Chapter 68

1.6K 44 5
                                    

DEDICATED : chilLax_gurl

Athena

Diyos ko, bigyan nyo sana ako ng lakas ng loob para gawin ang tama. Gusto ko po ng tahimik at magandang buhay para sa anak ko. Patnubayan nyo po sana ko.


Alam kong mali pero naiisip kong palitan ang DNA result at ibigay iyon kay Zach para sa gayon ay wala akong maging kaagaw sa anak ko.

"Best, that's absurd. Tsaka hindi ka lang sa Diyos magkakaron ng kasalanan kundi pati sa anak mo." Sagot ni Mika ng sabihin ko dito ang plano ko.

"But I don't want him to be part of my daughter's life."

"No one will be on your side sa gagawin mo. Sorry to say pero masyado kang nilalamon ng galit mo. Sa tingin mo walang paraan yung Montoya na yun para patunayan na anak niya si DD? Dayain mo man ang resulta ng DNA test ngayon, magagawa pa din niyang ipaulit yun ng ilang beses without you noticing it."

Naalala ko na naman ang naging usapan namin ni Mika nung nakaraang araw. Maging si Darren at Charles ay pareho ang sinabi sakin.

"Mom, are you done praying?" Tumango ako. "I am done too. I prayed to have my dad back." Napalunok ako sa sinabi nito. "I love him, Mommy." Nginitian ko ito bago inakay palabas ng simbahan.

Hindi pa man nito pormal na nakikilala ang ama ay pinipili na nitong mahalin ito. Kaya itigil mo ang kahibangan mong palitan ang results. Napapailing ako sa kontrahan ng puso at utak ko.

"Honey, from scale of 1 to 10 how will you rate your eagerness to meet your dad formally?" Itinaas nito ang kanyang sampung daliri. Ngumiti ako dito at ginulo ang buhok nito. "If that's the case, mommy needs to be somewhere. Will you be okay to go home with Tasha only?" Nag-thumbs up ito.

Binilinan ko si Tasha bago tuluyang iwan ang mga ito kasama ang family driver namin. Nagtaxi na lang ako papunta sa opisina ni Mr. Montoya.

"Ma'am do you have an appointment with Mr. Montoya?" Tanong ng receptoonist.

"None. Miss this is urgent. Can you tell him that Athena Nicole Hernandez is looking for him?" Tumango ito at may kinausap muli sa telepono.

"He's still in a meeting but you can go up already. He will meet you after his meeting. The room is on the 31st floor, board room. Take care." Pinasalamatan ko ito bago tuluyang nagtungo sa elevator.

Pagkatapos ng halos trenta minutos na paghihintay ay lumabas na din ng board room ang kameeting nito. Isa itong balingkinitan na babae na tila ay sinampal ng paulit-ulit ang labi at pisngi sa kapal ng lipstick at blush-on nito.

"Miss Hernandez, you can go inside now." Sabi ng sekretarya nito.

"What brings you here, Miss Hernandez?" Pormal nitong tanong pagkatapos inumin ang alak sa baso nito.

Inilabas ko sa bag ang isang papel at inabot ito sa kanya. May pagtataka sa mukha nito bago niya binuksan ang papel.

"D-DNA test result?" Halatang nagulat ito sa nakita pero makikita sa mukha nito ang kasiyahan sa nakita. "Ibig sabihin ba nito ay hahayaan mo na akong maging ama sa anak natin?"

"Ang resulta na yan ay kumpirmasyon lang ng mga haka-haka natin. Ama ka nga ng anak ko, aminin ko man o hindi." Lumunok ako bago nagpatuloy. "Hahayaan kong maging ama ka sa kanya pero may ilan akong kundisyon."

"Anything." Mabilis na sagot nito.

"Una, kung gusto mong iannounce na publiko na may anak ka, go ahead pero hindi nila dapat malaman kung sino ang anak mo. Hanggang dumating si DD sa tamang edad. Pangalawa, babalik kami sa Canada 2 weeks from now. Ipagpapatuloy niya ang pag-aaral niya at babalik ako sa mga naiwan kong trabaho dun. Hindi ka dapat umangal. Kung gusto mong dumalaw siguraduhin mong walang nakasunod na paparazzi sayo. Kung kelangan mong mag-disguise, gawin mo. Pangatlo, pag napahamak ang anak ko dahil sa pinsan mo o dahil sa kahit na sinong konektado sayo ipinapangako kong hinding-hindi mo na makikita pa ang anak ko." Panay lang ang tango nito sa sinasabi ko.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon