Nadala.

883 36 2
                                    

Nadala.

"Okay! Standby!"

"Camera Rolling!"

"In Three! Two! One! ACTION!"

"Umalis ka na.."

Nakayukong pagkakasabi ni Julie. Nasa shoot sila ng Isang Gabi ngayon at kailangan niya magbigay ng matinding emosyon para dito sa MV niya.

"Umalis ka na." Malumanay na pagkakasabi niya.

"Cut!"

Nagulat ang lahat ng marinig nila si Rico na sumigaw ng cut. Tumayo ito sa inuupuan niya at lumapit kay Julie. Nginitian niya ito sabay tingin sa director nila.

"Wait lang guys ah! Usap lang kami ni Julie."

"Okay sige! Break muna guys"

Tiningnan ni Julie si Rico. "Rico? Bakit mo pinacut? May mali ba sa ginawa ko? Panget ba yung pagkakaarte ko?"

Umiling si Rico. Umupo siya sa kama at tinapik ito para anyayahan si Julie na umupo sa tabi niya. Tumango naman si Julie at tumabi kay Rico.

"Julie, alam mo ba kung bakit may linya ka? Kung bakit may linya kayo? Hindi naman ito kailangan sa MV dahil hindi naman ito isang movie at walang sali salita dito pero alam mo ba kung bakit kailangan may linya?"

Nanatiling nakikinig si Julie kay Rico.

"Para mas maramdaman mo yung kanta. Para mas lumabas yung emotion at maiparamdam mo sa mga manunuod at makikinig ng Isang Gabi yung sakit ng kantang kinakanta mo."

"Y..Yun naman ang ginagawa ko Rico."

Dahan dahang umiling si Rico. "No, Julie. Hindi yun ang pinapakita mo. Stop hiding Julie. Stop pretending. Ilabas mo! Ilabas mo yung sakit! Isigaw mo! Magalit ka! Iiyak mo! Ibigay mo yung natural na reaction ng taong nasasaktan dahil yung taong mahal niya may mahal na iba. Ilabas mo yung pakiramdam na may kahati ka sa taong mahal mo. Yung pwede kayo pero hindi sang ayon ang oras at panahon sainyo."

"Rico.."

Ngumiti si Rico kay Julie. "Alam kong hindi na bago sayo ang pakiramdam na yon. Wala namang makakarinig ng sasabihin mo pero may makakaramdam kung gaano yon kasakit."

"H..Hindi ko alam kung paano ko gagawin.."

"Iwan ka na muna namin dito. Maging ikaw yung character dito sa MV mo Julie. Maging ikaw yon."

Hindi na nagsalita pa si Julie dahil iniwan na din naman siya ni Rico. Wala na siyang kasama sa kwarto kundi sarili lang niya. Nakaupo siya sa gitnang bahagi ng kama. Tinitingnan niya yung script na hawak niya. Yun lang naman ang kailangan niyang sabihin eh. Ang umalis ang lalaki sa paningin niya pero bakit parang mali? Bakit parang kulang?

Lumapit siya sa monitor kung saan makikita ang nangyaring take kanina. Pinanuod niya ang ginawa nila at napaupo siya sa nakita.

"Parang ngang hindi totoo.."

Yun nalang ang tanging nasabi niya. Muli siyang tumayo at nagtungo sa veranda. Lumanghap muna siya ng hangin. Nagbabakasakali na makakuha na siya ng inspiration para mahalin ang character niya dito.

"Sana ganon lang kadali.."

"Do you need my help?"

Napalingon siya sa nagsalita at doon nakita niya ang lalaking nagparamdam at gumising sa lahat ng emosyon na meron siya sa puso niya.

Saya.

Kilig.

Paasa.

Umasa.

To Be ContinuedWhere stories live. Discover now