Bawi.

743 42 3
                                    

"Akala ko hindi ka darating..."

Binigyan niya ko ng pilit na ngiti bago siya umupo sa tabi ko.

"Kelan ba ko hindi dumating? Ikaw lang naman ang hindi dumadating kapag ikaw ang kailangan ko."

Napatitig ako sakanya lalo na ng marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko makuhang magreklamo dahil totoo naman. Totoong ako ang hindi dumadating kapag siya ang may kailangan sakin pero nung mga panahon na ako ang may kailangan sakanya kahit isang tawag ko lang lahat ng ginagawa niya iniiwan niya para lang puntahan ako.

"So bakit mo pala ko gusto makausap?"

Binalik ko ang tingin ko sa ibang direksyon.

"Yung totoo? Wala. Wala akong ideya kung bakit ikaw ang unang taong pumasok sa isip ko na tawagan ko para makipagkita. Siguro dahil gusto ko ng makakausap."

"Madami kang kaibigan."

Napatango ako. "Pero hindi lahat maiintindihan ang sitwasyon ko."

"At sa tingin mo maiintindihan kita?"

"Hindi ko alam. Nagbabakasakali ako na baka maintindihan mo ko. Na baka ikaw yung taong makaintindi sakin sa lahat ng pinagdadaanan ko ngayon. Ikaw lang kasi yung taong mas nakakakilala sakin bukod sa pamilya ko.."

Nagkaroon ng panandaliang katahimikan saming dalawa. Ilang sandali pa nagsalita na kong muli.

"Kamusta ka na pala?"

"Kamusta ako? Heto, tahimik pa din."

Pilit akong ngumiti. "Palagi ka namang tahimik. Ang seryoso mo kasing tao."

Napailing siya. "Hindi din. Hindi na simula ng makilala kita."

"Hmm."

"Ikaw ba? Kamusta ka?"

"Hindi ako okay yun ang totoo. Hindi ako okay kasi ewan ko. Malungkot ako. Nasasaktan ako. Wala akong mapagsabihan ng mga hinanakit ko. Pakiramdam ko bawat kilos at galaw ko may masasaktan ako. Pakiramdam ko masasaktan ako kapag may marinig akong salita mula sa ibang tao."

"Masyado ka lang sigurong nag iisip."

"Siguro nga.."

"Bakit sakin ka tumakbo? Hindi ka ba maiintindihan ng boyfriend mo kaya ex mo ang tinawagan mo?"

Napatingin ako sakanya.

"Ayaw mo ba na ikaw ang tinawagan ko? Pasensya ka na kung ganun. Hindi ko nanaman siguro ginagamit ang utak ko kaya hindi ko naisip na hindi maganda na ex ko ang tatawagan ko para mapagsabihan ng problema."

Napabuntong hininga siya. "Ang advance mo talaga mag isip. Ang sabi ko lang bakit ako? Yun lang naman ang tinanong ko at wala naman akong sinabi na ayoko na ako ang naisip mong tawagan. Nakakapagtaka lang na hindi ka sa boyfriend mo pumunta at nagsasabi ng problema."

Napayuko ako. "Isa din naman kasi siya sa problema ko."

"Sinaktan ka ba niya?"

"Hindi naman. Nasasaktan lang ako. Ewan ko din eh. Parang nabablanko ang utak ko at kung ano anong pumapasok sa isip ko. Kaya siguro pati relasyon namin nadadamay."

"Anong ginagawa niya para sayo? Ngayon na may pinagdadanan ka?"

Dahan dahan akong umiling.

"Wala. Hinayaan muna niya kong ganito para daw makapag isip ako. Na baka daw mas kailangan kong intindihin muna ang sarili ko bago yung samin."

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now