Chapter 55

2K 52 2
                                    


"I am expecting you to be there." Nakangiting sabi ni Lolo kay Athena. Lolo is referring to my parent's anniversary. Silver Wedding Anniversary kase ng mga ito sa Sabado. "Bring your cutie child as well." Tumango si Athena.

Nagpaalam na si Lolo na bibisitahin muna ang puntod ni Lola.

"Miss Villacruz, okay ka lang?" Nawiwili si Athena na tanungin ako kung okay lang ako simula nang malaman niyang wala na kami ni Letty.

"Oks lang Miss Nikki. Alis muna ako magkikita kami ni Gin sa Stabucks." Nag-wave ito bago ako lumabas sa opisina niya.

5 minute drive lang yung layo ng Starbuck pero pag traffic ay umaabot 30 minutes kaya minsan mas gusto kong maglakad na lang.

"Hey dude" Bungad ni Gin na nakaakbay pa sa maldita nitong girlfriend na si Drea. "Babe hindi ka ba mag-hi kay Darren?"

"Wala ako sa mood" Mataray na sagot nito. "PMS" Komento ko. Napasigaw ako ng maramdaman ko ang isang malamig na matulis na bagay na tumama sa noo ko. "I'm not PMS-ing. Hmpft!" Inirapan pa ako nito.

"Sana sinabi mo na lang na hindi kesa nambabato ka dyan. Ipagtanggol mo naman ako Gin." Tinaasan lang siya nito ng kilay. Wala. Wala na siyang nagawa kundi yumuko. Langya! Kasapi ng samahan ni Andres Bonifacio ang kaibigan ko. Kawawa naman.

"Mag-order ka nga dun Darren." Aangal pa sana ako nang makita kong hinugot nito ang payong niya sa bag.

"O-order nga ako. Ito kase si Gin sabing oorder na ako ginagalit pa si Drea. Ano nga Drea?" Sinagot lang ako nito ng whatever. Habang naghihintay ng order ay tinext ko si Athena kung may ipapabili ito.

"Next please" Sabi nung babae sa counter. "Tatlong mocha frappe." Sabi ko dito.

Nag-vibrate ang phone ko at nakita kong nagtext si Athena.

Miss Nikki
'Wag na. Hindi mo na ako aabutan. I have a photo shoot today.'

Nakalimutan kong may photo shoot nga pala ito. Bumalik na ako sa upuan ng makuha ang mga order.

"Anong hanash mo?" Mataray na tanong ni Drea. "Straw-hin ko mata mo pag hindi mo tinanggal yang kunot ng noo mo. May kwento ka daw kaya kami andito." Sinipa ko si Gin mula sa ilalim ng mesa at pasimple itong nag- peace sign.

Kinuwento ko na lahat. Simula dun sa nakita ko si Keena sa Puerto Princesa. Matiim lang na nakikinig ang mga ito pero nababakas sa mukha nila ang galit.

Sinabi ko ding I called off the engagement. "I cannot marry the reason why we suffered so much in the past." Tumango si Drea bilang pagsang-ayon.

"Alam na ba ni Athena?" Umiling ako. "Kung totoo ngang malaking tao ang kakalabanin kung pipilitin nating alamin kung sino ang hayop na yun ay dapat protektado si Athena at ang anak nito. Kase tayo alam natin ang nangyayari tapos siya may amnesia na nga hindi pa alam na may banta sa buhay nila." Mahabang paliwanag ni Drea.

"I'll try to give her bodyguards." Sagot ko.

Knowing Athena, she doesn't want to gain more attention. And giving her a bodyguard will not be an easy nagotiation.

Nagkwentuhan pa kami ng mga bagay-bagay tsaka ako nagpaalam na babalik sa opisina.

"Contact my Ninong's secretary please." Utos ko sa secretary ko. Kung bibigyan ko si Athena ng bodyguard sisiguraduhin kong mapagkakatiwalaan.

"What? This is absurd." Gaya ng inaasahan kong magiging reaction niya pag sinabi kong may bodyguard na siya mula ngayon. "I don't need a bodyguard. What am I? A baby? Come on!" Hinampas nito ang mesa ko.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon