Chapter 63

1.8K 56 4
                                    


Athena

Nung isang araw ko pa iniisip kung pupuntahan ko ba si Mr. Montoya sa address na nakalagay sa calling card niya. Nabubwisit akong araw-araw siyang may pinapadala sa bahay. Laruan, bulaklak at pagkain. Ano wala na ba akong pangbili ng mga bagay na yun para sa anak ko?

Knock! Knock!

"Come in." Pumasok si DD sa loob ng kwarto. Ngayon na lang uli ito pumasok sa kwarto namin simula nung pagalitan ko ito nung linggo.

"Mommy I am so sorry. I didn't mean to make you upset. I just want to see my Dad." Kung magsalita ito ay parang hindi ito 6 na taong gulang.

"Come here." Itinuro ko ang space sa tabi ko. "I know that you wanted to see your Dad and I'm not depriving you from that but baby there are some complications that I need to fix before I can allow your dad to be part of your life." Kumunot ang noo nito. "I can't explain it because you wouldn't understand. Just remember that all I ever wanted is to give you the best of everything even if it means losing mine." Hinagod ko ang buhok nito.

"Did you ever love my dad?" Niyakap ko lang ito. Ayoko syang saktan kaya hindi ko sasagutin ang tanong nito. "Mommy don't cry. I won't ask anymore. I love you."

"I love you more. I love you more than anything or anyone else in the world." Patuloy lang ang pagpatak ng luha ko. Nasasaktan akong kailangan maranasan ng anak ko ang lahat ng ito.  "Get up. Let's eat our breakfast because mommy needs to go somewhere." Tumango ito at naglakad na kami papunta sa dining room.

Pagkatapos kumain ay nagpaalam na ako sa mga ito na may pupuntahan lang. Decided na akong puntahan ang taong dahilan kung bakit nasasaktan ang anak ko ngayon.

"Ma'am sigurado po kayong ayaw nyong ipagdrive ko kayo?" Umuo lang ako sa tanong ni Celso. Siya ang driver na kinuha ni Kuya para daw mamonitor niya kung may umaaligid sakin.

Sumakay na ako at nagdrive papunta sa office ni Mr. Montoya.

"Excuse me Miss. I am looking for Mr. Zachary Montoya." Tanong ko sa receptionist.

"Do you have an appointment with the CEO, Ma'am?"

"No. But tell him that Athena Nicole Hernandez is looking for him." Tumango ito at may kinausap sa telepono. Patingin-tingin din ito sakin.

"Okay na po Ma'am. 38th floor po then you will see his room. That's the first room on the right side. Take care Ma'am." Nagpasalamat ako dito bago sumakay ng elevator.

Tinitimbang ko kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Galit? Takot? Pero wala akong makapa na kahit ano. Ang iniisip ko lang ay kailangan kong harapin ang tao na ito na nagbabadyang maging dahilan ng pagkasira namin ng anak ko.

Ting!

Nandito na ako. Inhale. Exhale.

May pangalan naman pala sa pintuan nito. Kumatok ako at may nagbukas ng pinto. Isang mala-Adonis na mukha. Pwe!

"Have a seat." Nakangiting sabi nito. Tiningnan ko lang ito. "Oh okay. I guess you prefer to stand."

"I am not here to play games with you Mr. Montoya. I am here for my daughter." Madiing sabi ko dito.

"OUR daughter. Anak natin dahil hindi maipagkakaila na ang anak mo ay anak ko din. Mata pa lang kitang-kita nang isa siyang Montoya." 

"Anak ko lang. Akin lang. At kahit kailan sisiguraduhin kong hinding-hindi ka magiging parte ng buhay ng anak ko. Wala siyang amang rapist." Natigilan ito sa sinabi ko pero agad ding nakabawi.

"Biktima tayo pareho ng pangyayari. Nagising ako at nakita kita sa tabi ko. Walang saplot ni isa at narealize kong ganun din ako. I wanted to carry you out of that warehouse. I wanted to save you but all guns are pointing at me. And from that time hindi na ako mapakali."

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon