

"Eh bakit ba! Ganon talaga! Bahala ka na nga diyan! Pag hinanap ako ni Mom sabihin mo tulog!"

"Tulog pero wala ka dito?"

"Basta bahala ka na dali na!"

"K"

Nag drive na ko papunta sa location nila. Nagdala ako ng maraming pagkain para lusot agad.

Napapailing nalang ako. Ibang klase talaga! Sinabi ko na sakanya kagabi na wag eh. Wag na wag siyang magpopost ng picture na ikakabaliw ko.

Ilang beses na niya ginagawa ito. Pag ganito siya may gusto siyang mangyari at yun ang puntahan ko siya. Alam niyang di ko siya matitiis eh.

Pagdating ko sa location nila nakilala agad ako ng staffs don.

"Uy Sir Elmo! Hello! Hanap mo ba si ganda?"

Ngumiti ako. "Oo eh. Oo nga pala may pagkain sa kotse pwede pakilabas nalang? Para sainyong lahat yon."

"Delivery boy ka talaga ni ganda hahaha! Sige nandoon si Heart kasama si Ace at Uno. Salamat sa pakain ah?"

Tumango naman ako. May sariling food akong dala para kay Julie. Dala dala ko yon sa paperbag.

Pagpasok ko nakita ko sila na nagtatawanan.

"Baby boy?!"

Napa shh ako kay Rhoy. "Shh. Surprise ko lang."

"Surprise o papagalitan sa ginawa niya kanina? Haha!"

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now