Chapter 5

199 4 0
                                    


CHAPTER 5

3rd person's POV

Hindi na alam ni Rush kung anong gagawin niya. Kanina pa siyang palakad lakad sa labas ng ER habang hinihintay ang paglabas ng doctor. Fuck that Ashton! Wala siyang karapatang saktan ang babaeng mahal niya. Hindi niya na alam kung nasaan na ito ngayon pagkatapos niyang  sirain ang mukha nito. Not literary.

"Fuck... Fuck.... Fuck!" Paulit ulit na sigaw ng ama ni Ryl. "This is all my fault! Hindi sana siya magkakaganito kung wala akong cancer e! Fuck!" Agad na lumapit ang isang doktora sa pwesto nila.

"Sir, I just want to clarify things. Tigilan niyo na hong sisihin ang sarili ninyo dahil wala ho kayong kasalanan. You do know that I am one of the doctor here in the Mateo Hospital ho holds your daughter's case. Base on my analysis, it is not all about you, Mr. Evans. Habang nasa sinapupunan pa si Ryl, maaaring may nangyari sa asawa ninyo. Baka nadulas siya or what. That is the cause why she's bearing this tumor." Nahigit ng ama ang hininga nito.

"Noong eight month palang sila sa tiyan ni Zia, she was slipped. Binalewala nga lang namin 'yun."

Napatango na lamang ang doktora. "That explains everything. Wala ho kayong kasalanan." She looks at her wristwatch. "Excuse me, I need to go to my another patient. Just wait for Dr. Zaikairel. Lalabas na din yun maya-maya."

Nang makalayo ang doctor, abot abot ang kabang naramdaman niya nang humarap ang ama ni Ryl sa kanya. "Iho, alam mo ba kung anong pinag-usapan ni Ashton at ni Ryl?"

Umiling siya. "Pinaalis ako ni Ryl nang dumating si Ashton, Tito."

"Ang sabi ng mommy ni Ashton, he was drunk. Ang hindi ko lang maintindihan, ay kung paano siya nakapasok sa school nang hindi napapansin ng mga security guard. At may hinala ako, na may nangyayari sa kanilang dalawa ng anak ko na sila lamang din ang nakakaalam. My daughter loved Ashton for a long time. At hindi ko alam kung ano na ang nararamdaman niya ngayon para sa binata." He is holding his breathe while listening to Ryl's father. Gusto niya itong patigilin. But he can't. Parang gusto niyang pakinggan ito.

"Rush, I'm begging you, please take good care of my daughter. Please... Madali lang namang mahalin ang anak ko e. Maganda siya at mabait." Nagulat siya sa sinabi nito.

"Sir, I want to confess." Kumunot ang noo nito. "I... already love your daughter." Hindi ito nagulat.

"Aasahan ko 'yan. Kasal niyo na sa makalawa. At sisiguraduhin namin ng daddy mo na magiging bongga ang kasal ninyong dalawa. And... Sorry to ask this, but, mahal ka din ba ng anak ko?"

Ilang segundo siyang natigilan. Naalala niya ang mga salitang binitawan nito kanina. She loves him too. "T-that's what she told me." Mas lalong lumawak ang ngiti nito.

"We're settled, then. Hindi imposible para sa inyo ang mapaibig nang ganoon kadali." Nalilito man ay tumango na lamang siya. Sabay silang napalingon sa pinto ng kwartong kinalalagyan ni Ryl nang bumukas ito.

"Doc, how's my daughter?"

"She's already stable. Napalakas ang pagkabagok ng ulo niya kaya natagalan kaming gamutin siya. We already injected a pain reliever kung sakaling magising na siya. Just please, get her away from this kind of situation kung hindi pa kayo handang ipaopera."

"Can I get inside?" He interrupted.

"Sure." Dali dali siyang pumasok sa kwarto. And there found the most beautiful girl in the world. With closed eyes. Parang sinasakal ang puso niya habang nakikita itong nakahiga. Why does she need to suffer like this?

Lumapit siya sa kama. Hinawakan niya ang kamay ng dalaga habang nakahilig ang baba niya sa kama. "Wake up, love." Hindi niya na namalayang nakatulog na siya sa ganoong pwesto. Naramdaman na lamang niyang may yumuyugyog sa balikat niya. He suddenly opened his eyes and looked at the person. His mouth is half-open when he saw that person.

'Til Forever, My Love (On Going)Where stories live. Discover now