Chapter 39

7.3K 195 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

Napapikit na lang si Sarina nang mabasa niya ang mga texts at calls ni Maverick sa contact history ng phone niya. Naalala pala niyang hindi niya ito nasagot sa mga texts at tawag nito dahil naging busy siya sa pag-iisip ng mga sinabi sa kanya ni Alex. Natatakot siya na baka siya pa ang maging dahilan ng break-up nilang dalawa ni Jenica. Nakikita niya kasi na sobrang mahal na mahal ni Jenica si Alex at ayaw niya nang dahil lang sa kanya ay masisira iyon katulad na lang nang nangyari noon sa kanila ni Ulysses.

Wala siyang pasok ngayon dahil weekends na at nakahiga lang siya sa kama niya. Tumunog naman ang phone niya at nakita niyang si Maverick ang tumatawag. Napabuntong-hininga na lang siya bago niya sagutin ang tawag.

"Hello?"

(Finally at sinagot mo rin! Bakit ngayon ka lang nagresponse sa mga tawag ko sa'yo? I called you a hundred times already pero nagriring lang 'yung phone mo. Are you busy with something?) Tanong nito sa kabilang linya na may halo pang pagdududa.

"Yeah. I'm sorry. Naging busy lang ako sa mga school projects and other stuffs sa school." Sabi na lang niya kahit hindi naman siya gaanong naging busy.

Baka kapag nalaman pa ni Maverick na may ibang lalaking nagkakagusto sa kanya ay magkagulo pa.

Natahimik naman sa kabilang linya si Maverick bago ulit ito nagsalita. (Okay. I understand. Let's date. Susunduin kita diyan sa bahay niyo.) Nagulat naman si Sarina sa sinabi ni Maverick and at the same time ay kinilig rin.

"N-Ngayon na po ba? Hindi ba pwedeng-" Kaagad namang sumagot si Maverick.

(Oo kaya mag-ayos ka na. I will pick you up in 1 hour.) Sabi pa nito bago putulin ang tawag.

Wala namang nagawa si Sarina kundi pumayag na lang. Wala rin naman siyang magagawa dahil alam niyang si Maverick ang masusunod sa kanilang dalawa. She's dating Maverick Eliazar at alam na iyon ng Ate Annika niya pero hindi pa ito alam ni Xavier at ng parents niya. Medyo natatakot siya dahil baka hindi magustuhan ng parents niya si Maverick dahil sa age gap nila pero mas natatakot siya kay Xavier dahil nakikita niyang hindi ito sang-ayon sa pakikipagrelasyon niya kay Maverick. Napatakip na lang ng mukha si Sarina gamit ang unan niya bago ito nag-ayos para sa date nila ni Maverick.

Pagkatapos ng isang oras ay nagtext na si Maverick na nasa labas na ito ng gate nila. Tapos na rin mag-ayos si Sarina at bumaba na siya mula sa kwarto niya. Pinuntahan niya si Maverick sa labas ng bahay nila at napasinghap na lang siya nang makita niya ito.

Kahit sa simpleng suot nitong puting polo shirt at black jeans ay nagstand-out pa rin ang kakisigan ni Maverick. Medyo magulo rin ang buhok nito na ngayon lang niya nakita pero bumagay pa rin ito sa kanya.

Hindi niya akalain na magkakagusto sa kanya ang isang Maverick Eliazar.

Tinitigan siya ni Maverick na ikinailang niya. Naka white dress rin siya kapareho sa kulay ng suot nito. Hindi naman sila nag-usap tungkol sa color coding ng susuotin nila pero pareho pa rin sila.

Destiny nga ba talaga na mahalin siya ng isang Maverick Eliazar?

"You really look good and pretty." Sabi ni Maverick at nginitian siya. Para namang natunaw ang puso ni Sarina dahil sa sinabi nito at napayuko na lang sa hiya.

"Salamat." Mahinang sambit niya.

Iniabot naman ni Maverick ang kamay niya kay Sarina at tinanggap naman iyon ni Sarina.

"Let's go?" Tanong ni Maverick.

Tumango lang si Sarina at pagkatapos ay pumasok na sila sa dalang kotse nito. Nang nasa loob na sila ng kotse ay katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa.

Danger AlleyWhere stories live. Discover now