Chapter 18

1.9K 47 2
                                    

Darren

"Darren! Darren! Darren" kanina ko pang naririnig na tinatawag ako ni Mindy pero wala akong balak tumayo sa kinauupuan ko. Nakakatamad lang. "Bingi ka ba? Hmp" sabi nito sabay hagis sakin ng towel at sisid sa pool.

Well obviously hindi ako bingi. Haha. At sabi nga ni Athena iba ang bingi sa ayaw makinig. Teka! Bakit ko naisip yung tao? Namimiss ko siguro. Ah! Hindi siguro. Oo talaga. Namimiss ko. That simple crazy girl that captured my heart. That beautiful girl who makes every second memorable.

Isang batok. Isang batok ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan.

"Been looking for you everywhere. Dito lang pala kita makikita? And who's that girl swimming on my pool" napanganga ako sa babaeng nagsasalita sa harap ko. "You may close your mouth if you want Darren Villacruz"

"Tamia? Why are you here? Is this for real? My sexy naughty but not so smart cousin is back from the cave?"

"Yes! And you will tell me a good story but i want that girl out of my house"

"Your house? Nahiya naman yung parents ko sa pag aangkin mo ng bahay namin"

"You will ditch that bitch or I will kill you now?"

"Ah! Aray! Aray!" Pingutin ba naman ako. "Ito na nga papaalisin ko na" Maglalakad na sana ako papuntang pool ng hilain ako pabalik ni Tamia. "Ano? Gagawin na diba?"

"That's Mindy?" Tumango ako. "Let me do this" sabay evil smile.

"Hep! Hep! Anong meron sa ngiti mo?"

"I said LET ME" sabay iwas ng kamay niya. "Watch and you will learn my smart and not so bright cousin" I watched her walk away.

Tamia is the eldest among us, cousins. She's a US based dentist. Super caring and loving person but very bitchy. She see to it that nothing and no one is blocking her way. She never get along with Mindy. Not in the past and not now, definitely.

"I will not." Rinig kong sigaw ni Mindy kaya tumakbo na ako sa pool side.

"Ano to guys?" Tanong ko.

"Tamia is forcing me to leave" Inis na sabi ni Mindy.

"Haha. Funny girl! Are you expecting that I. I will beg you to leave? Nah. Ain't gonna happen bitch" sabi ni Tami. "You will leave the house now or I will let the dog chase you? You choose. You have 3 seconds to do it. One two three. Time ups. You go home NOW!" Tamia is one big bitchy monster. I know but this is funny. Pigil kong tumawa.

"Darren! Don't let your cousin do this!" Maktol ni Mindy.

"Ah! Eh! Bihis ka na. Alam mo naman yung way sa restroom diba?" Kamot kamot na sagot ko.

"Seriously???" Tumango lang ako at binangga na niya kami pareho ni Tamia.

"Nice one cousin. Now get ready and we will meet your friends at Aya's resto"

"Ano? Ayoko! Galit ako sa mga yun uy!"

"Don't make me angry. You know what will happen"

"Ito na nga aakyat na sa kwarto. Hintayin mo ko sa sala" Pag talaga si Tamia ang bumanat tiklop ako. Langya!

Sinadya kong magmatagal para mainip naman si Tamia. Bahala siya sa buhay niya. Haha.

"Okay ba?" Tanong ko pagkadating ng sala.

"Not quite but yeah whatever" Sagot nito habang naglalakad papuntang garahe.

"Sus! Nagwapuhan ka lang sakin" pagyayabang ko.

"Spare me your nonsense jokes. Drive now"

"Hindi yun joke"

"Shut up" sabi nito at nag de kwatro na sa upuan niya.

"Sabi ko nga" bulong ko at nagsimula ng magdrive. Malapit na kami ng biglang tumunog ang cellphone ko at nagregister ang mukha ni Mindy.

"I'll take it." Sabi ni Tamia. "Later bitch" sabay patay ng tawag. "Pathetic girl. And you Darren a pathetic bi." Tumahimik na lang ako. "We're here. Stop the car." Bumaba na siya. "Park it on the left side" Yun lang at umalis na siya.

Pumasok na ako sa loob after ipark yung kotse ni Tamia. Wala masyadong tao. Baka inarkila ni Tamia yung buong resto. Ganyan naman yan. Nagwawaldas ng pera sa walang saysay na bagay. Haha

"Here comes the culprit" sabi ni Tamia.

"Ang pogi ko namang culprit. Kamusta guys?" They just stared at me. "Well Darren they're okay. Absolutely and obviously" Ako na sumagot para sa sarili ko.

"Well how are you?" Megan asked.

"Breathing" Then we heard and I heard a familiar laugh from the entrance door. I don't need to look at that direction. I already know the person. It's Athena. I heard them exchanging hi's and hello's with each other.

"Dude, walang asungot. I mean date?" Si Kris. Umiling ako. "Sorry ah. I asked Athena to be my date since she's thinking of staying in Italy for couple of months" That news hit me hard. I was stuck and frozen.

"Ah wa-wala yun dude. Hindi na naman kami"

"So pede ko siyang ligawan?" Kung may kutsilyo lang akong hawak hinagis o itinarak ko na sa dibdib nitong si Kris.

"No. Friends tayo. What's mine is mine" bigla kong sagot. "Pero bahala ka. Your choice" Tumikhim sila sa sinabi ko.

"Let's eat?" Pag aaya ni Aya. Nagsimula na silang maglakad papunta sa long table. Tsaka ako sumunod.

To be honest, seeing her with my friend. While they're sweet is like stabbing myself with a knife.

"So Athena, you're my cousin's girlfriend?" Nagulat ako sa sinabi ni Tamia.

"Correction. Ex" Maikli sagot nito.

"Hindi official yung break up so basically tayo pa din" Sabat ko.

"Eh di wow" Sabat ni Mika pero hinawakan siya ni Athena sa braso.

"You want an official break up? Sure! You're free. Break na tayo" Walang emosyon na sabi nito.

"No! We need to talk" Sagot ko.

"There's nothing left to talk with. We're done and over. You obviously made a choice. That's Mindy"

"No. I never choose her. And I will never choose her over you"

"You never? Oh come on Darren. You can't admit it but you're doing it. Wala nga namang magnanakaw na umako ng kasalanan" Tumayo na ito. "Sorry to ruin your night but nice meeting you Tamia" Nagsimula na siyang maglakad at dire-diretsong lumabas ng resto. Susundan sana siya ni Kris pero pinigilan ko.

Lumabas ako ng resto at naabutang naghihintay siya ng taxi.

"Ride with me" Tinalikuran lang niya ako eksaktong may dumaan na taxi at sumakay siya. Buti na lang mabilis ang reflexes ko at nakasakay din agad ako.

"Ma'am san po tayo?" Tanong ni Manong Driver.

"Kuya sa-"

"Sa Ayala Highway Village po"

"Anong problema mo? Umalis ka nga"

"Mag uusap tayo."

"Kausapin mo mukha mo" Nagsuot na siya ng earphone at pumikit. Tinapik tapik ko siya ng makarating sa bahay. Nakatulog na kase siya. "Hmm" Ungol niya. Napakamot naman ako. Tinapik ko uli. "Hmm. Natutulog yung tao" Tinapik ko uli. "Sabing natutulog nga ako eh" Maktol nito sabay baba ng sasakyan. Nagbayad agad ako bago pa marealize ni Athena na nasa bahay namin siya. "Ma? I'm home" Binuksan ko ang gate at inalalayan siyang pumasok hanggang makarating sa kwarto. Ewan ko sa babaeng to at bakit antok na antok. Halos yakapin na yung staircase kaya hinayaan ko ng matulog pagdating sa kwarto.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon