chapter 4

4.2K 93 0
                                    

Author's Note:

Hi guys :) thank you sa pagbabasa! Hope you're enjoying it. Sensya na din sa mga typo errors ah? Love you all :* <3 Take care.

___________________________________________________________________________

Athena

Dahil tapos na yung concert, back to the subjects ang focus ko.Kelangan ko din kaseng humabol dun sa mga lessons na namiss ko nung nagrest ako for 1 week. Ang daming quizzes, recital, activities at homework na namiss.Tapos may project pa na kelangan ipasa sa Trigo. Imagine, 80 problems yung kelangan sagutan? Ako na lang yung hindi nakakapagpasa. Three days lang din yung palugit para makapagpasa ako. Nakakalungkot at nakakadugo ng ilong at utak. BS Math pa naman ako. Bulok Sa Math. Hays!

Kung itatanong niyo kung nasaan ako. Ito nasa kwarto nagsusunog ng kilay at nagpapadugo ng utak makapagpasa lang nito bukas. Bukas na kase yung last day ng palugit saken tapos 20 problems pa lang yung nasasagutan ko. Kelangan ko pang icheck kung tama yung mga sagot ko.

Ako lang pala dito sa bahay, nagpunta kase si mama sa mall kasama yung dalawa naming maid pati si kuya at ate Maggie. Bukas na kase yung flight nila pabalik ng Hongkong. Sayang nga hindi ako makakasama sa paghahatid may pasok kase.

Nakakastress pag ganitong natatambakan ng gawain.  Hays talaga.

*talk dirty song*

Aba may nakaalalang tumawag. Kinuha ko yung cp sa side table para tingnan kung sino yung tumatawag. Unknown number? Sino naman kaya ito? Sasagutin ko ba? Sige na nga baka kase si Mika to, mahilig pa naman yun makitawag sa iba.

hello, sino to?

ako to si darren

Darren? Si peste na naman? At pano niya nakuha yung number ko?

hello Miss Tumba andyan ka pa?

hoy peste, pano mo nakuha yung number ko ha?

hiningi ko sa mama mo, nakasalubong ko kase siya sa mall kanina, tinanong ko kung bakit hindi ka nila kasama, madami ka daw namiss na school works kaya ka nagpaiwan sabi niya

at kelan ka pa naging imbistigador aber? tsaka anong kelangan mo? marami akong importanteng gagawin

gusto mo ba ng tulong? pwede kita tulungan sa kung ano man yang ginagawa mo, wala din naman kase akong magawa

Tulong? Nag-ooffer siya ng tulong?

hmmm

sige na, wag ka na mag isip, andito na din naman kase ako sa labas ng gate niyo

Labas ng gate? Tumayo ako at sumilip sa bintana . Aba! Andun nga sa tapat ng gate yung kotse ni peste. Papasukin ko kaya? MAtulungan kaya ako nito? Ano ba naman yan. Ang sakit sakit na ng ulo ko dumagdag pa siya. Bwisit!

teka, bubuksan ko yung gate, hiyang hiya naman ako sayo eh.

sige. Thank you

*toot*

Bakit kaya yun ganun? Bigla bigla susulpot akala mo naman kabute. Hmmp!

Lumabas na ako at pinagbuksan siya ng gate. Si peste ngiting ngiti pagbaba ng kotse niya. Inirapan ko na lang baka isipin niya close kami pag nginitian ko din siya. Pinapasok ko na din sa loob habang sinasara ko yung gate.

"teka magtitimpla ako ng juice" sabi ko

"ito oh pasalubong ko sayo Miss Tumba" sabay abot ng red ribbon na box

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon