TFE 49: Annual

Começar do início
                                    

“At anong klaseng mga ibedensya naman yang pinagsasasabi mo, abir?!”

Dahil dito'y kaagad na napatayo ang binata, at lumapit doon sa selda no'ng dalaga. May kinalukat siya mula sa kanyang bulsa, at inilabas ito. Pagkatapos ay ipinakita sa harapan ni Nicole.

At iyon ay mga litrato.

Napakaraming litrato kung saan makikitang naroroon siya, duguan, may mga hawak-hawak na mga patalim habang katabi lamang ang mga bangkay ng kanyang mga patay ng mga kaklase.

Isang bagay na halos hindi paniwalaan ni Nicole, dahil hindi naman talaga nangyari ang mga bagay na iyon. Isa siyang inosenteng tao!

“A--Anong...?! S--Sa'n mo nakuha yang mga yan?!” May halong panginginig sa boses ng dalaga, dahil sa mga magkahalong emosyong kanyang nararamdaman...

Officer Mike smirked...
“Oh diba? May mga ebidensya nga kami. Kaya kahit anong mga pagsisinungaling ang gawin mo, hinding-hindi yan tatalab! Huli ka na sa akto, Bladespawn!” Muling sunod-sunod na iniwika nito.

“Tinatanong kita!! Sa'n mo nakuha yang mga litratong yan?!” Muling bulyaw na naitanong ni Nicole.

“It doesn't matter,” sagot ni Mike.
“Malalaman mo rin yan once na nasa isang court trial ka na. For now, enjoy rotting in this mini-prison,” anitong muli, at pagkatapos ay muling bumalik sa kanyang inuupuan at kaayusan kanina.

“I'm telling you! Hindi nga ako yan! S--Siguro may nag-edit lang ng mga pictures na yan para maging kamukha ko! Someone's clearly trying to frame me! The real killer's still out there and all of my friends are still in grave danger! Please! Maniwala kayo sa'kin!” Muling sunod-sunod na pagpoprotekta ni Nicole sa kanyang sariling mga rason.

“Ano ba?! Sabi nang tumahimik ka na eh! Sawang-sawa na 'ko sa boses mo!” Galit na bulyaw lamang sa kanya ni Mike...

"Alam ng Diyos na inosente ako, kaya pakawalan mo na 'ko rito!!”

"Well, sorry dearie... pero sa mundong ito, wala nang inosente..." Sagot muli no'ng binatilyong pulis...

Nagulat naman si Nicole sa sinabi nito...

"Te--Teka.... Anong sinabi mo?”

“Bingi ka ba, o ano?”

“Sabi mo, dearie... Isang tao lang ang kilala kong mahilig bumigkas ng ganyan!”

"Ahh 'yon ba? Wala... Narinig ko lang na sinabi no'ng babaeng kumuha do'n sa papatayin mo na rin sana kanina para dalhin sa hospital. Naisip ko, parang ang cool i-immitate. Pa-mysterious mode eh. Hindi ba, dearie?” Sagot dito ni Mike.

"Oh shit, no! I almost forgot about Faye!”

"Gulat ka 'no?” Dahil alam mong may iba pa palang nakaligtas sa mga pagpatay mo? That means, mas mapapatunayan na talagang ikaw nga ang pumatay do'n sa iba! Do'n sa mga kaibigan mo!”

"Hindi! You don't understand! Kung nakaligtas si Faye, then that means nanganganib ang buhay niya ngayon! You idiot, you let the killer took her away! Kaya kailangan mo na talaga akong pakawalan dito!” Dahil doo'y muli lamang na nagpanik ang dalaga, na halos sirain na ang seldang kanyang kinalalagyan, ngunit kahit anong gawin niya'y talagang matitibay ang mga metal na nakakabit mula rito.

At hanggang ngayo'y hindi pa rin siya pinapaniwalaan noong pulis.
"Sorry, babe! Pero kahit anong gawin mo, talagang hindi na sa'kin tatalab yan! So please, enjoy your stay! Mag-kape lang ako saglit. Sweet goodbye, babe!” Sarkastikong huling mga sinabi pa ni Mike kay Nicole, at pagkatapos ay umalis na...

"NO! NO! TEKA! BUMALIK KA! PAKAWALAN MO 'KO RITO!”

+++

Sa may hospital naman, kasalukuyan ngang naroroon ang dalagang si Faye...

The Final ExamOnde histórias criam vida. Descubra agora