Chapter 21

1.9K 57 2
                                    

Athena

It's been a month. Yes, I accepted the condition of Mr. Villacruz. I took it as a challenge. First time ko din naman kaseng mag-oorganize ng event, and take note one of the biggest event of the Philippine business world at first time ko din magiging model.

"Athena, are you ready?" Tanong ni Kayla, ang Project Manager ng Cosmetic Team ng Villacruz enterprise.

"O-opo"

"Inhale, exhale. Everything will be fine" Tinap niya ako sa likod. "Okay, we'll begin in 10 minutes"

After 10 minutes ..

"Athena, move your face a bit to the left abd give me a fierce look" Ginawa ko ang sinabi niya. "Awesome baby"

"Oh my god ang gwapo niya" Hindi ko sinasadya pero 'matic akong napalingon sa taong kakapasok lang sa pinto. I know the person, parang nakita ko na siya. I just don't know where.

"You are late Darren" sabi ni Migs.

Darren? Si Darren tong gwapong nasa harap ko? Pano to nangyari eh kahapon kasama ko lang siya.

"Sorry, got myself in a traffic" Niyakap niya si Migs. "So where should I go?"

"Beside Athena" Tinuro niya ako. "Baby girl you can shut your mouth now." Natatawang sabi niya.

Kanina pa ba akong nakanganga? Nakakahiya!

"You okay?" Umupo siya sa tabi ko.

"No.. I mean yes. Wh-what happened to you? Why did you cut your hair short?"

"For a change"

"Eyes on me now lovebirds" Feeling ko namula ako sa sinabi ni Migs. "Athena, put your right hand below your chin, face to the left. Left shoulder in. PERFECTO!"

Para akong nafroze sa posing ko. I saw Darren looking at me. Yung tinging hindi tinatanggal. Naramdaman ko na lang yung kamay niya sa bewang ko.

"He's only asking for a fierce look from you. Don't be stiff. Relax. This is work for us." Bulong ni Darren.

"I love it. Freeze"

Migs, no need for that word. I'm already frozen. Ang gwapo ni Darren sa short hair niya. Pwede na akong higupin pailalim.

Ilang shots pa ang ginawa namin. Meron nakatayo ako pero nakalean yung right elbow ko sa left shoulder ni Darren at nakatingin kami sa isa't isa. Meron din nakaupo ako sa lap niya facing right habang yung right arm ko ay nakaakbay sa leeg niya.

"Awesome lovebirds. Thank you for today" Pagdismiss ni Migs sa photoshoot namin. Parang pakiramdam ko hindi ko na kakayaning tumayo pa. Nanginginig ang tuhod ko.

"Tara. Libre kita sa Kfc" Pag-aaya ni Darren. Tumango lang ako at tumayo na. "Oops!" World stop. Our lips are just half an inch away from each other. I don't know what to do. For the nth time I was frozen.

Nakita ko na lang na may flash.

"Love it. This will be the cover of the magazine" Reality hit us ng magsalita si Migs.

"So-sorry" Nauutal na sabi ko pagkatayo ko mula sa pagkakahawak ni Darren sakin.

"Lampa ka pa din"

"Sana hindi na lang ako nagsorry. Halimaw ka" Pumunta na ako sa dressing room.

"Uy joke lang. Ito naman hindi mabiro"

"Tse! Bahala ka mag-Kfc mag-isa"

"Grabe ka sakin Athena"

"Talaga"

"Samahan mo na ako"

"Ayoko"

"PERVERT!" Bigla ba namang dumungaw sa dressing room ko.

"Masakit yung pagkakatama ng suklay sa ulo ko ah. Ang gwapo ko pa naman."

"Manyak! Pervert! Grr"

"Namiss kong tawagin mong pervert. Dyan tayo nagsimula eh" Natahimik ako sa sinabi niya. "Athena natahimik ka?" Mas pinili ko na lang na hindi umimik.

Ilang minuto lang ay natapos na ako magbihis.

"Sasamahan na kita sa Kfc, nakakaawa ka naman"

"Yes! Tara" Sa sobrang excitement niya nayakap niya ako. Again, I am frozen. "Ay sorry Hehe" Napapakamot na sabi niya.

Sumakay kami sa kotse niya. Pinili naming magsound kesa mag-usap. Sinabi ko kase sa kanya na gusto ko magpahinga.

Ilang minuto lang ang naging byahe namin. Medyo madaming tao sa Kfc since Sunday, family day.

"What do you want? Chicken? Spaghetti? Orange?"

"Lahat ng binanggit mo. I'll look for a table upstairs"

"Sige"

Nakahanap ako ng table for two sa bandang sulok ng lugar. Habang hinihintay siya kinuha ko ang phone ko at nagmessage sa viber ni Mika. Natatawa na ako sa conversation namin ng bestfriend ko dahil inaasar niya ako na magkakabalikan kami ni Darren.

"Well, well, well. Look who's here. Athena how are you?" Nalalingon ako sa nagsalita at automatic na kumunot ang noo ko nang malaman ko kung sino. "Masarap bang maghintay ng food alone? Ilang buwan ka na nga bang single?"

"Since when did you become my follower and stalker Mindy?" Mataray na sagot ko.

"Hindi mo ko follower at mas lalong hindi ko gugustuhin na istalk ka. Pathetic"

"You are pathetic. How does it feel na mamalimos ng atensyon ng taong mahal mo? Mas nakakaawa ka" Nakita ko si Darren na palinga linga. "Oh here's MY DATE" Kinawayan ko si Darren at napalingon si Mindy sa direksyon na kinakawayan ko.

"What are you doing here Mindy?" Taong ni Darren habang ibinababa ang pagkain sa table namin.

"Darren? What happened to your hair? Why did you cut it short?"

"Let me answer. It's because of ME" Akmang sasampalin ako ni Mindy pero nasalag ni Darren.

"Wag na wag mong sasampalin si Athena. At tama siya dahil sa kanya kung bakit ako nagpagupit dahil ayokong may ibang ipartner sa kanya"

Totoo ba ang sinasabi niya? Kaya ba siya nagpagupit kase gusto niya magmukhang lalaki para siya ang maging partner ko?

"Let's eat" Bigla akong bumalik sa kasalukuyan.

"Si Mindy?"

"Umalis na. Kain na tayo" Tumango lang ako at kumain na kami ng tahimik.

Pagkatapos kumain ay hinatid lang niya ako sa bahay at umalis na din.

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon