TFE 29: You Have Been Warned

1.2K 71 4
                                    

Halos malapit nang gumabi no'ng mga oras na iyon, at hanggang ngayo'y nasa loob pa'rin ng kani-kanilang mga cabins ang mga kabataan.

Kasalukuyan namang nasa loob ng kanyang sariling kwarto ang dalagang si Nicole, habang abala lamang sa pag-lalaro ng isang mobile game na kung tawagin ay Plants vs. Zombies.
Kasama niya 'rin ang iba niya pang mga ka-cabin mates.

Bahagya lamang siyang natigilan sa pag-lalaro nang may marinig siyang kumatok mula sa labas ng pintuan ng kanilang cabin.

She paused what she was playing at nag-presenta nang siya nalamang ang bubukas sa pinto.

"Who's there?" Tanong ni Nicole bago niya pa man pinag-buksan iyong tao mula sa labas.

"Si Mell toh, Nics!" Wika naman ng isa sa mga kaklase niya mula sa labas.

Dahil dito'y agad namang binuksan ni Nicole iyong pinto, at una niyang nakita ay ang binatang kaklaseng naka-suot pa ng isang blue suit. Halatang ayos na ayos.

"You look cute Mell, but if you're gonna ask me out for a date, sorry I would have to pass. I already have a sugar daddy," bored na sabi ni Nicole sa binata, sabay na nag-biro pa.

"Sugar-- ha!? Hindi! Itatanong ko lang sana kung pupunta din ba kayo?" He asks.

"Pupunta saan?" Takang tanong ni Nicole.

"Hindi ba kayo sinabihan nina ma'am Zai na magkakaroon tayo ng party ngayong gabi sa may camp cafeteria?"

"May Cafeteria dito? A--At teka... party? Magkakaroon ng party? Bakit? Nagsi-datingan na ba yo'ng mga estudyante galing sa ibang schools? May mga pogi ba?" Sunod-sunod na tanong ng ngayo'y wari ba'y na-sasabik nang si Nicole.

"Wala pang mga estudyante galing sa ibang school, pero ang sabi ni ma'am baka papalapit na'raw," ani Mell.
"Yo'ng iba mong mga ka-cabinmates, nandiyan pa ba?"

"Yeah. Nando'n sa rooms nila," sagot ni Nicole.

"Sige, ikaw nalang ang bahalang mag-sabi sa kanila ah? Mauna nalang ako do'n sa cafeteria," wikang muli nang binata.

"Wait! I need your opinion, do you think kailangan kong mag-dress?" Nicole asks.

Mell just shrugged both of his shoulder as an answer.
"Ewan," aniya.

"O sige. Since it's going to be a party, I've decided to wear my best dress ever! Alam mo na, malay na'tin maka-jockpot ng pogi diba?" Muling sabi ni Nicole na abot langit pa ang mga ngiti.

"Bahala ka. Basta soutin mo lang ang outfit na hindi sasabit sa mga kung ano-anong bagay," ani Mell. Dahilan upang kaagad namang mag-taka si Nicole sa sinabi nito.

"What do you mean?" Tanong niya.

Mell then, shrugged both of his shoulders.
"Just saying. Baka kung ano nanaman ang mangyari. Most characters in horror movies dies dahil lamang sa sumasabit ang mga kasuotan nila sa mga bagay-bagay," huling iniwika ng binata at pagkatapos ay kaagad nang nag-lakad paalis...

Naiwan naman si Nicole doon na sinusundan pa'rin ng tingin ang kaklase.
Shen then, rolled her eyes.
"Fine! Mag-ca'casual wear nalang ako," aniya sa sarili, sabay na isinarado na ang pinto...
"Or you know what? Di nalang ako pupunta. I'm so sick and tired anyway," pahabol pang sabi ni Nicole, at pagkatapos ay dumeretso na mula sa kanyang sariling kwarto.

Ni-hindi niya nga 'rin naibahagi sa iba niya pang mga kaibigan ang pinapa-sabi sa kanya ni Mell.
Bagkus ay natulog nalamang ito na naka-lock ang sariling kwarto.

Habang nag-lalakad naman mula sa may malapit nang open field, ay kanina pa may nararamdamang kakaiba si Mell.

Wari ba'y parang may nakikita siyang taong kanina pang sumusunod sa kanya. Nakikita niya ang presensya nito mula sa kanyang peripheral vision.
But everytime he looks behind, wala siyang may nakikita...

The Final ExamHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin