14

15.5K 424 60
                                    

SARINA'S POV

Pagkatapos ng klase namin ni Macy ay niyaya niya kaming ni Trey na kumain sa labas kasama si Kuya Maverick. Pumayag ako dahil nahihiya akong tanggihan si Macy at isa pa ay medyo palagay na ang loob ko kay Kuya Maverick matapos naming mag-usap nang nag-overnight ako sa bahay nila.

Mabait si Kuya Maverick at iniisip palagi ang kapakanan at kaligayahan ni Macy. Nakikita ko sa kanya na ganoon din sina Ate Annika at Kuya Xavier sa akin. Magkaedad lang rin sila ni Kuya Xavier.

Medyo matagal ang pag-aayos ng transferee requirements ni Trey kaya hindi pa siya nakakapasok sa St. Therese. Isang linggo pa bago maayos iyon kaya sa ngayon ay abala siya sa paghahatid-sundo sa akin sa school.

Masaya ako dahil nakikita ko kung gaano siya nag-eeffort para sa akin. Malapit ko na rin siyang sagutin dahil alam kong deserving siya para sa sagot kong 'oo'.

Hinihintay naming tatlo si Kuya Maverick sa labas ng school. Pagkatapos nang ilang minuto ay may dumating na kotse at pumarada ito sa harapan namin. Biglang bumukas ang bintana ng kotse at napasinghap ako nang makita si Kuya Maverick na dumungaw sa bintana ng kotse. He's wearing sunglasses at ang gwapo at cool niyang tignan.

Natigil lang ako sa pagtitig sa kanya nang bigla siyang nagsalita.

"Hop in," Tumingin siya sa akin at nginitian ako.

Nang mapadako ang tingin niya sa kasama kong si Trey ay biglang sumeryoso ang mukha niya at kaagad sinara ang bintana ng kotse.

"Sakay na kayo, best friend. Dito na ako sasakay sa front seat," Nakangiting sabi ni Macy at sumakay na sa front seat. I nodded and smiled.

"Let's go, Trey?" Nakangiting tanong ko kay Trey. Ngumiti at tumango siya at pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko at saka kami sumakay sa loob ng kotse ni Kuya Maverick.

Nang nasa loob na kami at pinaandar na ang kotse ay napansin ko sa front mirror ni Kuya Maverick na parang tinititigan niya ng masama si Trey na nakadungaw sa labas ng bintana.

Bakit niya tinititigan ng masama si Trey e, wala naman itong ginagawang masama sa kanya? Namalik-mata lang siguro ako dahil imposible 'yon at ngayon lang sila nagkita.

"Sasa, ang dami na talagang nagbago sa daan dito sa Pilipinas pagkatapos ng apat na taon, no? Kaya namiss ko dito dahil sanay ako sa comfort zone na 'to at siyempre, dahil nandito ka." Nakangiting sabi ni Trey na nakadungaw pa rin sa bintana at tinitignan ang bawat structures na nadadaanan namin pagkatapos ay tumingin siya sa akin.

Nagblush naman ako. "Oo. Marami na ngang nagbago dito sa Pilipinas. Mabuti nga at nakauwi ka na dito after 4 years at syempre... masaya rin ako at nandito ka na." Nahihiya kong sabi.

"Naks naman, best friend! Lalanggamin na kami ni kuya dahil sa kasweetan n'yo ni Trey. Iba talaga ang nagagawa ng love, hindi ba, kuya?" Nakangising sabi ni Macy at tinanong si Kuya Maverick na abala sa pagmamaneho.

Uminit bigla ang pisngi ko sa sinabi ni Macy.

"Yeah, love can do anything to people, whether good or bad." Sagot ni Kuya Maverick.

His deep voice give chills to my body.

Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng ganitong pakiramdam. Para bang may ipinapahiwatig ito sa sinasabi pero hindi dapat ako mag-isip ng kung anu-ano. He's a nice guy at nakakaintimidate lang talaga ang bawat salita at kilos niya.

"Tama ka kuya, kaya Trey, kapag naging kayo na ni Sarina ay gawin mo ang lahat para ingatan at mahalin siya, okay? Dahil sa oras na saktan mo ang best friend ko ay ako ang makakalaban mo." Pagbabanta ni Macy na halatang biro lang.

Danger AlleyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon