Lazada.

189 15 0
                                    

Lazada.

"Psst."

Bigla akong napatingin kay Barbie ng sitsitan niya ko. Nagbabasa kasi ako ng script.

Nakangiti lang siya kaya napangisi ako.

"Ano nanaman yan Barbara?"

"Ha? Wala naman hehe."

"Ano nga? Sus. Kilala kita noh."

Natawa naman si Barbie sakin.

"Mars kung magiging si Klay ka babalik ka din ba sa past?"

Napababa ako ng hawak kong papel.

"Diba nasagot ko na yan? Sabi ko gusto ko bumalik sa childhood ko?"

Tinaasan niya ko ng kilay. "Mars naman siyempre yung nasa showbiz ka na mga ganon."

Napailing nalang ako mukhang alam ko na.

"Saan nanaman pupunta ang usapan na ito Mars? Kinausap ka nanaman ba niya?"

"Gravity! Judger ka! Nagtatanong lang eh."

"Kilala ko bituka mo Barbara mukhang kinausap ka nanaman. Wag mo na pansinin kasi."

Totoo naman. Wala naman na eh. Masaya na ko.

"Fine. Pero Mars sana magkausap kayo you know."

Binalik ko ang tingin sa script ko.

"Para san pa? I'm happy. Masaya ako sa ngayon dapat ko pa ba siyang isipin kung masaya na ko?"

Tumayo si Barbie at tinapik ang balikat ko.

"Sabihin mo yan Julie Anne San Jose kung hindi ka napasaya nung tao. Sabihin mo yan kung hindi ka nagpakagaga don. Teka nga naiihi ako."

At umalis na si Barbie. Napabuntong hininga ako. Nawala tuloy ako sa pagbabasa ko ng script.

Napatingin ako sa labas ng bintana.

Babalikan ko nga ba ang nakaraan?

Ayoko na eh. Kasi okay naman na ko kaya bakit kailangan ko pang balikan?

Tama na nga. Napapraning lang ako kay Barbara sa mga tanong niya. Pumasok ako sa kwarto ni Maria Clara. Dito nalang ako para mas makapag focus ako.

Nagbabasa lang ako ng may kumatok.

Baka si Barbara na yan pero bigla bigla nalang pumapasok yung babaita na yon eh.

"Sino yan?"

"Lazada po."

Napakunot noo ako. Lazada? Gago ba ito? Tumayo ako at binuksan ang pinto. Naka helmet pa.

Nagulat ako ng bigla siyang pumasok sa kwarto ko at sinara ang pinto.

"Hoy!"

Tinakpan niya ang bibig ko gamit ng kamay niya sabay inupo niya ko sa kama. Sino ba tong..kinagat ko nga ang kamay niya.

"Ouch!"

Napakunot noo ako..that voice!

Hinampas ko siya. "What are you doing here?!"

Hinubad niya ang helmet niya. Shit? Ang gwapo?!

"Akala ko ba si Maria Clara ka eh bakit ka nag e-english?"

"Tss. Just answer my question Elmo! Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito..oh si Barbara?"

Umupo siya sa tabi ko. "Don't be mad okay? Gusto lang kitang makausap."

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.

"Mag text ka nalang sana."

"Nag rereply ka ba?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 06, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now