Chapter 31

1.7K 47 1
                                    

Bago ang lahat :

Napipikon ako sa cellphone ko. There are blocked calls pero wala namang blocked numbers sa phone ko. Grrr! Nakakastress isipin. Meron po bang technician sa inyo dear readers? Please pm me for help. Baka meron po kayong alam na solusyon. Nabablock po kase yung calls from my sister eh nasa UAE siya. PLEASE?? THANK YOU :*

-----------------------------------------------------------------

Darren

Hingal na hingal ako ng maimulat ko ang mga mata ko. Gustong kong tumayo pero kumikirot ang balikat ko. Asan ba ko?

Kwartong puti from wall to wall. Malabong kwarto ko to. Ang boring ng kulay.

Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok si Mommy.

"Oh my god gising ka na pala. How are you feeling? May masakit ba sayo?"

"My, si Athena?"

"Wait. I'll call the nurse" Parang wala itong narinig na itinanong ko. Sigurado naman akong malakas ang boses ko.

Maya-maya pa ay bumalik ito kasama ang nurse at kasunod naman nila ang mga kaibigan ko.

"Where's Athena?"

"Masakit ba ang ulo mo?" Tanong ng nurse bago ako kinuhanan ng pulse rate "She seems okay naman. But she will still need to stay here for further onservation." Baling nito kay Mommy at nagpaalam na.

"Where's Athena?" 1 2 3 4 5 ... walang sumagot. "God damn it! I'm asking you people. Asan si Athena?"

"Anak, don't stress yourself too much. Tsaka mo na alalahanin si Athena." Naiiyak na sabi nito.

"Mahirap bang sagutin ang tanong ko ha?" Umupo ako sa gilid ng kama. "Parang awa niyo na. Asan siya? Gusto ko lang naman malaman kung okay na ba siya. Kung nagamot na ba ang mgs sugat niya. Gusto ko lang malaman niya na mahal na mahal ko siya. Please lang sabihin niyo na. Asan siya?" Napuno ng hikbi ang kwartong kinaroroonan ko.

"H-her family had to rush her to Canada after what happened. T-they're afraid that it might happen again. S-sorry" Sagot ni Mika. With those words I died. With the news I was buried. With that I wish I never opened my eyes.

Pagkatapos ng mahabang pakikipag-usap ay hindi pa din pumayag si Keena na sumuko ng matiwasay.

"Mamatay muna siya bago niyo ako mahuli. Isa lang naman ang gusto ko. Yung sumama ka sakin Darren at magmahalan tayo."

"Itigil mo na to Keena. Pwede naman tayong mag-usap ng maayos eh. Please wag mong saktan si Athena pati na din ang sarili mo."

Pero baliw na nga siguro ang banaeng ito dahil tumawa lang siya pagkatapos ng sinabi ko.

"Athena!!"  Sabay-sabay na sigaw namin dahil itinulak ito ng babae. Buti na lang ay hindi ito nahulog.

Kasalukuyan silang nasa ikatlong palapag ng building na ito habang may hawak na megaphone at baril si Keena . Nasa baba ako kasama si Mika, Mich, Gin at Aya pati na din ng ilang pulis. Ang mga tauhan naman ni Ninong ay nakapalibot na sa paligid ng hindi nalalaman ni Keena.

Tumakbo ako papunta sa ikatlong palapag. Salamat sa adrenaline rush ko at nakarating ako ng mabilis.

"Andito na ako. Ibigay mo na sa kanila si Athena at sasama ako sayo" Ngumiti ito at itinulak si Athena sa direksyon ng mga kaibigan namin. Nakasunod na pala sila. Lumapit sakin ang babaeng baliw kaya nagkaron ako ng pagkakataong agawin ang baril nito.

BANG!

"DARREN!!" Sigaw nila bago dunilim ang paligid.



"Pre? Okay ka lang?" Boses ni Gin ang nakapagpabalik sakin sa kasalukuyan. "Umalis na sila"

"Bakit hindi ka sumama?" Mapaklang tanong ko. "Iwan niyo na ako tutal wala naman kayong ginawa para ipaalam sakin na ganun pala ang balak nina tita para kay Athena"

"What the hell dude! Anong gusto mong gawin namin ha? Yugyugin ka hanggang sa magising ka sa mahimbing mong pagkakacoma? Taena dude. Hindi lang ikaw ang nasasaktan dito. Hirap na hirap kaming magpatuloy sa buhay nung nakaraang 3 buwan kase hindi namin alam kung magigising ka pa. Dahil bukod sa takot naming mawala ka ay takot din kami sa pwedeng mangyari kay Athena. At lara alam mo din. We just received a call from Kuya Achilles nung araw na nasa Canada na sila. Kaya wag mo kaming itulak na as if ikaw lang ang nawalan. Athena is a friend to all of us." Pagkatapos na mahabang litanya nito ay padabog nitong isinara ang pinto.

Great just great Darren.

"Baby?"

"Mommy **sniffs** ang sakit"

"Shhh! We may not understand it now but God has a better plan"

Better plan? May better plan nga ba sa mga taong nawalan ng minamahal. O hindi pala niya nasasagad ang sakit ng plano niya.

--------------------------------------------------------------
Sa susunod po uli :)

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon