Chapter 28

1.7K 46 1
                                    

Dedicated to : ALL THE SILENT READERS

Mika

Kasalukuyan kaming nasa Robinson ni Athena. Actually kasama namin si Kris at Mich kaso humiwalay sila saglit para makapagbonding naman daw kaming magbestfriend.

Huli ata naming pagsashopping na magkasama ay nung nilibre kami ni Kuya Achilles. Hays

"Lalim nun ah?" Puna ni Athena. "May problema ka?"

"Wala. Naisip ko lang ang dami na palang nangyari noh?" Kumunot ang noo nito. "I mean dumating yung point na nakakilala tayo ng ibang tao, naging kayo ni Darren, then .. Basta" Napapakamot na lang na sabi ko.

"For whatever happened. Thank you for staying. You will always be my only bestfriend." Niyakap ako nito. "Here. Belated Christmas gift ko" Nginitian ko ito.

Pagkabukas ko ng maliit na kahon ay bumungad sakin ang isang singsing.

"Friendship ring Miks." Itinaas nito ang kanyang kaliwang kamay. " Para mawala man ako o san man tayo mapadpad. Maaalala mo ako"

"Parang luka to. May balak ka bang iwan ako?" Naiiyak na sabi ko. Umiling ito. "Salamat dito best" Niyakap ko siya ng mahigpit. "Teka! Papahuli ba naman ako?" Iniabot ko ang regalo ko sa kanya.

"Hello kitty robe and towel. Thank you. Thank you." Pinugpog ako nito ng halik at mahigpit na yakap.

(Message Alert)

From : Kris

Tapos na kayo? Meet us in the parking area. Wing B. Facing east. Take care.

To : Kris

Okay. Ingat din.

"Tara?" Pag-aaya ko kay Athena. Magkahawak kamay kaming pumunta ng parking lot. Kanina ko pa napapansin na medyo hinihimas nito ang kanyang braso. "You okay?" Tumango lang ito. "Sigurado ka?"

"Medyo kinabahan lang ako sa hindi ko malamang dahilan pagkalabas natin sa mall pero okay lang ako." Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Pakibigay ng mga regalo na to sa kanila ah"

"Best? Ano bang sinasabi mo?" Napaatras kami pareho ng may kulay pink na van na tumigil sa harap namin. Nagsibabaan ang mga nakamaskarang lalaki na nagtataglay ng bruskong katawan.

Hinila ng mga ito si Athena. Hinila ko siya pagbalik.

"BITAWAN MO KO! BITAW SABI EH!"

"ANONG KELANGAN NIYO SA BESTFRIEND KO?"

"MANAHIMIK KA!" Hinampas ko ito ng mga paper bags na dala ko. "Argh! Wag mo kong pikunin!" Nagpupumiglas pa din si Athena habang hawak siya ng isang lalaki.

"ANO BA! BITAWAN MO --"

Pak!

Isang malakas na sampal ang dumampi sa mukha ni Athena.

"ANG KAPAL NG MUKHA MONG SAKTAN ANG BESTFRIEND KO"

"Patulugin ang pakelamerang yan" Sigaw ng isang boses sa walkie talkie na dala nung lalaki.

"Bitawan mo ko" Pagpupumiglas ko.

"Hoy! Bitawan mo ang bestfriend ko. Ano bang kelangan niyo sakin" Paiyak na tanong ni Athena.

Pak!

Isa muling sampal ang dumapo sa mukha nito. Nakita kong tumulo ang luha niya at may pinaamoy ang lalaki dito dahilan para makatulog ito.

Bogsh!

Mabigat ang kamao na dumapo sa kamay ko.

Bogsh!

Wala itong awa.

"HOY!!!" Narinig kong sigaw ng pamilyar na boses at kasunod nun ay harurot ng sasakyan. "Mika! Mika!"

Then everything turned into darkness.













Nagising ako na may nakahawak sa kamay ko at madaming boses ng mga tao pero hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila. Nasan ako? Gumalaw ang kamay na nakakahawak sa kamay ko.

"My baby!" Bulalas ni Mommy ng makitang gising na ako. At pupungas pungas naman ang nakahawak na tao sa kamay ko.

"You're awake" Sabi ni Mich after nito mag-unat. "Kamusta ka na?" Nagkasabay pa sila ni Mommy sa pagtatanong.

"Medyo masakit ang tyan ko." Biglang naalala ko ang nangyari at nag-unahan na sa pagtulo ang luha ko. "Si Athena po?" Yumuko lang si Mich. "Mich? Si Athena nasan?"

"Hindi pa mahanap si Athena."

"Hindi mahanap? Bakit? Sino ba yung mga kumuha sa kanya? Gano na ba ako katagal dito? Hanapin natin siya Mich, Mommy?"

"Shh baby" Pag-aalo sakin ni Mommy. "24 hours kang tulog pero wag ka mag-alala tungkol kay Athe--"

Hindi na naituloy ni Mommy ang sasabihin dahil dumating si Darren kasunod ang mga barkada nito.

"Mika, namukhaan mo ba ang kumuha kay Athena? Eh yung plate number ng van nakuha mo ba? Bakit daw nila kinuha si Athena?"

"Dude! Traumatic din para kay Mika ang nangyari kaya pede hinay-hinay sa pagtatanong?" Saway ni Mich.

"Sorry"

"Hindi ang sagot ko sa lahat ng tanong mo Darren. Nakita ko lang na.." Nakita kong naghihintay sila ng kasunod na sasabihin ko. "Nakita ko lang na sinampal siya nung lalaki ng dalawang beses"

"PUTCHA!" Gigil na sigaw ni Darren. "Magbabayad ang gagong yun" Yun lang at dire-diretso itong lumabas ng kwarto.

Hindi ko na napigilang humagulgol.

"Kung..kung sana ay ako na lang. Huhu. So-sorry guys hindi ko natulungan si Athena. Hindi ko natulungan yhng bestfriend ko. Sana ako na lang yung kinuha nila"

"Shh" Pag-aalo ni Aya. "Insan alam natin pareho na mas gugustuhin ni Athena na siya yung masaktan kesa ikaw. Alam mong hindi niya gugustuhing baliktarin ang nangyari. Tahan ka na. Soon we will have her back." Yumakap ako dito. "Pahinga ka na. Pinaghahanap na ng mga pulis ang may gawa nito. Iaupdate ka namin"

Tumingin ako sa kanilang lahay na andidito sa loob ng kwartong to. Mas malala pa sa biyernes santo ang mga mukha nila.

"Pikit ka na baby. Achilles will be here soon."

Nagpasya na akong pumikit at magpahinga.


So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon