Chapter 9

141 6 0
                                    


CHAPTER 9

A WEEK had passed after that conversation with Rush, hindi ko na siya nakausap pa ulit. I missed him as hell!

Hindi man lang ito tumawag sa akin kahit isang beses. I understand that it is his mother who needs him pero hindi naman yata excuse na hindi nito mahawakan man lang ang cellphone at itext sa akin na ayos lang siya o ano.

Asshole!

Itiniklop ko ang librong kunwari ay binabasa ko kanina. Kahit anong focus ko sa mga binabasa ko, talagang hindi ko magawang maintindihan ito. I want to go home! Masyadong maraming naglalaro sa isipan ko para mag-aral. I was about to get my bag when Lara came to me.

"Sa'n ka pupunta, bes?"

"I want to go home."

"What? May klase pa tayo, ah?"

"The hell I care! Pagod na pagod na talaga ang utak ko kakaisip sa kung ano na nga talaga ang nangyayari sa Rush na 'yun! Naiinis na talaga ako, Lara."

Lara held her chair and sat in front of me. "Alam mo, ang laki talaga ng problemang dala nang abo na 'yan e! Dati, sinaktan ka niya, ngayon naman, sinaktan ka na naman niya ulit. Hiwalayan mo nalang kaya?"

My eyes automatically widened as I heard what Lara said. "No way! Tsaka ngayon ko nga lang pala ito nalaman, there's no divorce here in the Philippines, paano ko siya hihiwalayan? Tsaka baka naman nawala niya lang yung cellphone niya o ano kaya siya hindi makatawag."

"Bakit? Hindi ba pwedeng humiram ng cellphone sa mga kasama niya?"

"E baka walang signal doon."

Mahinang hinampas ni Lara ang mesa niya. "Kanina lang naiinis ka sa kaniya kasi hindi siya tumatawag. Then now, you are actually saving his ass off. Seriously, Ryl? Ano na talaga ang nangyayari sa'yo?"

Tinakpan ko ang kanyang mukha gamit ang dalawa kong palad. "I really don't know what to do anymore, Lara. May nararamdaman talaga akong hindi maganda e... Something's really happening in here."

"Like what?"

"I don't know..."

"Aistt... Tigilan mo na nga 'yan! Don't go home, okay? Sasama ako mamaya sa'yo. I will sleep over your house mamaya, okay? Hindi na kita nakakasama lately. Miss na kita." She sweetly smiled at me.

Tumango lamang ako bilang tugon sa sinabi ni Lara.

It was a long long afternoon bago matapos ang klase. "Ryl! Lara! Sa'n kayo pupunta?"

Lumingon kami sa pinanggalingan ng boses and their we found Ashton. May ngiting nakapaskil sa mga labi nito habang papalapit sa aming dalawa ni Lara.

"Uuwi na kami. Ikaw?" Si Lara ang sumagot.

"Ows, pwede ko ba kayo ng ihatid?" Alok nito.

"Really?! Sure!" Excited na sambit ni Lara.

I interrupted. "Ahm, punta muna tayo sa mall, pwede? Ang boring kasi sa bahay eh. Wala naman tayong gagawin doon."

Lara's face lightened. "Well, that's a very good idea! I also want to do shopping."

"Pero delikado ngayon. Dapat sa loob nalang kayo ng bahay niyo. I know that you are aware of the spreading of the COVID-19, right? Tsaka hindi pa kayo naka mask." Sansala ni Ashton sa aming dalawa.

"E bakit ikaw? You are also not wearing any mask naman ah?" I murmured.

"Hindi ako nahahawa nang basta-basta. My immune system is perfect. Palagi akong kumakain ng orange. At saka palagi rin ako naliligo kaya huwag kayong mag-alala, that COVID never feared me." Mahina itong natawa sa sariling sinabi.

'Til Forever, My Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon