Chapter 1

482 10 0
                                    

HINDI ko mapigilang mapairap nang makitang umiiwas na naman ang mga kaklase ko. Sanay na ako rito. Natatakot sila na baka raw mahawa sa sakit ko kahit imposible namang mangyari 'yun. Sa school namin, si Ashton lang talaga ang nakakausap ko. Walang nagtangkang makipagkaibigan.

Naglalakad ako ngayon sa harap ng locker room at nang nasa harap na ako ng pintuan ng isang office, bigla na lamang akong natumba nang bumukas ito ng marahas. Napahawak ulit ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. Nang mag-angat ako ng tingin, nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking basta basta nalang akong hinalikan kahapon. Tila ba natauhan din ito at nanlaki din ang mga mata.

"Ikaw?!" The two of us said in unison. Nilakasan ko ang kanyang loob ko at hindi ininda ang pagkahilo. I stood up and glared at the guy.

"Kita mo nga naman. Ang unggoy na humalik nalang nang basta basta sa akin ay dito din pala nag-aaral." Tumaas ang gilid ng labi nito.

"Still not moving on, huh?"

"Ha! Mukha mo! That was my first kiss! You think that I will just forget it like that?! That was supposed to be for my first boyfriend! But you ruined it!" Dinuro niya ang lalaki.

"Well, I have something to say. Para naman hindi masira ang plano mo para sa first boyfriend mo. Simula ngayon, you are my girlfriend and I am your boyfriend." Hindi ko mapigilang mapasinghap sa narinig.

"Walang hiya ka talaga! Dictionary ba 'yang mukha mo? Kasi ang kapal e!"

"May gana ka pa talagang tumanggi e noh? Sa gwapo kong 'to? Tsk. Ano bang pangalan mo?" Huminahon ako at taas noong hinarap ang kausap.

"Ryl Zennia Evans." Nagkibit-balikat ito.

"Rush. Rush Gabriel Gray. And I'm your boyfriend, from now on. At ako ang maghahatid sundo sa'yo simula ngayon."

"Teka! Pumayag na ba akong maging girlfriend mo? At sa pagkakaalam ko, ngayon palang tayo nagkakilala. Paanong magiging magjowa na tayo? At wala naman akong gusto sa'yo. So back off!"

"Kung wala kang gusto sa'kin, huwag kang mag-alala dahil ako rin naman." Kumuyom ang kamao ko.

Is he playing with me right now?!

"Kung ganoon bakit mo ginagawa 'to?"

"Trip ko lang." Napasigaw ako sa inis.

"Bahala ka nga sa buhay mo!" Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad na ako papunta sa classroom namin. Being a college student is really a difficult thing. HRM ang kinuha kong kurso dahil gustong-gusto kong 'yung nagluluto katulad ni Tita Violet. Habang naglalakad, may narinig akong yabag mula sa likuran.

"What the— Anong ginagawa mo rito?!" Sigaw niya kay Rush nang makita itong nakasunod sa akin.

"Doing my responsibility as your boyfriend. I am guarding you, you know. Baka may umaligid sa'yong lalaki riyan." He even smirked!

"Iba rin 'yung trip mo eh, noh? Para kang sira." Nasabi ko nalang.

Nang makapasok na talaga ako sa classroom, napatakip ako sa tenga nang nagsigawan ang mga kaklase ko. What the hell is happening?

'Oh my God! What is he doing here? 'Diba engineering ang kinuha niyang kurso? Don't tell me he switch his course here to see me?! Oh my God, mahihimatay na yata ako!'

'Hoy huwag kang feeling! Ako kaya yung sinundan niya dito. Baby, marry me!'

And the SCAM award goes to.... These bitches!

Ilan lang ang mga linyang iyon sa mga naririnig kong sigawan. Talagang nag switch pa talaga ng kurso! Padabog siyang umupo sa upuan ko. Mabuti nalang at may nakaupo na sa magkabilang gilid niya. Dumiretso si Rush sa likuran ko at doon ito umupo. Ilang sandali pa ay dumating na rin si Professor Jaictin. Hindi niya mapigilang magkuyom ng kamao nang may umihip sa buhok niya mula sa likuran. Feeling close!

'Til Forever, My Love (On Going)Where stories live. Discover now