Chapter 35

8.3K 200 12
                                    

SARINA'S POV

"Hinatid ko lang si Sarina dito sa inyo dahil si Xavier ay kausap pa ang mga ka co-workers namin. Baka kasi mabored lang si Sarina doon sa restaurant kaya hinatid ko na siya dito sa inyo pauwi." Nakangiting sabi ni Kuya Maverick kina Ate Annika at sa lalaking kasama nito.

Sino kaya 'tong lalaking kasama niya? Boyfriend kaya niya ito?

Tumango lang naman si Ate Annika pero may pagkapilya ang ngiti niya. Siguro ay dahil nakita niya na nakaupo ako sa lap ni Kuya Maverick kaya ganyan ngayon ang reaksyon niya at baka mamaya ay magsumbong pa siya kina Mommy at Daddy at lalong-lalo na kay Kuya Xavier. Patay ako nito!

"Okay? By the way, my lil sis si Bryan nga pala, co-worker ko. Bryan, this is my youngest sister, Sarina." Pakilala ni Ate Annika sa akin sa lalaking kasama niya.

Akala ko naman ay may boyfriend na si ate.

"Ah, hello po sa inyo." Bati ko sa co-worker niyang si Kuya Bryan.

Ngumiti lang naman sa akin si Kuya Bryan at binati rin ako. "It's nice to meet you too, Sarina. Kaibigan ko rin 'yang si Kuya Maverick mo." Nakangising sagot niya at tinignan niya ng nakakaloko si Kuya Maverick na nakangiti lang.

Aba at magkaibigan rin pala sila. Gwapo rin itong si Kuya Bryan at kung hindi ko lang kapatid si Ate Annika ay iisipin ko talagang may relasyon sila dahil aaminin ko na bagay silang tignan na magkasama.

I nodded. "Ah ganon po ba." Sabi ko na lang.

"Do you want to join us for dinner, Maverick?" Tanong ni Ate Annika kay Kuya Maverick.

"I want to join too pero walang kasama 'yung kapatid ko sa bahay so I need to go home now." Sabi naman ni Kuya Maverick at ginulo nito ang buhok ko.

"I see. Ihahatid ka na namin sa labas." Sabi ni ate.

Tumango naman si Kuya Maverick at pagkatapos nun ay lumabas kami at hinatid na namin siya sa labas ng bahay.

"Thank you for this day. Take care, Sarina. See you soon." Paalam ni Kuya Maverick at sumakay na ito sa loob ng kotse niya hanggang sa makaalis na siya.

Nang makaalis na si Kuya Maverick ay nagulat na lang ako nang bigla akong sundutin ni Ate Annika sa tagiliran ko.

"Aray! Ate naman!" Hiyaw ko.

Tumawa lang naman siya pati na rin si Kuya Bryan.

"Ikaw ha! Kitang-kita namin 'yung kanina. Alam naman namin na may gusto sa'yo si Maverick Eliazar eh." Nakangising sabi ni Ate Annika.

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil sa sinabi ni Ate Annika.

Papaano niya nalaman na may gusto sa akin si Kuya Maverick?

"Ha? W-walang gusto sa akin si Kuya Maverick, no! Saan mo naman napulot ang fake news na 'yan?" Indenial kong sagot.

Tumawa lang naman siya sa naging reaksyon ko. "Sus, umamin nga siya sa akin noong burol ni Trey na may gusto siya sa'yo. I think he's asking for a permission na ligawan ka. Wala naman sa aking problema kung magka-boyfriend ka, lil sis but I think he needs to talk to our parents and especially Kuya Xavier for a permission." Sabi ni Ate Annika.

So, wala talagang pakialam si Kuya Maverick na malaman nang lahat na may gusto siya sa akin na kahit sa mga kapatid ko pa ay inaamin niya ang nararamdaman niya para sa akin. Napangiti ako ng palihim dahil don.

I really see how he loves me.

"Don't worry, Sarina. I know Maverick for a long time. Sa'yo lang nagkagusto ang taong 'yon. He's older than you but I know that he will take care of you and loves you more than he does. Katulad na lang din ng pagmamahal niya para sa kapatid niyang si Macy." Sabi naman ni Kuya Bryan and he tapped my shoulder.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon