Call Time.

385 19 1
                                    

Call time.

Napakunot noo ako ng mabasa ko ang text ni Mama.

Dumiretsyo muna ko sa cinnabon. Oh that smell! Ang sarap talaga!

Bumili na din ako kasi hindi ko natiis sabay daan na din sa drugstore para bumili ng gamot niya.

Matapos ng lahat ng gagawin ko dito sa mall dumiretsyo na agad ako sa bahay nila.

"Son!" bati sakin ni Mama.

Agad kong niyakap si Mama at hinalikan ang pisngi nito.

"Hi Ma. Lapag ko lang po lahat ng pinamili ko sa kusina. What happened po?"

Napabuntong hininga si Mama. "Sorry anak ah? May sakit daw siya eh. Alam ko busy ka kasi may taping ka din kaso alam mo naman siya nagpapa baby nanaman siya sayo."

Natawa naman ako. "Still the same."

Tinulungan na din ako ni Mama na mag ayos.

"I think hindi lang dahil don kung bakit wala siya."

"Hmm?"

"She misses you, Elmo. Alam mo naman yun."

Tumango ako. Alam ko naman kasi nagpamiss talaga siya ngayong buong linggo.

"Mag shower lang po ako Ma then ako na po magluluto ng dinner natin."

"Thanks Son."

Umakyat na ko sa taas. Ayoko muna siya puntahan kasi hindi na ko makakaluto kapag naging clingy na siya sakin.

Naligo muna ko. Matapos nagpunta na ko sa kusina para magluto ng mga paborito niya.

Nagluto ako ng macaroni soup at kung ano ano pa.

Nagdala ako ng kakainin niya sa kwarto. Hindi naman yun bababa eh.

"Oh son? Bakit hindi nalang kayo sa baba kumain?"

"Hi Pa. Sa kwarto nalang po niya hehe."

Ngumisi naman si Papa. "Balita ko sa Mama niyo na aabsent siya sa AOS bukas dahil nay sakit daw."

Tumango ako. "Yes Papa."

Tinapik niya ang balikat ko. "Nagpapa baby lang yan. Kulang sa arugang Elmo Magalona."

Nagtawanan kami ni Papa. Iniwan na niya ko kaya pumasok na ko sa kwarto niya. Nakita ko siyang naglilipstick pa.

Nang nagulat siya bigla siyang humiga sa kama niya at nag uubo.

Napailing ako. Galawang baby Julie.

Binaba ko ang pagkain sa side table niya. Tiningnan ko siya na pungay pungay ang mata sakin. Ang ganda talaga kahit nakasalamin.

"So love anong masakit sayo?"

Umupo ako sa tabi niya. "Ahm. Sipon at ubo tska may sinat ako.."

Napatango naman ako. "Patingin ng temperature mo love.."

"Ha? No na love okay naman ako. I mean nag check na ko kanina hehe. 36.4 ang taas babe grabe nasa 36 kaya pala nanginginig ako."

36.4? Napailing nalang ako habang nakangiti.

"Okay love. Kumain ka na baka mangayayat ka niyan. Ako nagluto niyan and bumili din pala ako ng cinnabon."

Umupo siya ng maayos sabay halik sa labi ko ng paulit ulit.

"Thanks love!"

Pinapanuod ko siya habang kumakain. Ang saya na makitang enjoy na enjoy siya sa soup at sa cinnabon na uwi ko para sakanya.

"Hmm? Ayaw mo kumain?"

Hinalikan ko ang noo niya. "Busog na ko makita lang kitang kumain."

Hinubad ko ang sando ko kasi matutulog ako mamaya maya. Maaga pa call time ko bukas.

Nanuod ako sa netflix habang siya nakabalot ng kumot at nakatingin sakin. Napansin ko yon kaya hininaan ko ang TV.

"So bakit ka nga a-absent bukas sa AOS? LIVE kayo bukas tama?"

Tiningnan ko siya. "And knowing you my love? Hindi ka basta bastang aabsent. Walang makakapigil sayo na mag perform."

Hindi sumasagot si Julie kaya tinapik ko ang dibdib ko. Umupo agad siya sa kandungan ko at humiga sa dibdib ko.

"Love..hindi ba ko iinom ng meds?"

Hinalikan ko ang ulo niya.

"Wala ka naman talagang sakit diba? So hindi mo kailangan uminom ng meds."

Tiningnan niya ko. Nginitian ko si Julie. Ang ganda ganda talaga ng baby ko.

"Fine. Wala talaga akong sakit. Gusto ko lang magpahinga. Gusto kong.."

Tiningnan niya ko na parang ilang sandali iiyak na siya.

"I want to be with you. To spend more time with you. Alam ko busy ka and itong pagpapa baby ko nakakaistorbo sayo pero.."

Yumakap siya bigla sakin. "I can't help it."

Nagegets ko naman si Julie. Ilang weeks na din kaming puro facetime lang. Nung isang araw nga nag live ako tapos nakita niya. Nagtampo pa siya kasi may time naman pala ako bakit hindi ko siya kinausap non.

Niyakap ko si Julie. "I love you Jules. Kahit na busy tayo lalo na ko lagi mong iisipin na namimiss din kita. Sino bang ayaw makita ang pinaka magandang girl diba?"

Narinig ko na natawa si Julie. Umayos siya ng upo siyempre sa kandungan ko pa din. Ang hot talaga! Parang nabubuhay si junjun ah?

"Sayong sayo ako bukas Elmo. Pero alam ko maaga call time mo." napanguso siya.

Bigla akong napaisip. Kinuha ko ang cellphone ko at may tinawagan.

"Yes. Direk pasensya na po ah? Masakit talaga ulo ko eh. Hindi ko talaga kaya nag taping bukas. Yes Direk. Promise hahabulin ko lahat ng scenes. Yes thank you."

Nakita ko gulat na gulat si Julie.

"You don't say?"

Ngumisi ako. "Alam ko mahalaga sayo yung first live show ng AOS but since namimiss mo ko ng sobra binitawan mo, makasama lang ako. Why not do the same right? Miss na miss din naman kita love."

"Oh my god Elmo!"

At yumakap siya sakin. Pinaghahalikan niya ko kaya natawa ako.

"Love sa susunod wag mo na gagawin ito ah? I mean I love the idea na gusto mo kong makasama pero ang sabihin na masama ang pakiramdam mo? Kinabahan kaming lahat."

Tumingin siya sakin at tumango.

"Yes Elmo. Promise hindi na. Kailangan makapag isip ako ng ibang dahilan para makapag day off." biro niya.

Biglang may pumasok sa isip ko!

Hiniga ko si Julie at hinalikan ang labi niya pababa sa leeg niya.

"May naisip na kong dahilan love. Gusto mo malaman?"

"Hmm Elmo.." ungol niya.

Yep. I'm hard.

Tiningnan ko siya. "I'll make you pregnant."

Mukhang nagulat si Julie pero alam niyang nagbibiro lang ako kaya napalitan ng ngisi ang labi niya.

"Okay love. Make me."

Tumango ako at ngumiti.

"Sure..."

The End.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now