Chapter 21

11.8K 292 36
                                    

SARINA'S POV

I never knew that I can loved a guy who's my best friend for a longtime. He was my best bud, partners, playmates, elementary classmate and my shoulder to cry on whenever i'm feeling down. Si Trey na yata ang pinakamabait na lalakeng nakilala ko sa buong buhay ko. Nakita ko na isa siyang mapagkumbaba, magalang, maintindihin, mapagbigay, masayahin at puno ng respeto sa kahit sinong taong nakapaligid sa kanya. Maganda ang pagpapalaki ng mga magulang niya sa kanya kahit na only child lang siya. Isa rin siyang matalino at masipag na tao, gifted kumbaga kaya sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya?

Kaya nga sa hindi ko inaasahan ay matagal na rin pala niya akong gusto katulad na lang ng nararamdaman ko para sa kanya. Akalain mo 'yon? Our feelings are mutual. Pero sa hindi ko inaasahan na sa loob ng 16 years ay tatapusin lang rin pala ang buhay niya ng mga demonyong taong pinatay siya ng walang kalaban-laban. Papaano nagagawa ng mga taong 'yon ang patayin si Trey? Wala ba silang kinikilalang Diyos? Hindi ba sila nananampalataya at nagsisimba tuwing linggo para mabawasan ang mga kasalanan nila? Kung may galit sila sa isang tao ay bakit kailangan pang humantong sa punto na tatapusin nila ang isang inosenteng buhay? Sila ang mga taong hindi naniniwala sa Diyos. Masama man sabihin ito pero isa na silang mga demonyo, at kapag nalaman namin kung sino ang mga taong pumatay sa walang kalaban-laban na si Trey ay pagbabayaran at mabubulok sila sa kulungan nang pang habang-buhay.

Matapos mailibing si Trey na dinaluhan ng pamilya, kamag-anak, mga kakilala at naging mga kaklase namin sa dati naming paaralan dito sa pilipinas maging pati na rin ang mga kaklase at kaibigan ko sa St. Therese ay tulala akong napaupo sa bakanteng upuan. Wala na rin akong mailuha dahil palagi na lang ako napapaiyak sa tuwing naaalala kong hindi ko na muli pang makakasama at makakausap si Trey.

Naramdaman ko na lang na may nagpatong ng isang kamay sa balikat ko. Napaangat naman ako ng tingin at nakita ko si Yohan na nakatingin na mukhang nag-aalala para sa akin. Ngumiti siya pagkatapos at umupo sa upuang nasa tabi ko lang.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

Tumango na lang ako ng walang halong emosyon. Hinawakan naman niya ang isang kamay ko kaya napatingin ulit ako sa kanya. "Makakaya mo rin ang lahat ng 'to, Sarina." Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at kaagad siyang niyakap kasabay ng malakas kong paghagulgol.

Hinagod-hagod naman niya ang likod ko para kumalma ako sa pag-iyak. "Sige, ilabas mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo. Nandito lang ako sa tabi mo at hinding-hindi kita iiwan." Sabi pa niya. Tumango na lang ako at umiyak ng umiyak mula sa mga balikat niya.

Yohan is my friend for a long time too. Mabait siya at mapagkakatiwalaan na kaibigan katulad na lang rin ni Jenica. Hindi ko nga akalain na ang isang katulad niyang gwapo at sikat na Varsity Player ng St. Therese ay magiging kaclose ko ng ganito.

Nang mahimasmasan na ako at tumigil sa pag-iyak ay hinarap ko si Yohan. "Salamat, Yohan. Sorry kung nabasa ko pa 'yung t-shirt mo ng luha ko." Paumanhin ko sa kanya.

Umiling lang siya. "Walang problema basta't kahit papaano ay gumaan lang 'yang nararamdaman mo." Nakangiti niyang sabi habang pinupunasan ang mga luha ko.

Sa hindi naman kalayuan ay nakita ko na napatingin sa gawi namin si Kuya Maverick na abala sa pakikipag-usap kila Kuya Xavier at sa mga magulang ni Trey. Sinamaan ko lang siya ng tingin at hindi na siya muli pang tinignan. Ayoko man mambintang pero malakas talaga ang kutob ko na may alam si Kuya Maverick tungkol sa pagkamatay ni Trey. Hindi man siya ang pumatay kay Trey ay baka may alam siya kung sino ang mga taong dahilan ng pagkamatay ni Trey.

"Galit ka ba kay Mr. Eliazar?" Tanong ni Yohan na ikinagulat ko.

Napabuntong-hininga na lang ako. "Alam kong mali ang mang-akusa ng isang tao pero pakiramdam ko ay may alam si Kuya Maverick tungkol sa pagkamatay ni Trey. Hindi man siya ang pumatay kay Trey ay pakiramdam ko talaga na may alam siya sa mga nangyayari." Bigla naman siyang napahinto dahil sa mga sinabi ko.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now