Chapter 17

2K 52 1
                                    

Athena

Isang buwan simula nung makipagbreak ako kay Darren . Nakikita ko siya sa university, nakakasama ko siya minsan pag nagyaya ng lakad yung barkada niya at palagi niyang kasama si Mindy. Nalaman ko din na first love niya si Mindy, 3 years na silang hindi nagkikita kase nagpuntang Germany si Mindy. Pero yung ex gf niya 3 years ago si Margaret. I'm started to get used to seeing them sweet kahit masakit sa dibdib.

Andito nga pala ako sa mall mag-isa, may rehearsal kase si Mika tapos si Mich may inaasikaso sa bar nila kase magfirst anniversary na daw yun.

"Athena?" napalingon ako sa nagbanggit ng pangalan ko. Si Leah pala.

"Oh hi Leah, ngayon lang uli kita nakita" nagbeso siya saken.

"Yup, I stayed in L.A. Bakit mag-isa ka?" siguro hindi pa niya alam na wala na kami ni Darren. May isa pang babae na dumating, namumukhaan ko siya pero hindi ko maalala. "Si Kris, you remember her?" umiling ako.

"Hindi niya ako maaalala pinsan, mahaba pa ang buhok ko nung una niya kong nakilala" yun tanda ko na siya yung nagsabing ang ganda ng gf ni Darren nung anniversary nina Aya. "Kris nga pala" inabot niya ang kamay niya at tinanggap ko naman ito.

"Athena" sagot ko.

"Buti pinayagan ka ni Darren maggala mag-isa" sabi ni Kris.

"Wala na kami, isang buwan na"

"Seriously??" sabay nilang tanong.

"Yes, Hehe" tumalikod ako kase naiiyak pa din ako pag sinasabi ko sa iba na wala na kami.

"Sama ka samin, gala tayo" yaya ni Leah.

"Next time na lang. Uuwi na ako baka hinahanap na ako ni mama"

"Sige pero hatid na kita" offer ni Kris. "I won't take no for answer"

"Inunahan mo na ako may magagawa pa ba ko? Haha"

"Pano pinsan una na kami" tinapik niya si Leah.

"Ingatan mo yan ah" binatukan nito si Kris. "Ingat Athena" niyakap niya ako. "Kakalbuhin ko yung dahilan ng break up niyo" bulong nito at ngumiti lang ako.

Naglalakad na kami palabas ng mall nang makasalubong namin sina Darren at Mindy, ang sweet nila. Nakahawak sa bewang ni Mindy si Darren tapos si Mindy nakakapit sa braso ni Darren.

"Hi Darren" bati ni Kris. Sarap sabunutan nito, siya pa talaga ang unang nag hi.

"Hello Tol, kelan ka pa nakabalik at nagpagupit?"

"Yesterday lang kasabay ko si Leah pero nagpagupit ako sa L.A."

"Nice, asan ang mga pasalubong namin?"

"Nasa ref ng resto ni Aya. Haha" siniko ko si Kris at tinaasan ng kilay. "Pano una na kami ihahatid ko pa si Athena" tinapik niya sa balikat si Darren. Nakatungo ako hanggang malampasan namin sila. "Pag ganun ang eksena, never let your enemy see that you are weak, they will enjoy it" tumunghay ako.

"I want to go somewhere" bigla kong nasabi.

"Masakit pa din ba dito?" tinuro niya yung puso niya at tumango ako. "Wala ako nung naging kayo hanggang sa magbreak kayo at alam kong wala akong karapatan husgahan ang kahit na sino sa inyo pero pwede naman magcomment diba?" tumango lang ako. "Ang tanga ni Darren para balikan si Mindy, tara gala tayo" napangiti naman ako kase kampi siya saken.

Nagpunta kami ni Kris sa isang ice cream shop. Dito daw siya nagpupunta pag stressed siya o galit siya.

"Good morning Ma'am Kris, ganda ng bagong girlfriend mo ah" bati nung isang lalaki. Nagkatinginan kami ni Kris.

"Kuya Ian hindi ko gf yan"

"Akala ko lang, hehe."

"Si Athena pala Kuya" nagwave lang si Kuya Ian at nagpaalam na si Kris na maghahanap muna kami ng masarap na flavor. "Strawberry or cookies and cream?" tanong niya.

"Pwede pareho?" napakunot siya. "Parehong favorite ko yung tinanong mo"

"Okay sige. Basta uubusin natin ah?" nagthumbs up ako sa kanya.

Binigyan niya ako ng half gallon na cookies and cream at half gallon ng strawberry. Tahimik kami habang kumakain.

"Ma'am Kris, yung dealer ng double dutch bukas pa daw po darating" sabi nung babae na lumapit.

"Sige hayaan mo na Terry" tumango yung Terry at umalis na din.

"So ikaw ang may ari nitong ice cream shop?"

"Oo, tinayo ko to kase mahilig ako sa ice cream"

"Anong pangalan ng shop na to?"

"Frozen Mouth"

"Ang pangit ah. Haha. Ano nga kase?"

"Ice creamazing"

"Pwede na" sumubo na uli ako.

"Sino nakipagbreak?" muntik na akong mabulunan. "Haha sorry hindi ko sinasadya"

"Abnormal ka, sa susunod itatiming mo ah?" tumango siya. "Ako ang nakipagbreak? Wag mo na ko tanungin kung bakit, masarap yung ice cream kumain muna tayo" tumango na uli siya at sumubo ng ice cream.

"Tara hatid na kita" sabi niya after kong maubos yung ice cream. "Takaw mo pala sa ice cream"

"Oo nga noh? Haha. Tara na nga" naglakad na kami palabas ng shop niya. Inalalayan niya akong umakyat sa kotse niya. "Salamat sa pagkain ah? Nag enjoy ako" sabi ko ng may ngiti.

"Pano mo nakakayang makita sila without saying anything against them?" Tanong niya tsaka inistart ang kotse.

"Sa buhay hindi palaging aayon satin ang panahon. Oo masakit, sobrang sakit na makita silang sweet at naglalambingan, palagi kong sinasabi sa sarili ko na ako dapat yun at hindi siya pero anong magagawa ko kung yung taong gusto ko makasama forever, pinapatunayan yung forever kasama ang iba?" Nag abot siya ng panyo. "Haha umiiyak na pala ako, sorry ah?" Ngumiti siya at ibinalik ang tingin sa daan. "I want Darren back pero wala akong lakas bawiin siya kaya ganito na lang ako , tahimik at nakayuko pag nakikita sila" nagpunas ako ng luha. "Alam mo bang dapat 2nd monthsary namin? Haha." Hindi ko na napigilan yung luha ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Naramdaman kong tumigil ang sasakyan. "Bakit mo itinigil?"

"Gusto kong iiyak mo lahat bago kita tuluyang ihatid." Tumingin lang ako sa kanya. "Iniwan ka man ni Darren, andito pa din ang barkada namin. Mahalaga ka samin Athena" Niyakap ko siya bilang pasasalamat sa presence niya. Nanatili lang akong nakayakap sa kanya habang umiiyak tapos hinahagod niya ang likod ko. "Sige iyak pa"

"Okay na ako" ngumiti siya at nagsimula na uling magdrive. "Pasok ka muna" sabi ko ng makarating kami sa bahay.

"Hindi na, magpahinga ka ah" humalik siya sa pisngi ko at bumaba na din ako.

"Salamat Kris, ingat sa pagdadrive" nakapasok na ako sa gate nung umalis siya.

"Athena" hindi man ako lumingon alam ko kung sino yung nagsalita. "Athena" ulit niya tsaka ako humarap.

"Anong kelangan mo?" Tanong ko kay Charles.

"Nabalitaan ko yung nangyari sa relasyon niyo" malumanay na sabi nito.

"Kung andito ka para pagtawanan ako. Go! Pero pagod ako Charles" nilampasan ko na siya

"Sige mag usap na lang tayo sa susunod na araw. Pahinga ka na" narinig kong nagclick yung gate namin ibig sabihin nakalabas na siya.

"Ma, I'm home. Papahinga na po ako" sigaw ko tsaka pumasok sa kwarto.

.....................

Anong pakana ni Charles at anong role ni Kris sa kwento ngayong nakabalik na siya. :)

Merry Christmas :*

So It's YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon