TFE 10: Flames of Burning Sins

1.8K 105 2
                                    

"Kasalanan mo toh!!" Galit na bulyaw ng ina ni Vince sa gurong si Zaira, matapos niya itong bigyan ng isang napaka-lakas na sampal.

"Ikaw ang naturang guro ng mga estudyante mo, pero ni-hindi mo manlang sila maprotektahan? Anong klaseng guro ka ba ha!?" Muling bulyaw noong ina habang walang habas lamang sa pag-iyak. She lost her son in a tragic and traumatic way possible, kaya sino ba naman ang hindi mag-he-hysterical sa nangyari.

"Nasaan ka no'ng isa-isang pinapaslang ang mga estudyante mo? Nasaan ka!? Kayo ng mga kapareho mong guro't ang walang kwenta niyong principal? Kayo at nang mga pulis na wala namang ibang ginawa kundi ang magpa-laki lang ng tiyan!? Nasaan kayong lahat ng pinapaslang ang anak ko!? Nasaan!? Hustisya ang kailangan ko! Hustisya!"

"P--Patawad..."
Tanging mga katagang naisasambit nalamang ng guro.

Kasalukuyang nasa funeral nina Vince at Rejoy ngayon si Zaira
Nakikiramay sa mga mahal sa buhay ng kanyang mga estudyanteng napaslang sa trahedyang kamakailan lamang ay nangyari.

Ngunit wala siyang ibang natanggap kundi masasakit na mga salita mula sa mga magulang noong mga nabiktimang kabataan.

And all Zaira could do was look down, and apologize for a dozen of times. Patuloy at sunod-sunod lamang siyang humingi ng patawad habang pinipigilan ang sariling maiyak...

It is true that she wasn't around when the murders were happening, and she couldn't do anything to stop the sudden deaths.

But it wasn't entirely her fault...

Dahil sa simila't-sapul palamang ay nakaka-tanggap na'rin siya ng mga pag-babanta sa kanyang buhay.

She got scared that the killer might soon end her life and the people she cares about.

But her selfish act made her look like the person responsible for her students' deaths.

They're dead because of her...

And they're all dying because of her...

Iyan ang mga katagang patuloy na natatanggap ng guro at ng iba pang kagaya niya mula sa kanilang paaralan, sa kadahilanang wala silang magawa dahil sa pag-babantang patuloy na ipinapataw sa kanila ng kriminal na estrangherong, ipinakilala ang kanyang sarili bilang Bladespawn.

"Patawad!?" Vince's mom shouted again in despair, and slapped Zaira another time.
"Sa tingin mo ba maibabalik pa ng kapatawaran ang buhay ng anak ko!? Ng mga anak na'min!? Walang kwenta! Kayo nalang sana ang namatay!!" Muling bulyaw noong ina sa guro, habang sa likuran nito nama'y patuloy lamang sa pag-pipigil sa kanya ng kanyang asawa't iba pang mga anak.
"Zenaida, tama na!" Wika sa kanya ng asawa.

Dahil dito'y napa-luhod nalamang ang guro habang dahan-dahang idinadapa mula sa sahig ang kanyang mga palad at noo, isang sign ng pag-hingi ng tawad, but she knew that it wasn't enough...

She never said anything...

She just bent down there and stay silent, habang sunod-sunod nang umaagos ang mga luha mila sa kanyang magkabilang pisngi, and then she said it.

"A--Alam ko... A--Alam kong hindi ko na maibabalik ang mga buhay ng mga anak niyo. A--At alam ko ring may malaking sala rin ako dahil sa mga nangyari't patuloy pa'ring nangyayari... K--Kaya naman... Pinapahintulutan ko kayong gawin ang lahat sa'kin kung iyon ang makakabuti sa mga nararamdaman niyo," she said, dahilan upang bahagya munang hindi maka-imik ang lahat ng mga taong naroroon mula sa funeral, maging si Zenaida.

"Saktan niyo ko! Parusahan niyo ko! Sampalin niyo pa ako ng paulit-ulit! H--Hanggang sa mabawasan na ang mga galit na nararamdaman niyo! T--Tatanggapin ko ang lahat..."

The Final ExamWhere stories live. Discover now