Chapter 50

13.2K 237 19
                                    

THIRD PERSON'S POV

12 years ago

"Kuya, nagugutom na ako." Naiiyak na sabi ni Yohan habang nasa tambakan sila ng basurahan kasama ang mga nakatatanda niyang kapatid na sina Ace at Aldwin.

Abala naman sa pangangalakal ang mga kapatid niya para may pera silang pambili ng pagkain. Simula kasi nang mag-asawa na naman ng bago ang kanilang ina ay tila napabayaan na sila nito at nahinto na rin silang lahat sa pag-aaral.

"Konting tiis lang, Yohan. Mamaya ay makakabili na rin tayo ng pagkain. Tatapusin lang namin mangalakal ni Kuya Ace mo." Nakangiti namang sabi ng nakatatandang kapatid nilang si Aldwin sa kanyang nakababatang kapatid.

"Okay po, kuya." Huminto naman sa pag-iyak si Yohan at ngumiti ng matamis dahil sa sinabi ng Kuya Aldwin niya.

Tahimik lang si Ace at patuloy lang sa pangangalakal. Gusto man niyang magalit sa kanyang ina ay hindi niya magawa dahil kadugo niya ito at ito rin ang nagluwal sa kanila simula nang ipinanganak silang magkakapatid. Kung masamang ina kasi ito ay sana noong nasa tyan pa lamang sila ay hindi na sila nito binuhay. Kahit napapabayaan na silang magkakapatid ay inisip na lang niyang masyado lang nabaling ang atensyon ng kanyang ina sa bago nitong asawa.

"Tapos na rin sa wakas!" Masayang sabi ni Aldwin pagkatapos niyang makolekta ang mga nakuha nilang plastic, bote at dyaryo sa tambakan ng basurahan.

"Yehey! May pambili na tayo ng pagkain." Masigla namang sabi ni Yohan kaya napangiti si Ace at ginulo ang buhok ng kanyang kapatid.

"Oo bunso, kaya kapag nakabili na tayo ng pagkain ay magpakabusog ka, ha?" Sabi ni Ace.

Tumango naman si Yohan at nagthumbs-up pa. "Opo, kuya."

Wala nang sinayang na oras ang magkakapatid at kaagad silang nagtungo sa junk shop para ibenta ang mga nakuha nilang plastic, bote at dyaryo sa tambakan ng basurahan.

Mababait at masiyahin ang magkakapatid na sila Yohan, Ace at Aldwin. Kahit pinapabayaan na sila ng kanilang ina dahil sa bago niyang asawa ay hindi kailanman nagtanim ng sama ng loob ang magkakapatid sa kanilang ina. Ina pa rin kasi nila ito at mahal nila ito. Kahit binubugbog naman sila ng mga bagong nakakarelasyon ng kanilang ina ay hindi iyon naging dahilan para mawala ang respeto at pagmamahal nila sa kanilang ina. Gustong-gusto rin sila ng mga tindero at tindera sa palengke dahil sila ay bibong mga bata at makikisig pa. Paminsan-minsan ay tinutulungan nila ang mga tindero at tindera sa paghahanap-buhay kahit ang kapalit lamang nun ay pagkain o tinapay na mura lamang na nabibili sa tindahan.

Nang matapos na nilang mabenta ang mga nakolekta nilang basura at makuha ang kaunting pera na sapat na para makabili sila ng murang tinapay at softdrinks ay lumakad na sila papaalis. Habang naglalakad sila ay may mga nakasalubong silang mga batang estudyante na mukhang kakalabas lang galing sa eskwelahan nila. Napatitig naman ang tatlong magkakapatid sa kanila.

"Namimiss ko nang mag-aral." Malungkot na sabi ni Ace at yumuko ito.

"Ako din." Malungkot rin na sabi ni Aldwin at parang maiiyak na.

Si Yohan naman ay tila nalulungkot para sa mga kapatid niya. Mahilig mag-aral ang mga kuya niya at nakikita niya iyon noon pa. Kahit apat na taong gulang pa lang siya ay tinuturuan na siya ng mga ito na magbasa at magsulat para kapag dumating ang araw ng pasukan at pwede na siyang pumasok sa eskwelahan ay alam na niya kung paanong magbasa at magsulat.

Laking gulat nang magkakapatid nang makasalubong nila ang kanilang tiyuhin na si Roger na bagong asawa ng kanilang ina na may kaakbay na isang babae na maraming kolorete sa mukha. Nambababae na naman ito at kahit sinasabi pa nila iyon sa kanilang ina ay hindi naman sila pinapakinggan nito at tila nagagalit pa.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now