Tahi.

398 25 0
                                    

Tahi.

"Julie ano yang ginagawa mo?" tanong ni Mama sakin.

Napangiti ako. "Nag aaral lang po manahi, Ma."

Tumabi sakin si Mama. "Hmm. Not bad ah? Pero bakit gusto mo mag aral manahi? May machine naman tayo ah?"

"Ahm. Wala lang po para kapag kinailangan edi hindi po ako aasa sa iba hehe"

Nanliit ang mata ni Mama kaya alam ko na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Mahina akong napatawa.

"Ma naman?"

"Sus anak hindi mo gagawin yan ng walang dahilan para sakanya yan?"

Wala namang use kung itago ko. Malakas pang amoy ni Mama eh.

"Opo hehe. Kasi alam mo naman yun Ma pareho kaming clumsy. Bigla bigla nalang may napupunit na damit kasi masyadong galawgaw."

Biglang tumawa si Mama. "Anak! Iba ang galawgaw sa excited. Asus! Baka sa sobrang pagkamiss niyo sa isa't isa di niyo na napigilan mag punitan ng damit!"

"Ma!!!"

Biglang namula ang mukha ko. Ano ba naman si Mama!

"Ma naman eh. Hindi po."

"Anak ako pa niloko mo? Ako kaya naglalaba ng damit mo tapos makikita ko nalang yung iba punit nga at take note yun yung mga damit na suot mo kapag nandito siya." ngising ngisi na kwento ni Mama.

Napasapo ako sa ulo ko. Bakit ganito usapan namin? Nakakahiya!

"M-Ma naman eh. Ano nasabit lang po ako kaya may punit.."

Tinapik tapik ni Mama ang legs ko.

"Anak kahit panty mo may punit so saan ka nasabit?"

Napatago na ko sa unan. "MAMA!!!!"

Nakarinig ako ng malakas na tawa ni Mama.

"Anak okay lang yan. Tayo lang naman nag uusap. Basta anak hinay hinay lang ah? Tsaka wag masyadong malakas ang ungol baka maistorbo niyo si Jac eh."

Pwede bang lumubog nalang ako ngayon sa lupa? Totoo ba itong pinag uusapan namin ni Mama?

"Ma..."

Tinaas ni Mama ang dalawang kamay niya.

"Okay, okay stop na hehe."

"Ma? Love?"

Sabay kaming napatingin sa nagsalita. Tumayo agad si Mama at sinalubong siya ng yakap.

"Magandang umaga anak! Umaga na natapos taping mo?"

Pinagmamasdan ko sila. Ang saya lang na makita na close na close sila. Bigla silang tumingin sakin na dalawa.

"Oh anak nag aaral yan manahi kasi ang dami niyo na daw napupunit na damit. Hay mga kabataan nga naman masyadong sabik!"

At umalis na si Mama. Si Mama talaga!

Napatingin ako sakanya na nakangisi. Tinaasan ko agad siya ng kilay.

"At bakit late ka umuwi ha? Sabi mo 10am nandito ka na? Anong oras na oh?"

Tiningnan ko ang phone ko. Aba!

"10:05 na Magalona!"

Natatawa siyang lumapit sakin. Hinalikan niya ang noo ko. At bakit hindi sa lips?!

Umupo siya sa tabi ko. "Love bumili pa po ako paborito mong french fries."

Tiningnan niya kung anong ginagawa ko.

"What’s that? Totoo ba yung sinabi ni Mama?"

Hinampas ko siya sa braso. Isa pa ito eh!

"Oh? Ano naman kung totoo? Kasalanan ko ba na punit ka ng punit ng damit? Tss."

Bumalik ako sa ginagawa ko. Oo na totoo naman eh. Pupunit pa ng damit gaano ba katagal magtanggal o maghubad diba?

"Pinapalitan ko naman ah? Hehe!"

"Pinapalitan mo nga pinupunit mo nanaman ulit."

Tiningnan ko siya na nakasandal sa upuan. Mukhang pagod na pagod siya.

"Umakyat ka na don para makapag pahinga ka na. Gusto mo ba ng kape? Pagkain? Kukuha ako sa kitchen."

Ngumiti naman si Elmo. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan yon.

"I'm okay love thank you."

"You sure?"

"Yes. Matagal ka pa ba siyan? Hehe."

Napakunot noo ako. "Ano nanaman yan Magalona?"

Bigla siyang natawa. "Gusto ko lang ng kasama sa kwarto. Sad kapag ako lang mag isa and i want my pillows na."

Taas baba pa ang kilay niya habang nginunguso ang..

Napatingin ako sa dibdib ko. Bigla ko siyang hinampas.

"PERVERT ELMO!"

Natawa siya. "Sayo lang JULIE!"

Sa inis ko inulit ko ulit na hampasin siya kaso natusok naman ako ng karayom.

"AHHH!"

Bigla niyang kinuha ang kamay ko.

"Ayan napaka brutal mo kasi love hehe!"

Nilagay niya ang daliri ko sa labi niya at sinipsip ang dugo don.

Napalunok ako. Ang gwapo talaga ni Elmo.

"Moe thank you."

Ang random ko diba? Wala gusto ko lang magpasalamat sakanya kasi kahit na pagod siya gumagawa talaga siya ng way para magka oras sakin.

Lumapit ako sakanya at hinalikan siya sa pisngi.

"I love you."

"Hmm. I love you too Julie."

"Mga anak"

Napatingin kaming dalawa kay Mama kasama na niya si Papa. Pareho silang nakangisi samin.

"Kung mag gaganyan kayo sa kwarto na ah?"

Ayan nanaman sila!

"Nasugatan na nga Ma eh!" sabi ko.

Tumayo si Elmo at nagbigay galang kay Papa.

"Hi Pa."

"Ano laro tayo PS5?"

"Sige po!"

"Pa!" sigaw ko.

Gusto ko magpahinga si Elmo eh. Mamaya na yon.

"Oo anak alam ko di ka makapag pigil kay Elmo sige sige. Iho mamaya na pag may lakas ka na ulit."

Natawa naman sila Mama. Nag wink pa siya sakin bago niya hinila si Papa palabas.

Lumapit sakin si Elmo at inabot ang kamay nito sakin.

"Moe?"

Ngumisi siya. "Tara sa kwarto? Dagdagan natin yan tatahiin mo!"

At wala na kong nagawa pa dahil binuhat na niya ko at nagmamadaling pumunta sa kwarto.

Mamaya nalang pala ako magtatahi.

The End.

To Be ContinuedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon