Chapter 1

16.1K 149 1
                                    

This is my first story, actually testing lang to kung kaya ko pang magsulat. :) Nung medyo bata pa kase ako nagsusulat na din ako kaso poem lang. Sana suportahan nyo po. Kung hindi kayo magandahan. Don't worry coz your free to leave. <3 Enjoy reading!

......

Athena

“Athena ! “. si mika ang best friend ko.

“aga mo ah?” sagot ko.

“alam mo naman na bawal tayong malate lalo na at ngayon ipapakilala yung bago nating dance instructor.”

“hindi nga tayo late, sya naman ata”

Andito kami sa Ampitheater ng university namin. Dito daw samin ipapakilala ang bago naming instructor. Member nga pala kami ng dance troupe ng university namin.

 Halos 30 minutes na ang nakakalipas wala pa din ang instructor namin. Naboboring na tuloy kami este ako lang pala.

“miks, pag nag 45 minutes at wala pa sila, aalis na ako” sabi ko

“ano ba naman yan, hintayin na natin, malay mo gwapo”

“ayan tayo eh. Gwapo tapos pag sinaktan ka, halos isumpa muna?”

“ang damot mo naman. Dali na hintayin na natin”

"siya sige maghihintay na hanggang mabulok tayo “

Hindi na sumagot si Mika, tinawanan na lang ako. Alam nya kase na kahit anong protesta ang gawin ko hindi ko siya matitis. Bestfriend eh. Pero bored na talaga ako. At tutal nakikipag-usap na naman si Mika sa iba naming kasama, tatakas na lang ako.

Habang palabas na ako ng pinto.

“Hi, Athena, san punta?” si Miss Ems , ang dati naming instructor kaso magpapakasal na next month kaya nagleave muna

“ah .. bibili po sana ako ng makakain eh since andito na kayo mamaya na lang” . buwisit purnada pa nga.

Nauna na akong maglakad pabalik sa Ampitheater habang nakasimangot. Halos 1 hour din silang late ah. Tsk ! . buwisit talaga oh oh.

“guys, andito na si Miss Ems at yung bago nating instructor” sigaw ko sa mga kasama ko.

After 2 hours ng pagpapakilala at pagbi briefing samen. Natapos din ang meeting namin. Sana kasing galing ni Miss Ems si Instructor Khea. Dahil kung hindi, magququit talaga ako. HAHA ..

Sabay na kami ni Mika pumunta ng cafeteria, 1:15 pm pa lang so may isang oras pa kami para tumambay at kumain. Language Communication ang next subject namin.. Ang paborito kong subject na hate na hate naman ni Miks.

*pst, may nagtext*

“uy, nagtext na si boyfie. Hahaha” si Miks

“hala? Usbaw ka talaga ano? Ano naman kung nagtext yun, hindi ko pa nga sure kung siya nga ang nagtext”

“sus! Siya yan. Pustahan ng isang libo?”

“napaka sugalera mo talaga.” Sabay batok ko kay mika.

Kinuha ko na ang cellphone ko para malaman kung sino ba talaga ang nagtext.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon