TFE 49: Annual

1.3K 64 7
                                    

“Lalaine, sigurado ka ba talagang gagana ang plano niyo ng mga sinasabi mong mga kasamahan mo?” Tanong ng dalagang si Heide sa kaibigan, habang patuloy pa rin sa paglalakad mula sa tahimik na kalsada ang mga ito, patungo sa sinasabing building ni Lalaine, kung saan daw naka-held captive ngayon ni Bladespawn iyong iba...

“Basta, magtiwala lang kayo sa'kin,” sagot ni Lalaine.

“Papaano kami magtitiwala kung ayaw mo namang sabihin samin kung sino-sino yang mga tinutukoy mo?” Ani naman ni Ian, “Heck, we don't even know if you're telling the truth! Baka mamaya, ikaw pala si Bladespawn at—”

Lalaine sighs in disbelief.
“Alam mo, Ian, kaka-overthink mo yan eh,” anito. “Sa tingin mo ba talaga ako 'yong tipo ng taong kayang pumatay ng napakaraming tao?”

Ian paused for about three seconds before replying...
“I mean... Who knows? Even wolves hide in sheep's clothing just to target some prey. Are you some kind of wolf, Lalaine?”

Sa puntong iyon naman ay si Lalaine ang hindi muna nakapagsalita.

Naging seryoso ang atmosphere nilang tatlo.
“Maniwala man kayo o hindi, I am most definitely not the killer. Kilala mo ako, Ian. Simula mga bata palamang, matagal na tayong magkasama. You know I couldn't hurt a fly,” aning muli ni Lalaine.

Dahil naman dito'y si Ian naman ang napabuntong hininga.
“Okay, I know. Sorry,” aniya, ngunit nagtapong muli ng isang matalim na tingin s kaibigan.
“But I'm warning you, if you ever do something bad...”

Lalaine rolled her eyes in annoyance.
“Yeah, yeah, yeah, whatever!"

Sa kalagitnaan ng nangyayari'y hindi na napigilan pa ni Heide ang sarili, at sumabat na siya sa magkaibigan...
“So.... What's the plan? After nating makapunta roon, ano nang susunod nating gagawin?”
Tanong niya.

Dahil dito nama'y napangisi nalamang si Lalaine.

“And then, we wait..." Sagot niya.

“For your friends?” Muling tanong ni Heide, dahilan upang mapatango lang si Lalaine.

“Pero... Papaano kung hindi lang nag-iisa si Bladespawn? Papaano kung marami sila?” Tanong nama ni Ian.

“Edi lalaban tayo,” sagot muli ng dalaga sa kanilang mga katanungan.
“It's now or never. I'm pretty sure kung mga karakter tayo sa isang libro? We're finally reaching it's final chapter.
In order to make it out till the end, it's either we kill...

....or be killed....”










BestRoleInLife
Proudly Presents...







THE FINAL EXAM







CHAPTER 49:
ANNUAL







+++








Maniwala kayo sa'kin! Hindi nga sabi ako ang pumapatay! Hindi ako si Bladespawn!”

Sa kabilang dako naman ay kasalukuyang nasa loob ng isang selda ngayon ang dalagang si Nicole.

Hindi siya pinapalabas no'ng isa sa mga bantay na pulis no'ng presinto, dahil naniniwala itong kung hindi man si Nicole ang tunay na mastermind, ay maaaring isa ito sa mga taong pumapatay.

"Yeah, yeah, whatever! Alam mo miss, iyan din kasi ang sinasabi no'ng ibang nakukulong na rin ngayon sa presintong 'to kagaya mo eh! Every single time, sinasabi nilang hindi sila ang killer, o hindi sila ang gumawa ng krimen, kahit mas maliwanag pa kaisa sa sikat ng araw na sila naman talaga. Magbubulag-bulagan pa ba kami kung halatang may ibedensya na?” Monologong pagkakasabi no'ng officer na si Mike, habang tahimik lamang na nakaupo't nagbabasa ng isang diyaryo, at nakasaray pa ang mga binti sa isang kalapit na mesa.

The Final ExamWhere stories live. Discover now