Chapter 45

1.5K 40 0
                                    

CKchaeyeon

Darren

"As we all see, our sales rate went up by 5% compared to the last year's performance. To think that it is just the first quarter of the year. And we are hoping to increase it by 6% more. Can we do that?" Sabay sabay na nagyes ang mga sales people bilang sagot sa tanong ng sales manager ng kumpanya.

As the CEO of the company. Lahat ng importanteng meeting ay kailangan kong daluhan. Gaano man kahectic ang schedule ko.

"Foods will be available in the pantry" Pag-papaalala ng speaker bago tapusin ang programa. Nagpaalam na ako sa mga ito dahil pinapatawag ako ni Lolo sa opisina niya.

Kumatok ako bago tuluyang pumasok sa loob. Naabutan kong prenteng nakaupo si Tamia sa couch. Tinanguhan ko ito at nag smile naman siya.

"Lo, you wanted to talk to me?" Tinuro nito ang isang upuan sa harapan niya. "Is this going to be long?"

"We just want to ask about the progress of your lovelife."

"I don't think it's the proper place to talk about this" Tatayo na sana ako ng batuhin ako ni Tamia ng stress ball na nasalo naman ni Lolo pagkatapos tumama sa ulo ko.

"There's no other place to talk about this. San mo gusto? Sa harap ng atat na atat mong girlfriend?" Mataray na sabi ni Tamia. "Ewan ko ba sayo kung anong naisip mo at nagpropose ka agad dun. Hindi mo na ba mahal si Athena?"

"What kind of question is that? It's been almost 8 years at hindi ako naaalala nung tao."

"You didn't answer my question dearest cousin" Pang-aasar na sabi nito.

"This is insane! Alam ni Betty na hindi kayo pabor sa kasal namin but it doesn't mean na makikipaghiwalay ako sa kanya. I should go"

"Before you go. Give this to Athena" May inabot si Lolo na isang green envelope na nakaseal. Tumango ako at kinuha ang envelope pati na din ang stress ball at binato ko ito kay Tamia bago tuluyan lumabas ng pinto.


"HAHAHAHAHA" Napaka saya ng tawang naririnig ko mula sa pinto ng opisina ni Athena. Na parang ayoko na tuloy kumatok. Nakailang buntong hininga ako bago tuluyan kumatok at binuksan ang pinto.

"Hi. Lolo wants to give this to you" Panimula ko habang nasa tabi ng pinto.

"Come in." Inabot nito ang envelope. "Did he tell you what's inside this envelope?" Umiling ako. "By the way this is--"

"Charles!/Darren?"

"Oh I think there's no need for introduction. Haha. So how did you two meet?"

"We're university mate. Right Charles?" Umoo naman ito. "I should go. Idinaan ko lang talaga yan."

"Thank you." Nakipagshake hands ito sakin.

"Myloves"

"What did you say Miss Villacruz?"

"Nothing. It's just that your bracelet looks familiar and it's beautiful." Ngumiti ito at tuluyan na akong lumabas. Siguro nakakalimang hakbang na ako ng biglang may tumawag sa pangalan ko. "Oh Charles. May kelangan ka?"

"Salamat at hindi mo siya pinepressure maalala ka. But I know eventuallg she will. Love will always remember right? And I hope na pag naalala ka niya eh hindi ka pa kasal" Tinapik nito ang balikat ko bago bumalik sa opisina ni Athena.

Paano niya nalamang ikakasal ako?

-----

Author's Note:

Ito muna po ang update ko. Salamat sa patuloy na pagbabasa. Thanks for voting. I love you all :)


PrincessArrow.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon