Chapter 20

105 5 0
                                    

Chapter 20

"Nasabi mo na ba sa kanila, Ryl?" Tanong ni Lara sa akin na ngayon ay nakatutok lang sa laptop nito.

I looked at her. "No. I want to tell them but it's like somethings stopping me from doing it. Para bang hindi pa ito yung tamang panahon. Lalo na kay Rydel." I said after sighing.

"Paano mo naman nasabi 'yun?"

I shrugged. Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair bago malalim na bumuntong-hininga ulit. "I don't know."

"Is it because of Rush?"

Awtomatikong napalingon ako sa kaibigan ko. I looked at Lara curiously. "H-huh?"

Lara showed a smirk.

"I know it's because of him. Alam ko ring sekreto kang nakikipagkita sa lalaking yun. Paano ko nalaman? Simply because I was also in Clarin yesterday. I saw you coming out from an unfamiliar house there. Tapos nung nagtanong ako kung kaninong bahay yun, pangalan ni Rush yung binanggit."

Nanlaki ang aking mga mata sa sinabi nito. "Anong ginagawa mo roon?!"

"Woah! Bakit? Ikaw lang ba yung pupwedeng magkalove-life? Syempre ako rin!" Natawa pa ito ng mahina.

Napailing ako, "Then why didn't you approach me?"

"I was about to. Pero ang bilis mong nakasakay sa taxi."

That's right. Nagtaxi lang ako pauwi dahil natatakot akong baka makita ako ng ibang taong kasama si Rush. Pero nakita naman pala ako ni Lara. Useless lang din.

"I think it's really him, Lara. Natatakot akong sabihin sa kanilang nakakaalala na ako dahil baka ilayo nila ako kay Rush. I know I still don't know the truth behind those pictures, pero alam kong hindi magagawa ni Rush yun sa'kin. That's my thought. Pero paano sina mommy at Papa? Si Rydel? Baka kung anong gawin nila sa kanya. Rydel hates him so much."

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan." Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Lara.

She's right. Hindi ko malalaman kung hindi ko susubukan. I cleared my throat and closed my laptop. "Let's go eat something downstairs."

Lara chirped at that. Nauna pa itong maglakad papunta sa pintuan. But what surprised us the most is that when we opened the door, I saw my mom looking at me intently. Hindi ako nakapagsalita kaagad nang makita ang aking ina. Hindi ko mabasa ang mga mata nito.

"M-mom..." I mumbled.

"Nakakaalala ka na?" Hindi ako nakasagot. Napayuko lang ako. Lara's also just beside me, watching us. "Kailan pa, Ryl?"

Kinagat ko ang pang-ibabang labi.
"L-last week lang po, Mommy..."

"And you never bothered telling us?" Hindi makapaniwalang tugon nito.

"M-mom, I can explain naman po eh—"

"Ryl Zennia, bakit hindi mo sinabi kaagad?! Wala ka bang tiwala sa amin, anak? Sa akin? Hindi namin ilalayo sa iyo si Rush dahil asawa mo parin siya kahit bali-baliktarin man natin ang mundo. You two are married and you should be together. Pero bakit kailangan mong itago sa amin na nakakaalala ka na? I should be happy with that very big news right now!" My mom said.

"N-natatakot po ako, mommy. Lalo na kay Rydel. He was so overprotective to me. Baka anong gawin niya sa asawa ko." Kinakabahan kong turan.

"Your brother is not that immature, Ryl. He knows what he is doing. Kung ano man ang mangyari, harapin mo yun. Harapin niyo. Mag-asawa kayo kaya sabay niyo dapat resolbahin ang problema niyong dalawa."

'Til Forever, My Love (On Going)Where stories live. Discover now