Chapter 33

1.7K 43 1
                                    


Before anything else!

Better late than never. Happy hearts day! Roses and chocolates are all over the place. But I receive none. Chos!!

Napakatagal ng update alam ko po. Sa mga sumusubaybay at patuloy na nananalig. Maraming salamat readers! I am nothing without you guys!!

Ciao!
Happy reading!

--------------------------------

7 years had passed

Darren

Tambak na naman ang trabaho ko. Mga kelangan pirmahan at report for the new projects. Hindi na tuloy ako nakasama sa get away ng barkada kaya ito ako ngayon pinaflood nila ng pictures from Korea. Urgh!

Knock! Knock!

"Come in" Sabi ko habang nakatutok ang mata sa revision ng report na ipapasa ko for board meeting.

"Ma'am the proposal with Mr. Lynch was declined." Nakakunot na napatingin ako sa aking sekretarya. "Ah eh Ma'am the only problem was they wanted their own model for the new set of clothing that we will launch in case they will accept it."

"And who do they want?" Napapailing na tanong ko.

"Miss Nikki H."

"Who the hell is Nikki H?" Nagkibit balikat ito. "Anyways, I'll think about it" Bwisit na mga clients yan ang aarte! Naku! Wag na wag lang na mukhang bisugong maputi ang model nila at talagang tatawa ako ng malakas.

Tinapos ko na lang ang mga kelangan kong pirmahan at binigay ito sa secretary ko. Nagbilin akong icancel ang afternoon meeting ko with Lolo dahil kelangan ko munang huminga from all this bs.

Meet me at Uniqlo store.

Pagkareceive ng message na yun ay kinuha ko na ang gamit ko at nagdrive papuntang mall. Medyo traffic kaya inabot ako ng 30 minutes bago makarating.

"Hon naman ang tagal mo" Bungad sakin ni Letty. Ang almost 2 years kong girlfriend. Almost 2 years na pala ng tumigil akong umasa na babalik pa siya. "Hon? You're spacing out" Nagsorry lang ako at inaya na itong kumain sa Old Spaghetti House. Paborito niya kase ang spaghetti dun. "How's the partnership with LCL?" Tanong nito pagkatapos iserve ng crew ang meal.

"They really wanted that Nikki H to do the modelling" Inis na tila sumbong ko dito.

"Then give them what they want. There's no harm in trying hon." Pangalawang beses na kaseng naturn down ang proposal ko only because they want that Nikki H. to do it. Ewan ko I just don't like the idea na bukod sa gusto nilang yun nga ang maging model ay ayaw din nilang magbigay ng info about that woman. Kesyo they wanted everything to be settled on their own grounds. Nakakainis! "Don't think about it. Just do it, okay?" Ngumiti lang ako dito.

Pagkatapos kumain ay naggala pa kami sa loob ng mall. Bumili din siya ng dress na gagamitin for next week kase ipapakilala ko na siya officially sa mga kaibigan ko.

"WAAAHHHHHHHHHHH" Nagkatinginan kami ng marinig ang iyak ng batang babae. "MOMMY WAAAAAHHHHH"

"Hanapin natin hon" Sabi ni Letty tsaka ako hinila. Luminga-linga ito habang hinahanap kung san nanggagaling ang iyak. Nakita naman namin ang isang batang babae na nakahalukipkip habang iyak ng iyak.

"Anong pangalan mo?" Tanong ko ng makalapit. Nag-angat naman ito ng ulo. "Anong pangalan mo?" Ulit ko dito. Pero kumunot lang ang noo nito.

"W-what did you say?" Langya! English speaking pala ito. Hindi naman ako nainform.

"What's your na--" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ng may tumulak sakin.

"STAY AWAY FROM HER" Sigaw ng batang lalaki. Siguro nasa 7 or 8 years old ito. "GO AWAY!"

"WAAAAHHH" Natalima lang ang batang lalaki ng umiyak ang batang babae.

"Shhh DD. I'm here. Nobody will hurt you" Natouch naman ako sa narinig ko lalo na ng yumakap sa kanya ang batang babae.

"Jusko! Papagalitan ako ng mommy niyo. Kanina ko pa kayo hinahanap." Nakakunot noo lang ang dalawang bata habang nakatingin sa yaya nila. "Ay sabi ko nga english dapat" Natawa kami pareho ni Letty. "Go home. Will go home." Kinarga na nito ang batang babae at inakay ang masungit na lalaki. Tumingin pa samin ang batang babae habang nagpapahid ng luha.

Naglakad na kami palabas ng mall ng makalayo ang tatlo. Hinatid ko lang si Letty sa condo niya at bumalik na uli ako sa office para irevise ang proposal with LCL. Papayag na ako sa gusto nila.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon