Chapter 2

258 10 0
                                    


Let's kill this love! Yeah yeah yeah yeah yeah! Rum pu pum pu pum pupum! Let's kill this love! Rum p-

Agad kong pinatay ang cellphone ko. Napangiti ako nang marinig na naman ang bagong album ng paborito kong kpop girl group. Blackpink. When I was diagnosed in brain cancer, I didn't bothered talking to anyone. Wala akong ibang ginawa kung hindi ang sundan ang bawat galaw ng idols ko through instagram, twitter, etc...

Dali dali akong naligo nang makitang alas otso na pala. Nang matapos akong magbihis, muntikan na pa akong mahulog sa hagdan dahil sa pagmamadali. Mabuti nalang at nakakapit ako sa railings.

"Ryl! What's going on? At bakit ka nakauniform?" Doon ko na narealize na sabado pala ngayon. That was humiliating! "Ikaw talagang bata ka. Bakit namamaga 'yang mga mata mo? May nangyari ba sa'yo?"

I stilled. "Wala po Papa. Nanaginip lang ako ng masama kagabi."

"Anak, you don't need to lie to me. Hindi ka naman nananaginip ng masama e. Kung oo man, hindi ka naman iiyak ng ganyan... Did something happen between you and Ashton?" Naramdaman kong muli ang kaunting sakit sa dibdib. Hindi ko mapigilang takbuhin ang kinaroroonan ni Papa at niyakap ito ng mahigpit.

"Papa, I really give up. Hindi ko na kaya, Papa. Hindi ko naman siya masisisi kasi sa una palang, alam ko nang wala siyang nararamdaman para sa akin. Ang tanga ko Papa. Ang tanga tanga ko..." Napahagulhol ako.

"Sweetheart, marami ka pang makikilala diyan na pwede kang mahalin. Don't be too loyal to the person whom you know that you don't really have a chance. Did you get it?" Kapagkuwan ay napangiti ako sa sinabi niya.

"Hindi na muna ako magmamahal ulit papa. Siguro kayo nalang ang mamahalin ko. And my studies, of course..." Pinunasan ni Papa ang luha ng ko gamit ang kaniya mga kamay.

"I think that's not gonna happen. Pumunta ka muna sa kwarto mo at magbihis. You need to wear a formal dress because we are going to have a dinner. Kasama ang pamilya ng kababata namin ng Mama mo. You need to hurry."

Nalilito man ay sinunod ko na lamang ang sinabi niya at dali-daling bumalik sa kwarto at nagbihis.

Pinili ko ang isang off-shoulder na dress. May slit ito mula sa ibaba ng legs papunta sa paa. I braided my hair. Nagsuot din ako ng necklace na may pendant na infinity love. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I look very elegant. Habang tinititigan ko ang sarili kong repleksiyon, biglang sumakit na naman ang ulo ko nang may naglalarong imahe sa isipan niya.

I had an amnesia when I was five. I can't even recognize my own family but after a month, naalala ko na. With the help of my parents and relatives. Bago pa lumala ang sakit ko sa ulo, isinuot ko na ang color red heels na ibinigay ni Mama. Nang tuluyan na akong makababa, kumpleto na silang lahat.

"Hello there, princess. Blooming natin ngayon ah!" I kissed ate Bria in her cheeks.

"You're much prettier ate. No wonder kuya Logan loves you so much." Bulong ko pagkatapos ay natawa ng mahina.

When my gaze turns to see my brother, I was shocked when I saw Ashton. Katabi nito si Rydell. Nag-iwas ako kaagad ng tingin nang makitang nakatingin din ito sa akin.

"Let's go guys! Siguradong naghihintay na si Gareth ngayon." We all rode in our van. Nakarating kami sa isang malaking bahay at hindi ko mapigilang humanga. Maybe our house is big but this is bigger. Napakalinis at napaka elegante. Pangmayaman. Ni hindi ko man lang alam kung sinong pamilya ang nandito. Nang tuluyan na kaming makapasok, nandoon na ang pamilyang may-ari ng bahay.

"Gareth! Long time no see Pare! Hindi ka tumanda a!" Bati ni Papa sa isang lalaking pamilyar ang mukha. I am not sure but I think I've seen him before.

"Sige pare, upo muna tayo. Namiss ko nang makipagkwentuhan sa inyo." Agad kaming nagtungo sa dining area. Napakalaki ng mesang nasa harapan. Talagang kasyang kasya ang mahigit dalawang pamilya. "Hey, Bryle! Ipakilala mo naman itong mga kasama mo sa amin."

'Til Forever, My Love (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon