16

13.5K 349 26
                                    

XAVIER'S POV

Nandito ako sa Coffee Shop at inaabangan ang Manager ng Telecom Intect na magpoprovide para sa agents na magiging katulong ng kompanya namin. I heard that this manager were at the same age as me pero isa nang successful na lalake sa edad niya. Hindi siya nagtatrabaho sa kompanya ng mga magulang niya na may pinakasikat at pinakamatibay na textile and steel glass products company dahil gusto raw nitong maging independent muna sa larangan na gusto niya. Kahit naikukwento lang siya sa akin ng mga kasamahan ko sa trabaho ay bilib na ako sa kanya.

Sa ilang minuto kong paghihintay, sa wakas at dumating na rin ang Manager ng Telecom Intect at kaagad akong nilapitan sa puwesto ko. Nakipagshakehands siya sa akin at pagkatapos ay umupo na sa katapat ng inuupuan ko.

"Nice meeting you, Mr. Xavier Allen Vicencio. I'm Maverick Eliazar, the Manager of Telecom Intect." He said. Tumango ako.

Sa itsura niya ay mukha naman siyang mapagkakatiwalaan ng kompanya. He looks intimidating and strict.

"Nice meeting you too, Mr. Eliazar. Kayo ang pinili ng mga empleyado ng CBG Network Incorporation na magpoprovide para sa magiging communication line ng kompanya namin. Tiwalang-tiwala sila sa kakayahan mo at ng mga empleyado na nagtatrabaho doon. Makakaasa ba kami sa serbisyo n'yo?" Seryoso kong tanong.

Ngumiti siya at pagkatapos ay tumango. "Of course Xavier, makakaasa ka na magiging maganda ang performance ng mga empleyado at sisiguraduhin ko na hindi ka madi-disaappoint sa magiging performance namin." Sabi niya.

"Then good. Mabuti na at nagkakaliwanagan tayo. I'll go ahead at may meeting pa ako na pupuntahan." Tumango ako at akmang tatayo at aalis na sana nang pinigilan niya ako.

"Pwede bang mag-usap tayo kahit sandali? May sasabihin lang sana ako sa'yo." Seryoso niyang sabi.

Mukhang importante ang sasabihin niya kaya pinagbigyan ko siya. "Sige. Ano ba ang pag-uusapan natin?"

"You're a brother of Sarina Vicencio, right?"

"Yes. I'm his brother. How did you know her?"

Nagulat ako dahil hindi ko akalain na kilala ni Mr. Eliazar si Sarina. Hindi kasi masyadong ine-expose ng pamilya namin si Sarina sa lahat kung may kinalaman sa business ang topic o pag-uusapan namin iyon.

Ngumiti siya. "Ako kasi 'yung older brother ni Mace Ann Eliazar na bagong bestfriend ng kapatid mong si Sarina. Nag-overnight pa nga si Sarina sa bahay namin noong mga nakaraang araw para gumawa ng homeworks nila ni Macy. Natutuwa lang ako na nameet kita bilang kuya ni Sarina."

Sandali akong nag-isip at naalala na nagpaalam nga noon si Sarina sa akin para mag-overnight muna sa bahay ng bagong bestfriend niya na si Macy dahil sa homeworks nila. Hindi ko akalain na si Mr. Eliazar pala ang kapatid ng bagong bestfriend ni Sarina.

"Nabanggit nga sa akin ni Sarina na mag-oovernight siya sa bahay ng bagong kaibigan niyang si Macy kaya pumayag ako. I didn't know you are Macy's older brother." Nakangiti kong sabi.

Natawa siya ng mahina. "Yes, I am Macy's older brother. What a coincidence bro!"

"Should we consider ourselves as bestfriends, too?" Nakangisi niyang tanong.

Natawa ako habang napailing. "Oo naman. Bakit hindi?" Sabi ko at nginisian siya.

Napahinto siya at inabot muli ang isa niyang kamay sa akin. "Xavier, because of your sister Sarina, my sister Macy were now happy just because of her. Si Macy ay loner at walang ibang kaibigan dahil lumaki siya na walang masyadong pagtitiwala sa mga taong nasa paligid niya. Nabago lang 'yon simula nang magtransfer siya sa St. Therese at doon niya nakilala si Sarina. Malaki ang utang na loob ko kay Sarina, kung hindi dahil sa kanya ay magiging malungkutin na habangbuhay ang kapatid ko. Alang-alang sa kanila ay sana maging magkaibigan rin tayo?" Sincere niyang sabi.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now