Daddy.

445 29 2
                                    

Daddy.

Mabuti nalang talaga full vaccinated na ko kailangan ko makagala para makapunta sakanila.

"Oh Sir? Bawal po pumasok diba ECQ? Hindi pwede magpapasok sa village eh."

Napakamot ako sa ulo ko. "Eh Kuya kilala mo naman ako diba? Palagi naman ako nagpupunta dito. Sige na naman oh."

"Sir bawal talaga eh. Mahigpit kasi ngayon ang management."

"Kuya sige na please? Alam mo naman Misis ko kapag hindi ako nakikita. Alam mo na naglilihi yon sakin."

Natawa si Kuya Guard. "Ikaw talaga Sir Elmo kung tinototoo mo sana yan edi sana may bago na din akong binabantayang mga chikiting haha! Sige na nga pumasok ka na tutal kulang nalang diyan ka na tumira sakanila."

"Yes! Thank you Kuya! Teka eto pala para sayo."

Inabot ko ang paperbag ng mga shirts sa fmcc.

"Ayan para sayo yan."

"Sus Sir nakaready ka ah?"

Natawa ako. "Always ready! Sige salamat!"

Pumasok na ko at nag drive papunta sakanila. Hindi nanaman siya sumasagot sa tawag ko malamang nasa meeting na siya.

Nagpark na ko at lumabas. Kinuha ko ang mga dala kong pasalubong.

Nakasalamin ako, simpleng white shirt, shorts at crocs. Yun lang suot ko.

"Oh iho nasa meeting siya." Si Papa sinalubong ako.

"Hi Pa! Oo nga po sabi nga po niya sakin kanina."

"Mabuti nakapasok ka? Mahigpit nga ngayon eh."

"Alam mo naman ako Pa gagawin ko lahat para makapasok dito haha!"

Natawa na din siya. "Oh siya pumasok ka na sa loob pero tahimik ka lang nasa sala kasi siya. Si Mama mo natutulog si Joanna at Jac nag aaral."

"Sige po Pa!"

Pumasok na ko pero nagtahulan agad ang mga aso. Shit! Hindi ko natanggal salamin ko! Hindi nila ko nakilala dahil don.

Nakita kong napatingin siya sakin. Nag peace sign ako sakanya sabay buhat sa mga babies namin.

"Shh nasa meeting si mum. Bakit hindi niyo nakilala si Daddy?"

Pinaglalambing ko muna ang mga fur babies namin. Mga boss pa naman ata kausap niya at media. Malaking balita kapag nalaman nila na nandito ako sakanila.

Umakyat na ko sa taas dala dala pa din ang mga babies namin.

Sakto lumabas si Jac. "Kuya?"

"Hi baby! How are you?"

"Hmm fine."

Pumasok siya sa room niya kaya sinundan ko naman para kasing hindi okay. Si Joanna naman nakatulog na.

"You sure baby? Bakit parang hindi?"

Inayos ko ang kumot ni Joanna. Nasa study table naman si Jac.

"I'm just tired Kuya."

Lumapit ako sakanya na hinihimas himas ngayon si Milo.

"Do you want pizza and starbucks?"

Tumaas baba ang kilay ko. Natawa naman si Jac.

"Ahh Kuya! Alam mo talaga gusto ko!"

Niyakap ako ni Jac. Stress siguro siya sa school at food ang pampakalma niya. Pare pareho silang tatlo.

"Okay order tayo."

Tumawag ako at nagpadeliver. Nagising si Joanna kaya nagbonding kaming tatlo.

"UNO!"

"Urgh! So daya!" Si Jac.

Sabay kami ni Joanna na nakauno kaya natalo si Jac. Natawa naman kami. Dumating na din ang pizza at starbucks na order ko.

Naglalaro lang kami ng biglang bumukas ang pinto. Nakita namin si Julie na nakasimangot.

"Bakit kayo lang ang may starbucks? Daya daya!"

Naghihimutok siya. Ang sexy niya! Formal ang suot pangtaas tapos naka short lang sa pang ibaba.

Lumapit siya sakin at kinuha ang inumin ko.

Bawal kasi siya uminom ng matamis pero dahil pasaway na baby si Julie ayan iniinom niya akin.

"Teka diba sabi natin tayo ang magluluto tonight?"

"Oh god pwedeng pass muna ko?" Sabi ni Jac sa ate Joanna niya.

Tumayo si Joanna at hinila si Jac.

"Hindi pwede! Malalagot tayo kay Mama!"

"Hmm gusto niyo ako nalang magluto?" Pag presinta ko.

"No Kuya!" Si Joanna.

"Yes please Kuya!" Si Jac.

"No! Akin ka!" Si Julie.

Tumingin si Julie sa dalawang kapatid niya.

"Both of you OUT!"

"WAIT WAIT! NOT IN MY ROOM! KAYO ANG MAG OUT! ATE SA ROOM MO NALANG WAG SA ROOM KO! EWW!"

Natawa naman ako kay Jac. Inaya ko na si Julie papunta sa room niya. Nag asaran pa nga sila.

"So how was the zoom meeting?"

"Hmm. May bago na kong title."

Niyakap ko siya. "What title?"

"Asia's Limitless Star."

Napangiti ako. "Congratulations baby!"

Yumakap din siya sakin. "Thank you baby!"

"I'm so proud of you."

"Hmm. Totoo?"

"Yes. Dahil diyan paano mo gustong mag celebrate? Dinner? Gift? Wedding?"

Natawa si Julie. Bigla niya kong tinulak pahiga sa kama sabay patong sakin.

"What if  baby kaya? Hmm?"

Napalunok ako ng bigla niyang halikan ang leeg ko.

"Hmm Julie..baka mapatay tayo ni Papa hehe!"

"Hmm hindi yan. Kapag may apo na siya makakalimutan na yung panata niya na no baby before marriage."

Hinubad na niya ang suot kong shirt.

"But I respect your father baby."

Huminto si Julie at tiningnan ako sa mata. Wag sana magalit!

"Uhm. Kasi baby gusto ko kapag nagka baby na tayo in the future gusto ko maging kagaya ni Papa."

Ngumiti si Julie sakin at hinalikan ang labi ko. Sarap talaga!

"You'll be a good daddy baby that's for sure."

Hiniga ko si Julie at ako ang humalik sakanya.

"And a good husband too. I love you my limitless star."

"I love you too my universe."

Excited na ko sa lahat ng mangyayari sakanya at saming dalawa. Please universe pagtagpuin mo ulit landas namin para sa mga fans namin.

The End.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now